My Gangster's Love <One Shot>

3K 106 28
                                    

Dedicated sakanya. Sobrang na-aadik ako sa mga One shots' niya. Kahit hindi mo alam kung sino talaga ako. Gusto ko rin yung ICMGP mo XD... sobra.

My Gangster's Love <One Shot>

by: ShutUp43

"Guys anong masasabi niyo sa report ni Xyriel kanina?" Yan ang tanong na kanina pa sinasabi ni Miss Cherry, ang teacher nila sa physics.

"Boo!! Speechless kami! Wala kasi kaming naintindihan. Bwahaha~! Paupuin na yan, wala rin naman kwenta kung magreport. Ang boring!" Tawanan ang mga grupo ng mga lalaki sa gilid. Nag-apiran pa sila at pinalo-palo ang lamesa dahil sa sobrang epic ang pagpapahiya nila sa 'nerdy-class-president' nila.

Ganyan ang klase ng IV-Hell. 

"Hell" ang tawag dahil nasa kanila na ang mga walang kwentang tao na pinagaral pa. Honestly speaking, sila yung mga lalaking basagulero, siga, walang hiya, nambubugbog ng mga teachers, mga babaeng flirt/bitch/slut, mga nerd at geek, mga sporty at kung ano ano pa.

"Stop it! Wala na talaga kayong galang kay Miss Xyriel," pangaral ni Miss Cherry sa mga lalaking nagtatawanan. "If you don't want to listen then better shut up your mouth or if you do not want then go to hell." 

Hindi na rin kasi kaya ni Miss Cherry ang magtimpi dahil sa kapilyuhan at mga kagag*han ng mga estudyante niya.

"We are in HELL." Lahat na ay tumawa, napahawak na lang sa ulo niya si Miss Cherry habang umiiling.

"Ako na lang magsosorry sakanila okay? Pagpasensyahan mo na sila. You can go back to your seat now. And before you knew it, nice report," nakangiting sabi ni Miss Cherry. Napangiti na siya habang bumabalik sa pwesto niya.

Buti pa siya ay naappreciate siya ng mga teachers niya. Ba't yung iba hindi?

Siya ang class president at ang inaasahan sa section nila. Kaya kahit labag man sa loob ni Xyriel ay ginagawa niya lahat para lang sa mga kaklase niya.

Nagulat siya ng biglang hinawakan ng katabi niya ang kamay niya sa baba ng lamesa. Palihim siyang bumuntong hininga. kahit na dapat ay kikiligin siya ay hindi niya magawa dahil na rin sa sobrang pahiya niya kanina. Ang totoo kasi niyan medyo napahiya siya kanina sa mga kaklase niya at sobra-sobra ang pagpipigil niya na umiyak dahil sa kanchawan nila.

Nakalay-down ang katabi niya at pinaglalaruan ang kamay nito.

"Xyrex." banggit ng dalaga sakanya.

"Hmm?" 

"Tigilan na natin to. Ayaw ko na," bulong niya rito na sapat para marinig niya.

Dahan dahan niyang tinanggal ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ng katabi niyang si Xyrex.

My Gangster's Love &lt;One Shot&gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon