Chapter 1 : Pagsisimula

114 1 0
                                    

Rosie

Malalim na ang gabi ay dilat na dilat parin ako sa pagpapatulog sa sanggol. Mag tatalong oras na itong hindi tumitigil sa pag iyak kaya nababahala na ako sa kanyang anaka kung ano na ang nangyari rito. Habang hinihele niya ang bata ay wala paring tigil sa pagrereklamo si Ismael sa ingay nang bata.

"Ano ba yan Rosie, hindi mo pa ba mapapatahan yang batang yan?" pasigaw nitong sabi na mahahalata na ang pagkairita

"Wag mo nalang pansinin, hirap na nga ako sa pagpapatulog rito, kanina ka pa sa pagsisigaw dyan, lalong di makatulog ang bata eh" ang sagot ko naman sa kanya

Wala na akong narinig sa kanyang pagrereklamo kaya nakatulog na rin sa wakas ang munting anghel. Anak na ang turing ko kay Mercy, ang syang nagbigay saya sa akin mula noong napasa kamay ko sya, at mula noong iniwan sya sa akin nang kanyang magiting na ina.

Nakaramdam na rin ako nang antok matapos makatulog ang bata. Kailangan ko pang magpahinga upang makapagtrabaho bukas. Marami rami pa naman akong labahin.

Ito na ang aming ikinabubuhay namin nang anak ko. Mula ako sa isang Factory kung saan naging matalik kung kaibigan ang nagluwal sa anghel na nasa aking harap. Nais niyang ipakuha ang sanggol sa kanyang sinapupunan ngunit naaawa ako sa kanya at sa bata, kaya ay tinulungan ko sya.

_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Kinabukasan ay nagising ako sa matamis na halik sa aking labi. Si Ismael, ang nobyo ko nang halos tatlong taon. Disye siete ako noong nagkakilala kami at hindi nagtagal ay nagmahalan kami. Sya ang una kong nobyo, at sana ay huli.

NAramdaman ko ang yakap niya sa aking beywang at ang pag halik sa aking leeg na may kasamang pag amoy. Nakakakiliti, lalo na sa kanyang balbas na bagong tubo. Bente 0tso anyos sya ngayon. Oo, malaki ang agwat namin, kaya napatunayan na namin na Age doesnt matter talaga.

"I love You, mahal ko" ang bulong niya

Gumapang ang kamay niya patungo sa aking dibdib at ang mga halik niya ay naging mas masarap sa pakiramdam. Miminsan lamang ako makadama nang ganito kaya, laking gulat at galit ko noong pinagdudahan niya ako sa aking pagkababae.

Masarap ang kanyang mga halik. Ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Ang emosyong namamayani sa buong silid. Sinulyapang ko ang bata, mahimbing pa ang kanyang pagkatutulog kaya mas mabuti nang lubos lubusin ang milagrong ginagawa namin. Kailangan ko rin namang bigyan pansin ang asawa ko. Oo, asawa, dahil napagdesisyunan na namin na magsama.

Nais niyang magpakasal na kami dahil may sapat na syang pera upang pangkasal, ngunit ako ang tumutol sapagkat nais ko munang maging maginhawa at makaahon sa hirap rito sa lungsod, kaya ipinagpaliban muna namin ni Ismael ang pagpapakasal. Gagamitin muna namin ang perang kanyang naipon mula sa Saudi sa pagbubukas nang maliit na negosyo.

Nais kong magkaroon nang munting tindahan. Matagal tagal narin ako rito kaya alam ko na ang mga bagay na kinakailanganan nang mnga tao sa aming palibot. May mga produkto rin akong pinapautang sa mga costumer ko kaya makakaya nito kaming buhayin. Ngunit nais parin ni Isamel na maghanap nang trabaho upang hindi daw madalinbg maubos ang pera.

Masaya ako dahil nagkaroon ako nang asawang mabait at mauunawain.

Matapos ang aming ginawa ay ipinagluto ko na ang aming almusal. Simpleng itlog at pandesal na may maiinit na kapeng 3 in 1.

Pagkatapos niyang maligo ay agad ko siyang tinulungang magbihis...

"Ang swerte ko talaga sa asawa ko." Ang matamis niyang pagkakasabi." Ang sabi niya na ngiti-ngiti sa akin.

"Mas maswerte ako sayo dahil mahal mo ako." ang ganti ko naman sa kanya habang iniaabot ang kanyang baon.

Mula sa sala ay narinig kong umiiyak si Mercy, kaya dali dali ko itong kinuha. Tumango lamang sya dahil alam niya na mag aalaga na ako sa munting anghel sa buhay ko.

Pagpunta ko sa kwarto ay pansin kung may kakaiba sa bata. Maputla ito at parang tinakasan nang lahat na dugo sa katawan kaya ganun na lamang ang aking pagkabahala sa kanya.

Hinawakan ko sa noo ang bata at nalaman kung may sinat ito. Hindi normal ang kanyang temperatura kaya tinawag ko si Ismael sa salas.

"Ismael.." Tawag ko muli ngunit wala paring sumasagot...

"Ismael!" Pasigaw kung tawag ngunit hindi parin ito sumasagot kaya ang ginagawa ko ay puntahan siya sa salas ngunit wala na siya.

Hindi man lang siya nagpaalam sa akin.

Dali dali akong lumabas sa bahay at tinawag si Manang Lokring, ang tagapamahala sa lugar na aminbg inuupahan.

"Manang, tulungan niyo po ako." ang sambit ko sa may edad na

"Diyos ko, anong nangyari?" ang tanong niya sa akin.

"Nilalagnat po ata si Mercy. At may kasama pa pong ubo ito."

"Dalhin na natin sa Ospital" ang suhestyon niya kaya ay nagmadali akong mag impake nang mga gamit na magagamit namin. Nagdala rin ako nang pera para sa mga kailangan bayaran.

Matapos ang mga pagsusuri ay kinailangang maconfine nang sanggol upang obserbahan ang bata.

Bronchitis.

Ang lumabas sa resulta. Mabuti daw at naisugod nang maaga ang bata sa ospital kaya naagapan pa ang sakit. Kung hindi ay maari itong ikamatay.

Laking pasasalamat ko kay manang Lokring sa pagtulong sa akin.

Umuwi muna ako upang ipaghanda ang pagkain ni Ismael at makapaghanda pa nang mga gamit na maaring gamitin sa ospital. NAg iwan rin ako nang sulat sa bahay upang malaman niya ang nangyari sa bata.

Pagdating ko sa ospital ay nakita ko si manang na hinehele ang munting anghel sa pagtulog. Naawa ako kay manang, at napaluha dahil mabuti na lamang na may handang tumulong sa akin sa pag aasikaso sa bata.

"Manang, Kamusta na po sya?" ang tanong ko sa kanya. Nakikita ko sa kanyang mga mata na pagod na siya.

"Nakatulog na, kanina pa iyak nang iyak. Nakakahiya naman sa mga kasama natin"

napatingin naman ako sa iba pang mga pasyente. Mga tatlong pasyente ang kasama namin rito, may matanda at mga bata rin. Si Mercy lamang ang pinaka bata.

Napagdesisyonang kung ilipat siya sa pribadong kwarto, yung mumurahin lang, yung wala kaming madidisturbong pasyente.

Matapos mailipat ay pinauwi ko muna si manang. Binibgyan ko siya nang isang libo, sapat na para makauwi at makakain siya.

"Salamat anak, at kailangan ko na munang magpahinga" ang sabi niya sa akin.

Tumango nalang ako at ningitian siya.

"Maraming salamat po manang." at lumabas na syua sa silid.

Pinagmasdan ko ang bata, sana ay hindi lumala ang kanyang sakit at makalabas na kami sa ospital. Alam kung mauunawan ni Ismael ito kaya kailangan ko munang alagaan si Baby Mercy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unwanted ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon