Chapter 4: Pawn

16 5 0
                                    

JOSH' POV

Tuesday ngayon, puro minor subjects klase ko kaya parang nasayang lang pamasahe ko papuntang school kasi nga first meeting no show ang mga teacher.

"OMG ang gwapo niya!"

"Diba si Engineering siya? Bat siya andito?"

"Baka may jowa na si Kyah huhuhu"

Ang ingay sa labas. 10:30 na. Pwede nang lumabas kasi 30 minutes ng di pa dumarating yung prof. Pero tinatamad akong tumayo kasi san naman kami tatambay kung lalabas kami? Tsaka kumokopya pa si Ken nung assignment na ako gumawa kagabi. Haist hirap talaga basta genius! Si Jah naman nagtatranslate ng sulat kamay ko. Loko to si Ken di daw talaga niya maintindihan. Eto naman si Jah gulat daw kasi gumawa ako ng assignment ng mag isa! Grabe tong Bujing na to, siyempre di kami classmates kaya nagsariling sikap ako! Teka, bat parang iba yung dating ng sariling sikap?

"Uy Bro!" Napatingala kaming lahat kasi anlakas ng pagkakatawag. "Josh, Pres wants to see you." Si Stellvester pala. Tiningnan ko yung dalawa at tumayo. "Enjoy ulit kayo sa lunch date niyo ah?" Sinundan lang ako ng tingin ni Jah. Si Ken busy sa pag intindi ng sulat kamay ko.

"Bat ako pinatawag?" Tanong ko kay Stellvester habang naglalakad kami sa hallway. "Classes are canceled sa hapon kaya ito yung opportunity na iorient ka." Paliwanag niya. Mas nauna pa silang nainform e no? Ibang klase talaga. Asa lobby na kami ng building ng makasalubong namin ang student council. Kilala ko sila kasi siyempre, required umatted ng grand rally last year. Grade 12 kami nun kaya binantaan na di paggraduate'in. Kami namang uto-uto, umattend naman. Di sana ako aattend kaya mapilit tong si Bujing. Akala ko papalagpasin lang kami pero nagulat ako ng hawakan ako ng School President sa braso. "What did you guys do?" Galit ba to? Pero bat kay Stellvester siya nakatingin? Pero ako ang sinasaktan? Aangal ba ko? Medyo masakit din kasi e. Kaya lang katakot yung awra niya, umuurong dila ko. "Nothing that concerns you Mister President kaya mauna na kami ah? Ingat po kayo! Salamat sa hard work niyo! Fighting" Ani Stellvester. At umalis na kami.

"Uy Stellvester anong ibig sabihin kanina ni President John Paulo?" Tanong ko sakanya habang naglalakad papunta kung saan man niya ko dadalhin. "Stell nalang. Ang haba ng Stellvester e." Napakamot pa siya sa ulo. "Si Pres nalang natin magpaliwanag sayo. Hehe pasensya na." Sabi niya kaya nagpatuloy nalang kami.

Nakarating kami sa Roselund, it's a guest home para sa mga guests ng university at kung sino sinong bisita sa mga okasyon. Dito rin pinagppractice'an ng mga Hospitality Management na students. "Hoy! San ka pupunta?" Tanong ko ng nagdirediretso siya at di huminto sa Roselund. "Ikaw, san ka pupunta?" Tanong niya pabalik. Loko din to ah? Nga naman, bat ba naisip kong sa Roselund kami. Teka, diretso kami? Edi... "Hoy! Bat ka jan pumapasok sa bahay ng presidente?" Teka, ibig sabihin kaya Pres ang tawag nila kay Katherine kasi si Katherine ang President ng School? As in yung chairman of the board?

"You guys are here, come join us for lunch." Aya ni Pres. Hanep! Christian school kami pero yung presidente ng school demonyo! Naupo kami ni Stell sa dining table at kumain. "Pres, ikaw ba si President Locke? Akala ko kasi matandang lalaking hukluban yung presidente e." Natawa nalang ang buong hapag kainan. "Let's talk about business after we finish our meal, okay?" Tumango nalang ako.

Pagkatapos namin kumain, naupo kami nina Pres sa receiving area. Sa sala kung saan sko nagising kagabi. Sa sobrang lutang ko, di ko na narealize na sa asa school lang pala ako kahapon. May pa teleport din kasi sila kahapon kaya di na ko na nakita yung labas. "As you know, we are everyone in this room is a devil. And about your question a while ago, No. I am not the chairman of the board, my father is. Pero hindi naman siya nalalagi dito kaya parang ako na rin ang tumatayong presidente." Ganun pala yun. Siguro asa impyerno tatay neto kaya di makagala sa mundong ibabaw. "Teka, marunong ka palang magtagalog?" Gulat kong tanong. E kasi foreigner to e! "Sa lahat talaga ng sinabi ni Pres yun lang ang nakuha mo?" Di makapaniwalang tanong ni KZ. Natawa nalang si Pres at nagkwento ulit.

Nalaman kong Pure devil pala si pres. Ibig sabihin walang may nagresurrect sakanya tulad ng ginawa niya saken. "Do you know what this is?" Tanong niya saken. "Siyempre naman Pres! Sino bang di nakakakilala sa Chess?" Confident ko pang sagot. "Exactly. How about this?" Dagdag niya pa. "King!" Mabilis kong sagot. "That represents me. I am the king in this household. Caroline is the queen. Stellvester is my knight then KZ is my rook." Paliwanag niya. "Edi ako tong bishop?" Tanong ko at pinulot ko pa yung bishop sa board. Narinig kong bumungisngis si Caroline. Loko to. Ganda pa naman sana. Tsk. "No honey, you are my pawn."

Halos mahulog naman ako sa kinauupuan ko sa sinabi niya. Pawn? Ano ako? Pain sa kalaban? Kainin niyo ko!!! Ay teka, parang mali na naman yung dating ng sinabi ko. Ah basta ganun yun sa chess! "Sigurado na ba yan Pres? Wala ng bawian? Di talaga bishop?" Panhungulit ko pa na ikinatawa naman ni Caroline. Isa pang tawa mula dito papatulan ko na talaga to! "Honey, when I resurrected you, a chess piece was required. A set is given to each family to regulate the recruitment of devils. Baka kasi abusuhin ng iba at magpakasawa sila in turning everyone to devils." E bat kasi pawn pa? Ganun na ka hina ng tingin niya saken? Oo namatay ako sa ganoong paraan pero babae kasi yun e! Kryptonyte ko talaga ang mga babaeng malaanghel ang mukha at pananalita! Tapis ang ending anghel nga, kinickout naman pala ng langit.

"Honey, don't be sad about it. You may be a pawn but alam mo ba kung ano ang kayang gawin ng pawn?" Tiningnan ko lang siya sa susunod niyang gagawin at inantay ang kanyang sasabihin. Kinuha niya ang pawn at pinwesto sa pinakahuling row. "A pawn is capable of promotion." Napagtanto ko na mas maganda pala yun! Pag napromote ako ibig sabihin pwede na kong maging Queen! Bwahahaha makakaganti din ako sa pagtawa mo saken Caroline! "And want an interesting fact?" Tanong ni Pres pagkatapos uminom ng onting wine sa baso niya. Kinuha niya ang lahat ng pawn at pinwesto ng magkakumpol kumpol. "It took me 8 pawns to resurrect you."


SOMEBODY's POV

"What the hell were you doing?!" Galit kong tanong sakanya. "You messed up bigtime. Pag may nangyare sakanya, mananagot ka talaga sa Hari!" Dagdag ko pa. "Pwede bang magchill ka muna? Pasensya naman ah? Kahapon lang ako sumipot dito at alam naman nating naninibago pa ko and it will probably take me 2 to 3 days bago gumana dito ang kapangyarihan ko!" Punto niya. True, I can't put the blame on him. Sadyang maagap lang talaga sila. Pero bat siya pa? Hindi kaya... Hindi pwede! Impossible.

I took a quick glance at this guy. Duality. His father was an angel who fell in love with a lowly deity na nabigyan ng mission dito sa lupa. After the war, may mga dual blooded na pinanganak. They're not that common kasi malaki ang galit ng bawat uri sa isa't isa. Angels, Deities, Devils, and Fallen Angels.

They're an abomination. They ruined the balance of nature. Pero wala naman silang kasalanan sa maling nagawa ng kanilang mga magulang. Kaya importante ang tamang pag gabay sa kanila. They could either be our best ally, or our strongest foes.

"Hayaan mo Sejun, akong bahala sakanya."

"Then, I have no choice but to trust you with this one, Ken."

Son of the Water God (SB19 Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon