Kabanata 20
I guess
It's been already two weeks since that incident happened. Hindi ko na pinatuloy ang kaso dahil ayoko ng palakihin pa ang gulo. Mas pinili ko na lang na pumunta kami ni Azriel dito sa Maynila.
"Hindi ka pa ba matutulog? Madaling araw na," puna bigla ni Azriel kaya't natauhan ako at nilingon ko na siya.
Ngayon ko lang napagtanto na kanina pa nga ako nakatayo dito sa balcony at hindi ko na namalayan ang oras.
"Ikaw, bakit gising ka pa?" tanong ko naman bago ako tuluyang humarap sa kaniya.
"I can't sleep without you," diretso niya namang sagot na ikinatango ko na lang bago ko siya nilapitan at inaya ko na siyang pumunta sa kwarto dahil kitang-kita ko na sa malamlam niyang mga mata ang antok.
Nang makapasok naman na kami loob ng silid ay nauna na siyang nahiga. Papatayin ko na rin sana kaagad ang ilaw nang natigilan ako saglit. Dalawang linggo na kami dito tapos ngayon ko lang napansin na hindi niya pala talaga tinapon ang mga naiwan kong gamit dito noong umalis ako.
"Eve, let's sleep," namamaos nang sambit ni Azriel kaya't tuluyan ko nang pinatay ang ilaw bago ako tumabi sa kaniya.
"Goodnight," he murmured before wrapping his arms around my waist kaya't kaagad kong naramdaman ang init na nanggagaling sa kaniya.
"Goodnight," mahina ko namang sagot.
"Sleeptight," he added before placing a soft kiss to my forehead.
I just hummed as my response, at hinayaan kong balutin na kami ng katahimikan.
Akala ko'y makakatulog na rin ako pero halos kalahating oras na ang lumipas ay gising na gising pa rin ang diwa ako. Ingat na ingat ko na lang tuloy na tinanggal ang yakap ni Azriel sa akin bago ako tumayo. Kinuha ko na rin muna ang cellphone ko na nasa bedside drawer para magsilbing ilaw.
Pagkalabas ko naman ng kwarto ay dumiretso na ako sa balcony. Naupo lang ako at nanatiling tahimik na pinagmamasdan ang city lights.
"Ano kayang ginagawa ng mga magulang ko ngayon?" I suddenly asked myself.
They are probably sleeping peacefully right now, habang ako'y nandito at hindi makatulog.
Napailing na lang tuloy ako ng wala sa oras at sinubukan kong ngumiti. Hindi na ako iiyak. Tapos ko na silang iyakan.
Makalipas naman ang halos isang oras ay bumalik na ako sa kwarto. Tinabihan ko na ulit si Azriel at ako na ang yumakap sa kaniyang katawan. Papikit na sana ako nang maramdaman ko ang braso niyang inangkin na naman ang bewang ko.
"Nagising ba kita?" tanong ko naman kaagad.