I
Sa kabila ng paglalim ng gabi, hindi namin magawang ipikit nang matagal ang mga mata namin. Mga pulsong puno pa ng adrenaline, mga sikmurang halos sasabog na dahil sa daming kinain, para kaming mga 1980s school girl na tumakas sa gabi para pumunta sa isang amusement park na ilang kalye lang mula sa boarding school. Wala kaming balak na matulog. Ayaw naming mahiga. Masyadong glorious ang gabi para ito'y palalampasin.
Ngunit pagkatapos ng pangalawang dokumentaryo na aming napanood, saka ko lang naramdaman ang puyat at bigat ng mga pangyayari ng araw na iyon.
Pinasada ko ang aking tingin sa sala. Sa likuran namin naroon ang isang malaking bintana na walang mga kurtina kung kaya tumama ang liwanag ng buwan sa sahig. Bukod sa liwanag mula sa telebisyon, ito lang ang nagdagdag ng ilaw sa madilim na silid. Kinalabit ko si Madeline saka nagmosyon sa kanya roon.
Nakuha niya agad ito at pinatay ang telebisyon. Umupo kami sa isang mahabang divan sa gilid ng bintana, ang mga binti namin nasa ilalim ng aming hita habang nakahalukipkig kami sa sill nito. Habang pinagmasdan ang labas ay hindi ko mapigilang tumingin sa kanyang gawi.
Para siyang sarimanok dahil sa malong na nakatapis mula sa dibdib hanggang sa paa niya, ang juxtaposition ng kahel, dilaw, at asul. Bukod pa rito ay nagliliwanag ang kanyang balat, tila hinihigop ang liwanag at init sa paligid niya.
Hindi ko mapigilang matuwa at mapahanga. Ganito rin ba ang nararamdaman ni William sa tuwing magkakasama sila? Malamang hindi, dahil higit pa rito. Masaya ako sa pagmamahal nila sa isa't isa pero may bahagi sa akin na nagseselos.
What redeeming qualities does this person possess to have Madeline fall in love with him? Things that are unattainable and hard to find in other people. Because between the two of us, who is the more intelligent, the more fascinating, and shares more interests with her?
Hindi ko gusto itong nararamdaman ko.
Hindi ko lang tanggap na, maliban sa akin, merong ibang tao na gusto makasama ni Madeline. But apparently, I can't have her all to myself.
Habang tinitingnan siya ay naalala ko ang isang paksa tungkol sa pinagmulan ng kulay. Nagmumukhang itim daw ang isang object dahil ina-absorb nito ang lahat ng wavelength sa paligid nito, samantalang nagmumukhang puti ang isang object dahil wala itong kinikimkim.
Kagaya ng lahat ng white object, kahit kailan ay hindi naging makasarili si Madeline. Ang maupo lang sa tabi niya, gumagaan bigla ang aking pakiramdam. Tumaas bigla ang kompiyansa ko sa aking sarili. Had I been with her while growing up, I'd had grown up to be a better person.
Mukhang oblivious pa rin si Madeline sa aking pagnakaw ng tingin. Nanatiling nakapukos ang mga mata niya sa labas ng bintana ngunit hindi ko wari kung ano ang pinagmamasdan niya.
"Napaka-interesting, ano?" wika niya.
Wala akong natanaw. "Ang alin?" Ang mga ilaw ba mula sa mga bahay sa kalayuan ang tinutukoy niya?
"Ang gabi," tumawa siya nang mahina. Inilayo ko ang mukha ko mula sa windowpane dahil sa kahihiyan. "Many things happen at night than in broad daylight. Most of them more interesting and more bewildering, more sublime."
Ayokong magmukhang katatawanan kaya tumango lamang ako. Ngunit in some degree ay naintindihan ko ang kanyang sinabi.
Sa gabi, magagawa ng isang tao ang isang bagay nang palihim. Gayunman interesanteng malaman kung anong gawain ito, kaunti lang talaga ang nagbigay-interes na kilalanin ang taong kumilos at ang dahilan kung bakit natatakot siyang makita ito ng ibang tao sa araw. Maliban sa aming dalawa ni Madeline, meron pa kayang ibang tao na iniisip ito ng gabing iyon?
BINABASA MO ANG
Reverie
Mystery / ThrillerHalina't pumasok sa gubat at magliwaliw, kalimutan ang oras at direksyon. Kung ikaw ay maligaw ay huwag mangamba. Magpariwala. Walang mas hihigit pa sa katinuan ang alisin ang mga kadenang gumapos sa mga isip natin at pilit tayong maging malaya. Kas...