Dalawang oras na ang dumaan nang makaalis sila Alex. Bago sila umalis kanina ay mabilis akong lumabas para makausap si Jem.
Naalala kong ilang beses niyang inulit sa'kin ang tungkol sa sasakyan ni Francis. Kung nakalimutan ni Alex ang mga nangyari sa buong pagtira nila sa'min, hindi malabong pati si Jem din.
"Anong sasakyan? Hindi ko naman nakita mga kotse nila no'ng birthday niya." sagot ni Francis.
Confirmed. Ang pagkaka-alam ng dalawa ay noong birthday lang ni Francis sila nagkakilala. Wala silang ideya na ilang beses na naming nakasalamuha si Francis dito sa Santa Nordes.
Pero paano nangyari 'yon?Nang makaalis ang mag-jowa ay agad kong kinausap si Era. Hindi ko binaggit sa kanya si Vicente dahil never niya pa naman 'yon nakita.
Itinanggi din niyang nakita niya si Francis dito. Binanggit ko din ang tungkol sa pagpunta nito dito noong isang umaga. Pati ang pagsalo niya sa'min ng agahan ay sinabi ko.Nakakunot ang noo niya nang sumagot siya, "Luh, Ate, anong sinasabi mo? Kakakilala lang natin kay Kuya Francis no'ng birthday niya!"
What in the earth is happening to them? Bakit biglang nakalimutan ng lahat ang mga nangyari sa loob ng isang linggo? Pero bakit ako, malinaw pa din sa'kin ang lahat?
Hindi kaya may kinalaman ang lahat ng 'to kay Vicente? Simula lang naman ng pagdtaing niya dito nag-umpisa ang magugulong pangyayari sa buhay ko.
Tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa at kinuha ang leash ni Patchi. Pupunta 'kong barangay hall. Kailangan kong makumpirma kung tama ba ang hinala kong wala ni isa sa mga taong nakasalamuha ni Vicente ang nakakaalala sa kanya.
Hila-hila ko si Patchi sa paglalakad. Sa sobrang dami ng iniisip ko'y hindi ko namalayang may makakabunggo na pala 'ko.
"Ay sorry po!" hinging paumanhin ko.
Nakita kong may nahulog na mga chico mula sa basket ng nakabunggo ko. Agad kong inumpisahan ang pagdampot ng mga ito habang humihingi pa din ng pasensya.
Napansin kong hindi kumikilos ang may-ari ng basket. Nang tingalanin ko 'to ay si Ka Lucing pala ang nakabunggo ko. Buti hindi siya natumba. Nailang lang ako dahil grabe siya makatitig.
Napulot at nailagay ko na sa basket niya ang huling chico na nalaglag, "Sorry po ulit, Ka Lucing. Pasensya na po hindi ko po kayo nakita."
Ngumiti ako ng tipid bago nagpaalam. Ngunit hindi pa ko nakakalayo ay tinawag nito ang pangalan ko, "Ara."
Tumigil ako sa paglalakad at muling lumingon sa kanya, "Bakit po?"
Ilang segundo na ang nagdaan ay hindi pa din siya sumasagot. Aalis na sana 'ko nang masalita ito, "Ang mga bagay na nakalimutan na ay h'wag mo nang ipilit ibalik pa."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ng matanda. Ano daw? Anong ibig niyang sabihin?
Pinanood ko ang pagtalikod niya. Mabagal siyang naglalakad, siguro pauwi sa bahay niya.
Wala 'kong maintindihan sa mga sinabi niya. Pero may isang ideyang pumasok sa utak ko. Siguradong may kinalaman ito sa pagkawala ng ala-ala ng lahat kay Vicente Siongco.
Nang makarating ako sa baranggay hall ay kapansin-pansing wala na dito ang sketch ng mukha ni Vicente. Kung tama ang pagkaka-alala ko ay ipinagutos ni Kap. na ipaskil sa buong baranggay ang sketch ng mukha niya.
"Oh, Ara, anong maipaglilingkod ko sayo?" natauhan ako nang biglang nagsalita si Kone mula sa pinto.
"A-ano.. Nandyan ba si Kap?"
BINABASA MO ANG
Tadhana Nga Ba?
Teen Fiction𝗛 𝗜 𝗔 𝗧 𝗨 𝗦 Hindi inakala ni Ara na ang pag-uwi niya sa Santa Nordes para sa summer vacation ang gugulo at babago sa buhay niya. Dahil sa isang bibliya, pluma, at hiling mula sa puso, ang mga katotohanang nakatago sa pahina ng nakaraang h...