"Ano ho ang nangyari? Nakabalik na ba po ba ako?"
"Ano bang pinagsasabi mo binibini? Nawalan ka po ng malay ng dalawang buwan. At nabangga ka ng isang karwahe."sabi ng manggagamot.
"Jusko anak, salamat at gumising kana." sabi ng ina ko.
Kung ganon, isa lang pala iyong panaginip?
Bigla akong nasampal ng katotohanan.
H-hindi p-pala t-totoo si S-sora?
Napaiyak ako sa iniisip ko.
Haha, oo naman. Imposible namang mangyayari iyon.
Tumayo ako at nakita kong may mga pasyente pala dito maliban sakin.
"Anak magpahinga ka!" sabi ni ina.
"Mamaya na po, gusto kong mapag isa."
May nagsalita sa isip ko.
"Sa wakas natapos ninyo ang misyon niyo. Binago mo siya. Napahulog ka niya sa kanya. At higit sa lahat, nagmamahalan kayo sa isa't isa."
Binatukan ko ang sarili ko. Ano batong iniisip ko? Tss.
Pumunta ako sa likod ng bahay kung saan mayroong mga halaman.
Nang may nakita akong pamilyar na pigyura sa gilid ng mga mata ko.
Napalingon ako sa kanya ganoon rin siya sakin.
Tumulo ang luha ko.
"Ginoo, magpapahinga muna kayo! Kakagising niyo lang matapos ang dalawang buwan!" sabi ng lalaki na siguro'y nasa likuran ng lalaki.
"Sora/Seinna" sabay naming sabi.
—WAKAS—

BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES (COMPILATION)
FantasyKung nais mo ng kwentong puno ng ✓Kababalaghan ✓Kalungkotan ✓Pag-iibigan ✓Misteryoso ✓Kasiyahan ✓Kalokohan Ay tiyak napunta ka sa tamang Compilation ng ONE SHOT STORIES! Ang lahat ng mga akdang ito ay kathang-isip lamang, lugar, pangalan, pangyayare...