My Selfishness

1 0 0
                                    

Ako’y huwag mo sanang iwan.

Ang malambot ng kama, ang nakakaengganyong yakaping unan, masarap na damhing kumot na sa buong katawa’y nakayakap, ang tamang tama lang—hindi mainit ngunit hindi rin malamig na temperatura sa kuwarto, ang masarap kung tulog, ang masarap na pakiramdam...ay nabulabog sa malakas na boses mula sa labas ng bahay.
Si tito, nagsasalita gamit ang boses na malakas at mahina ngunit hindi naman maintindihan ng aking pandinig. Sinong kausap nito na parang galit ngunit may pag-aalala? Narinig ko naman ang boses ni papa, ah, si papa lang pala ngunit ano bang pinag-uusapan—narinig ko ang pangalan ni lola sa usapan nila. Lumakas ang kabog ng aking dibdib. Anong nangyayari?
Tamang tama at narinig kong tinatawag ako ni tito. Mabilis akong lumabas, inaantok man ay mas nangingibabaw ang kaba. Bakit madilim? Nasa’n si lola? Alas otso na ang oras sa aking telepono. Bakit sarado pa ang lahat ng bintana? Mas lalo akong kinabahan. Mabilis kong binuksan ang pintuan ng bahay, bumungad sa akin sina tito na halatang aligaga, si papa hawak ang kanyang telepono, ang mga kapatid kong nakatingin lang.
Agad nagtanong si tito kung nasa’n si lola, dahil hindi niya daw ito nakita, kanina pa niya inaabangan, nag-alala na siya dahil alas otso na ng umaga ngunit ang buong bahay ay sarado pa. alas otso na at imposibleng tulog pa kami. naisip niyang baka pumunta kami sa ospital ngunit bakit hindi naman siya nasabihan? Tumatawag sa selpon ni lola, nagri-ring lang. tumatawag sa selpon ko, nakapatay naman. Ngunit hindi ko naman siya masisi.
Hinalughog ko ang buong tahanan, walang lola ang nakita. Lumabas ako ng bahay, naalala, nagpaalam siya sakin kagabi, mangangahoy daw siya. Ang alam ko ay sa likod bahay, kaya mabilis kong sinabi ang naalala ngunit sabi naman ni tito, imposible dahil kanina pa siya roon sa likod at kanina pa siya naghahanap. Agad akong pumunta sa likod bahay upang kumpimahin iyon, wala ngang tao ngunit nakita ko naman ang kumpol ng mga sanga-sangang pinulot at pinutol na kahoy. Ibig sabihin nito nanggaling na siya rito ngunit saan pa siya pupunta?
Ah! Sa kabilang lote, sa isang niyang lupang may mas maraming puno! Agad ko itong ipinaalam sa kanila. Agad nagpresinta si papa na puntahan. Agad akong sumama. Sana naroon si lola, kasi hindi ko na alam kung saan pa siya pupunta. Sunday at Huwebes lang siya namamalengke at kahapon ay Sunday. Hindi rin naman iyon basta basta aalis ng walang paalam. Kung may pupuntahan siya, either magsusulat siya sa papel, gigisingin ako para magpaalam o magpasama.
Malapit na kami at nakita ko sa tabi ng daanan, isang trolley na may kumpol ng kahoy. Ngayon sigurado na ako, nandito siya! Mabilis akong bumaba, pumasok sa tarangkahan nang biglang nagsalita si lola. Mabilis akong lumapit sa kanya. Pinilit ko ang sariling maging light ang mode. ‘ lola, alas otso na! ‘ I talked to her like it was a joke yet it’s serious. Nakaupo siya sa isang putol ng puno, nagpapahinga. Isang sako ng puno ang nasa tabi niya. Ramdam kong napagod siya. Kung sa bagay, sino nga namang hindi mapapagod sa ginawa niya? Ilang oras siyang nangahoy, yumuko at nagsibak! Niyakap ko siya, bumati ng ‘goodmorning lola!’ at ibinalita ang naganap ngayong umaga.
Nagkayayaan ng umuwi, pupunta pa kasi kami ng alaminos. Nung una, ayaw niya pang sumabay dahil may bitbit siya. Syempre hindi ako—kami pumayag. Mapapagod pa siya lalo. Nilagay lahat ng kahoy sa tricycle. At kami ay umuwi. Kunting kain lang para sa mga bata at umalis na rin kami para umuwi muna sa bahay nila papa para paliguan sila ading. Ayokong umalis ngunit nakaplano na ito.
Sa totoo lang, kinabahan talaga ako ng sobra lalo na sa naiisip. Hindi nawala sa usapan naming ang nangyari kanina, ang reaksiyon ni tito at side comments.
Paano nga kapag ako’y iyong iniwan? Paano na ako?
Paano nga kapag ako’y iyong iniwan? Paano ako mabubuhay?
Paano nga kapag ako’y iyong iniwan? Paano ako uusad?
Paano nga kapag ako’y iyong iniwan? Paano ako uunlad?
Ang buhay ko ngayo’y sa iyo nakadepende.
Ngunit higit sa lahat, nais kong hilingin na sana'y huwag mo na kaming pakabahin ng ganoon.
At huwag mo rin sana akong iiwan dahil tiyak na hindi ko iyon kakayanin...

My SelfishnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon