C10

26 6 0
                                    

Annulment

Paggising ko nang desisyon na akong umuwi na muna sa mansyon dahil hiling na rin ni Dad para mas matutukan niya ako at malaman agad kung may nararamdaman ako.

Nang makarating ako sa bahay sinalubong ako si Nanay Piling at sinabihan na miss na niya na raw ako. Sobrang saya ko na nakita ko na siya ulit na miss ko na mga luto niya.

Dumiretso naman ako agad sa kwarto. Kinagabihan isang ingay ang naramdaman ko.

Ingay. Sigawan at sumbatan.

Lumabas naman agad ako ng kwarto at nakita ko si Mom at Dad sa sala nag-aaway.

"Pirmahan mo na lang kasi ang annulment, James huwag na natin pahirapan ang sarili natin." pagmamakaawa ni Mommy. Nakatakip ng kanyang mga daliri angkanyang mukha na punong-puno na ng luha. Now I know mas inaalala niya ang kabit niya kaysa samin ni Daddy.

"Sierra, just for once piliin mo kami ni Stacey." mabigat pero sobrang sakit sa pakiramdam na bitaw ni Daddy. Dahilan para magsimula ng mamuo ang luha sa mga mata ko.

"Huwag mo na akong paghirapan please." umiiyak at lumuhod na si Mommy sa harap ni Daddy.

"Hindi kita pinilit na mahalin ako. We both know na hindi talaga tayo noon pa. Pero pinilit mo parin. You're fucking unfair. Mahal na mahal kita, pero ni minsan hindi mo parin pala talaga ako minahal. You never!" umiiyak nang sumbat ni Daddy.

"Sorry. James sinubukan ko naman lahat eh, pero hindi talaga natuturuan ang puso. Hindi ko alam pero kahit anong gawin siya parin. Hindi maalis, hindi mapalitan at mas lalong hindi napapatayan yung pagmamahal na meron ako sakanya." hagulgol ni Mommy.

Lumapit sakanya si Daddy at niyakap siya. I can see kung gaano kamahal ni Daddy si Mommy. All his pain, all his sadness nakaukit na yun sa kanyang mga mata.

Kinakabahan ako kasi baka anytime maatake si Daddy sa puso. Pinagmamasdan ko silang umiiyak, nakaluhod si Mommy habang nakahawak sa braso ni Daddy.

Daddy was right, for more than how many years hindi man lang sinubukan ni Mommy o hindi niya lang talaga maalis sa isip niya yung kabit niya. Trust me, pag nakilala ko yang mokong na kabit ni Mommy baka anytime makakapatay ako.

"I'll sign the annulment in September. I want you to bond with Stacey and be a mother to her. After that I'll let her choose kung kanino siya sasama. It's not for me, it's for our daughter." kalmado lamang na sagot ni Daddy.

Sobrang naiyak ako sa sinabi ni Daddy. Napaka-martyr niya na kasi mas iniisip niya pa ako kaysa sa sarili niya. Pipirma sila, that means sira na yung happy family na meron ako.

"Stacey, will choose you. She will always be." dikta ni Mommy tiyaka siya pumasok ng kwarto nila.

Mommy is right. Since I was a kid, I prefer Daddy than Mom. Pinipili ko na si Daddy magsuot ng medal ko, mag-attend sa mga pinaka-special na event ng buhay ko at kung ano-ano pa. Back then hindi kasi kami close ni Mommy, hindi niya kasi ako inaasikaso. Mas busy siya sa labas kaysa sakin and the result mas gusto ko na maging nanay si Nay Piling.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko. And pumunta ako sa tabi ni Daddy.

"Daddy bat ka po umiiyak? Naiiyak tuloy ako. Ha-ha." I gave him a fake smile para naman matawa siya. Tumingin siya sakin at pinunasan ang luha ko, niyakap ako nang maghigpit dahilan para mas lalong bumuhos ang luha ko.

"Nothing. Do you want to go in your high school celebration next week. Let's buy you a dress. Your favorite dress. Huwag mong isipin si Daddy, you're my sunshine. You will always be my princess. All this pain will heal in the right time okay? Don't waste your time para isipin kung bakit nasasaktan ang Daddy. Always remember na lahat ng ginagawa ko ay para sayo. Anak, sana kung may lalabas man na katotohanan ako parin ang piliin mo." sagot ni Daddy habang pinupunasan ang luha ko.

Ang pagmamahal ng isang ama ay hindi mapapantayan ng basta-basta kahit anong sakit ibato ng langit meron parin siya handa kang tulungan bumangon.

Sobrang saya ko kasi meron akong the best daddy in th world. I salute him, tinago niya lahat ng pain tapos haharap siya sakin na oara bang walang nangyari. Sobrang bait at malambing niya, sinayang niya ang buhay niya sa babaeng hindi naman siya kayang mahalin.

Natulog naman si Daddy sa living room. Bago ako matulog nilagay ko sa tabi ang maintenance niya. Gumising na rin ako ng maaga at sumabay kay Nanay Piling.

I decided to cook, pumayag naman siya. Sabi pa niya "This is your kitchen nak, gawin mo lahat ng gusto mo gawin. Huwag ka na humingi ng permiso sakin." sabay haplos niya sa buhok ko.

Pagkatapos kong maluto ang breakfast hinanda ko naman agad ito sa lamesa. Nagising naman na si Daddy at naghilamos na agad. Sumunod naman na nagising ni Mommy.

Umupo naman sila agad at tiyaka naman kami umupo ni Nanay Piling.

"Manang, yung passport expired na ba?" pagsisimula ni Daddy habang humihikop ng kape.

"Ah sir, hindi ko rin po kasi alam." simpleng sagot ni Nay Piling na nahihiya pa.

"Isasama mo siya sa America?" kalmadong tanong ni Mommy kay Daddy.

"Yes of course Mommy." kunyaring excited ko naman na sagot pero hindi parin maalis ang malungkot kong tono dahil pag-punta namin ng America hindi na namin kasama si Mommy.

Hinaplos na lamang ni Nanay Piling ang buhok ko tiyaka niya ako hinalikan sa noo. Sobrang pagmamahal ang binubuhos sakin ni Nanay Piling. Walang tinira para sa sarili niya. Hindi niya na inabala ang pag-aasawa kasi simula raw nung nakita niya ako hindi niya na inisip iyon.

Abala naman ako sa paglilinis ng kwarto ko ng makita ang notebook na may nakasulat na The Cupids Chain. Dahil sobrang ganda at gara ng texture dun ako nag desisyon na idikit ang mga picture namin ni Greysier.

Dali-dali naman akong mag-print nang mga special day with special selfie namin ni Greysier at dinikit ko nga sa notebook. Naglalagay ako ng calligraphy kung kailan iyon.

Para pag tumanda kaming pareho maalala parin namin lahat ng ala-ala naming nabuo na hindi kayang pantayan ng kahit sino man.

Kinabukasan, nag-resign na si Winnie sa trabaho. Sinabi niya sakin na meron daw silang family problems at sa America na muna sila tutuloy ng Mama niya. Tumawag siya sakin bago ang flight niya, at kinamusta ako baka raw pupunta rin siya sa reunion next week. Mayaman sila kaya kahit magpabalik-balik siya halos hindi nababawasan ang pera nila.

Same as that, nag-resign naman ako.

Nag-vibrate ang phone ko dahilan para mapalingon ako nasa side table iyon. Pumunta naman ako agad at chineck.

Villacorta, Greysier

I miss you! Hehehe. Punta ka sa reunion ah? I'm expecting for the most beautiful girl I ever seen.

Received

Wala naman ako sa sariling napangiti. Abot hanggang langit ang ngiti ko.

Me

Okay. I miss you too!

Sent

The Cupids Chain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon