Sabado ngayon at napagpasiyahan kong umalis muna ng apartment at magpahangin buong araw sa kung saan saan
Dati kapag wala akong magawa lagi akong pumupunta sa lugar kung saan dinala ako ni estevan para makalimot sa problema ko,naisip ko din yung eroplanong papel na ginawa niya at kung gaano siya kadeterminadong tulungan ako nung mga araw na yon
Naisipan kong pumunta ulit sa lugar na yon pero pinigilan ko ang aking sarili
Wag nalang siguro,
Mas lalo lang akong masasaktan.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya naman naisipan ko nalang munang pumunta sa starbucks para magpakalma
Uupo na sana ako nang bigla akong tawagin ni cora sa kabilang table
Sinenyasan niya ako na umupo sa kaniyang tabi
Wala naman akong ibang choice kaya umupo din ako sa harap niya
"Hey I'm so sorry naabala kita kahapon", sabi niya sakin
"It's okay maliit na bagay lang naman", ngumiti ako sakaniya
"Portia can I ask you something?", tanong niya
"A-ano yon?", tanong ko
"I'm just curious,simula ng magkakilala kami ni estevan hindi siya nagkekwento sakin about sa mga kaibigan niya dito sa Philippines.Palagi siyang natanggi,nagkaroon ba ng away sainyong magkakaibigan dati?",inosente niyang tanong
"Masiyado lang talagang malihim si estevan kaya siguro ganun", natatawa kong sinabi
"Super true ka diyan portia,5 years ago nagkita kami ni estevan and naging crush ko siya agad,binibigyan ko siya lagi ng peach as in araw araw kasi araw araw niya ding tinatanggap at alam mo ba nung naging kami na dun niya lang sinabi na allergic siya sa peach", natatawa siya habang kinikwento ito
Allergic pala si estevan sa peach? ang dami ko pa nga talagang hindi alam sakaniya
"Tapos ano nangyare?", tanong ko
"Syempre medyo nainis ako kasi tinatapon niya lang pala yung mga peaches na binibigay ko sakaniya", she rolled her eyes at tumawa ulit
Tumingin siya bigla ng seryoso sa akin at nagsalita
"Ikaw portia? may ganun din bang eksena na nangyare sainyo ni estevan?", tanong niya
"Para kaming aso't pusa niyan ni estevan kaya walang nangyareng ganun.Lagi lang kami nag-aaway", sambit ko
"Omg sana nandun ako para makita ko,never ko kasing nakita si estevan na nakikipagtalo sa isang babae kasi napaka-gentleman niya at makwela pagdating sa akin", natatawa niyang sinabi
"Ubod ng suplado yan dati",sambit ko
"Really?", natatawa niyang tinanong
Tumango naman ako at natawa siya bigla
"I can't imagine that he's a snob before", napailing siya habang tumatawa
"Paano pala kayo nagkakilala ni estevan?", pag-iiba ko ng topic
"5 years ago naging classmate ko siya and ayun nagkacrush ako sakaniya.Nung una tahimik lang siya pero habang tumatagal ang daldal na niya sa akin,hanggang sa hindi ko nalang namalayan tinanong na niya ako kung pwede ba siyang manligaw", tuwang tuwa niyang sinabi
Ngumiti lang ako at pinakinggan lang siya sa pagsasalita
"Dahil pareho kaming pilipino talagang nagkakaintindihan kami,one year niya akong niligawan pati na din ang family ko,medyo matagal kasi bago siya nagustuhan ng family ko.Sa mismong graduation namin talagang bongga portia,ang bongga ng pasabog niya....", hinawakan ako ni cora sa kamay
"Hinawakan niya ako ng ganito tapos lumuhod sa harap ko,lahat ng students nakatingin sa akin pati na din ang mga pamilya namin.And hindi ko nalang namalayan sinusuotan niya na ako ng singsing habang nagpapalakpakan mga tao sa paligid namin,sobrang saya ko nung araw na yon",ramdam ko ang saya at kilig na nararamdaman ni cora ngayon
Naiingit ako.
Sana ako yon,dapat ako yon,ako yon cora.
"Congrats sainyo pareho cora", masaya kong sinabi
"Thank you portia", nakangiti naman siya sa akin
Wala siyang kaalam alam sa kung anong nangyare 6 years ago.
Cora bakit hindi man lang nasabi sayo ni estevan yon?
Dahil ba natatakot siyang mawala ang tiwala ni cora o dahil wala na siyang pake sa nakaraan?
Mukhang masaya na sila
Kitang kita ko ang saya sa mukha ni Cora
Hindi ko kayang sumira ng isang totoong ngiti.
Sobrang pure at genuine ng saya ni cora,deserve niyang hindi masaktan.
Eto na ba?
Susuko na ba ako?
Oras na ba para matauhan ako?
O isa pa,
isa pang subok,
isa pang tanong.
Gusto kong malaman kung may nararamdaman pa ba siya sa akin
Gusto ko marinig mula sakaniya ang kasagutan
Susubukan ko,susubukan kong lakasan ang loob ko
Para sa akin,hindi para sayo estevan.
BINABASA MO ANG
Never Fall In Love Again
Teen FictionNagkaroon ng first love ang isang babaeng "no boyfriend since birth" at akala niya ay pang habang buhay na niyang magiging kasintahan ito, ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti niyang matutuklasan ang katotohanan, kaya't labis siyang nasaktan a...