Chapter 5

44 7 1
                                    

BALIKAN MO

"I'll stay here." deklara ni Raegan nang pumarada ang kanyang Expedition sa gilid ng bahay.

He pulled up the gearsick nang magpark ito sa tamang lugar. I took off my seatbelt and started fixing myself on the side mirror. Malayo ang tingin ni Raegan sa kalsada. He looked so lost in his thoughts. Kinibo ko siya.

"Matatagalan ako sa loob. Sigurado kang dito ka lang?" nagtaas ako ng kilay na may kasamang panunudyo sa kanya.

Ipinatong niya ang kanyang siko sa manibela at hiniga roon ang ulo niya. Nakapikit ang kanyang mga mata. I looked over at him and saw how peaceful he looked with his eyes closed.

Mahahaba at makapal ang pilik mata ng kanyang mga talukap. His breathing was sharp. Nanatiling ganoon ang ayos niya, habang ako naman ay napahinto sa ginagawa at nanatiling nakatitig sa kanya.

His eyes fluttered open, ilang minuto ang lumipas. Nagtama ang mga paningin namin nang tuluyang bumukas ang kanyang mata. Nagkibit balikat ako. He sighed and took off his seatbelt. Ngiting ngiti ako nang makumbinsi ko siya. Tamad siyang lumabas ng driver's seat at umikot para pagbuksan ako ng pinto.

Abuelo's modern country house in Laguna never changed. Ganoon pa rin ang hitsura nito simula noong huli kong punta rito. The landscape of the garden changed, however. Nagiba ang pwesto ng iilang tanim at muwebles.

There also happened to be a pathway leading to the doors of the house. Gawa iyon ng mga bato at pebbles na iba't iba ang kulay. They must have hired a landscape architect to do it. And I must say, they did a very good job at this.

"Pasok ka," anyaya ko kay Raegan.


Mahiyain siyang sumunod sa akin sa loob ng bahay. Sa likuran kami dumaan dahil alam kong naka-lock ang main door.

The kitchen is spotlessly clean and empty. Halatang kanina pa sila tapos kumain ng tanghalian. The soles of Raegan's shoes echoed through the granite tiles of the kitchen up to the living room.

Inikot ko ang sala. Maraming litrato ang nakatayo sa picture frames ng tanggapan. Napangiti ako nang maalala kong maraming kopya ng mga litratong ito si Abuelo nang umalis kami ng Iloilo. He kept pictures of his children and also his grandchildren.

Tumingala ako sa pader na yari sa mamahaling cedar. A painted picture of Abuelo was displayed on a gold picture frame. Sa ilalim ng kanyang litrato ay ang kanyang pangalan.

Gen. Ildefonzo Luther Cabriar Lagdameo II.

Nagtagal ang tingin ko sa litratong iyon. He was young and looked dashing on his Army Navy uniform. His official hat sat on his lap, at may hawak na tungkod.

Bumagsak ang mga balikat ko nang tumabi sa akin si Raegan. His hands were tucked in his pockets. He looked up at Abuelo's portrait as well.

"You look just like him."

"Panganay niya si Mommy, sa kanya nagmana." Bumaling ako sa kanya at nakitang sa akin siya nakatitig.

"Aldana?"

Pareho kaming lumingon sa direksyon ng boses na iyon. Narinig ko ang mahinhin na yabag ng tsinelas sa hagdan. It was tito Malcolm.

What Comes After Dark (Montrearde Series #1)Where stories live. Discover now