3

2 0 0
                                    

Pagtapos na pagtapos ng nangyari kanina ay agad kong tinungo ang aking kwarto para magpahinga. Ilang oras na rin mula ng matapos ang meteor shower at kanina ko pa pinipilit ang sarili ko na matulog pero kahit anong gawin ko ay gising na gising pa din ang diwa ko. Sinubukan ko naman agad pumikit at matulog pagkahiga ko ngunit hindi ko talaga magawang mapatulog ang sarili ko kaya eto ako ngayon dilat na dilat na nakatitig sa ceiling ng kwarto ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog kahit ramdam ko na ang pagod at sakit sa mga tahi ko. Hindi ko din sure kung isa ba sa rason ay ang sobra-sobra kong tulog nitong mga nakaraang araw o baka naman ayaw lang talaga akong patulugin ng mga nalaman ko kanina. Walanjo! Bangag na bangag na ako at gusto ko ng matulog! Seryoso.

Tumingin ako sa orasan na nasa side table ko. Pasado alasyete na ng umaga at apat na oras na pala akong bangag. Bahagya na ring sumisilip ang sikat ng araw sa blinds ng bintana ko. Kailangan ko na talagang tumulog. Dinaig ko pa ang duty sa panggabi at ngayon pa lang tutulog.

Napailing ako at sumimangot. Magkakaeyebags ako dahil sa ginagawa kong 'to. Nakakabawas pogi points yon at ayokong mangyari yon! Never! Walanjo!

Bigla ko na naman naalala ang sinabi sa akin kanina nung babae. Naguguluhan ako sa totoo lang. Hindi ko magawang maniwala sa kanya pero may parte sa akin na gustong paniwalaan lahat ng sinabi nya.

Totoo kaya ang sinasabi nya? Pero paano kapag hindi naman pala iyon totoo at sinabi nya lang yon para maguluhan ako at mapaniwala? Nacconfused ako. Siguro dapat magtanong na lang ako and conduct my own research. Yes, that's the best option.

I reach for my iPad na nasa drawer ng side table ko at agad na binuksan iyon. Buti na lang nakaconnect na ito sa wifi ng ospital kaya hindi na ako mahihirapan.

I search and scan on the web about "risk seen in opposite-sex heart transplants." In just one click, sobrang dami na agad lumabas na sagot.

I click the first link at agad binasa lahat ng nandon.

At nang natapos ay napaisip akong muli tungkol sa donor ko. If babae ang donor ko, it'll be 13% more likely that I will lose the heart compared to those who got the same sex-donated organs. Ngunit size varies at ang kasukat at saktong size ng puso ko ay sa kapwa lalaki ko lang mahahanap.

San ba kase galing na babae yung Donor ko? Napakababang tyansang mabuhay ako, kung sakaling babae ang Donor ko. Tanging mga magagaling at ekspertong doktor at hospital lang ang kayang gumawa non. Pero sino bang niloloko ko? Nasa isang specialize hospital ako and they are all experts and more advance compared to the other hospital dito sa Manila, gaya ng sabi sa akin ni Dad.

Iniwaksi ko ang nasa isip at ibinalik ang iPad sa drawer. Siguro pagod lang talaga ako at naninibago. Ayoko na muna mag-isip ng kung ano-ano sapagkat nagsasabay-sabay at lalong sakit ang nararamdaman ko sa ulo at dibdib ko sa tuwing nag-iisip ako. Walanjo! Masyado kong iniistress ang kagwapuhan ko. Hindi tama yon.

Napailing ako. Wala na naman dapat akong ipag-alala pa kase naging maayos naman ang ginawang transplant pero dahil sa mga sinasabi sakin nung babaeng yon nagulo tuloy ang payapa kong pag-iisip.

Sa totoo lang, ay dapat magpasalamat pa ako na may panibago na akong buhay at ienjoy yon. Hindi dapat ako nag-ooverthink tungkol sa mga sinabi nung babaeng yon at sa donor ko. 'Ni hindi ko nga sya kilala tas guguluhin nya braincells ko aba!

Napalingon ako sa pinto ng bigla itong bumukas at pumasok ang ilang doctor kasama ang ilang nurse. Ayy wow, professional! Walang katakok-katok? Labas! Charr.

Pinanood ko sila papasok. Siguro icchecheck na naman nila ako at bibilinan ng kung ano.

Dumako ang tingin ko sa nagpakilalang mga magulang ko. Huli silang pumasok ng silid. Nasa likuran sila at nakikipag-usap sa isang pamilyar na doktor, Dr. Andrews.

A Solemnly Given PledgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon