ESTEVAN'S POV
"Na-miss ko ang Pilipinas!", sigaw ni andrew at nilapagan ako ng tequila
"Shot Shot Shot", sigaw nilang lahat
Ininom ko ito at nagsigawan kaming lahat
"Big time ka na pare,next week mister ka na!", nagsigawan uli sila habang niyuyugyog ako
"Ninong kami", sigaw nila sa akin at uminom lang ako ng uminom
"Oh mukhang problemado ka ah,may problema ba van?", tanong ni kyle
"Wala pare magsayawan na tayo!", sigaw ko at sabay sabay na kaming pumunta sa dance floor
Ang daming babaeng lumapit sa akin at lumakas ang tibok ng puso ko dahil nakita ko si portia na papalapit sa akin
Sinasayawan niya ako habang papalapit at hinawakan ang dibdib ko
"Portia bakit mo ako pinabayaan?", tanong ko sakaniya habang umiikot ang paningin ko
"Sinong portia?.Hi I'm stacey what's your name baby boy?", tanong nito sa akin at bigla ako napaatras
Kinusot ko ang mata ko at hindi pala si portia ito,agad akong bumalik sa table namin at nagpakalasing ng sobra.
Wala akong ibang iniisip ngayon kundi si portia
"Bakit ba hindi kita maalis sa utak ko!?, sigaw ko sa kawalan
Mahal na mahal ko si cora,buong anim na taon akong nagmove on kay portia
Hindi ko kayang saktan si cora
Kaya ginawa ko ang lahat para kalimutan si portia
Pero nagkamali akong umuwi dito sa Pilipinas
Dahil unang beses palang na makita ko siya ulit
Bumalik ulit ang gulo sa isip ko,gumuho ang estevan na pinaghirapan kong buoin sa ibang bansa
Parang wala nalang sakaniya ang lahat,mukhang masaya na siya ngayon sa buhay niya
"Tangina lubayan mo na ako!", sigaw ko ulit at sabay inom ng alak
Masaya na ako
Pero bakit bigla kang susulpot sa harap ko na parang okay lang sakin ang lahat
Mahal na mahal ko ang fiancée ko at naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako naguguluhan ngayon
Maling mali ito,maling mali.
CORA'S POV
"Hello andrew?,asan si estevan?", tanong ko sa telepono dahil kanina pa wala si estevan
"Andito kami sa bar cora,pasundo nalang si estevan dahil kailangan namin itakbo sa ospital si kyle nakipagsuntukan eh",sabi ni andrew
"Sige", binaba ko na ang telepono at agad na sumakay sa kotse at pinaandar ito papuntang bar
Agad akong nagtungo dito at nakita ko si estevan na sobrang lasing at sinusubukan ko siyang itayo
"P-por--",sambit niya habang itinatayo ko siya
"Babe tara na lasing na lasing ka na",sabi ko habang itinatayo siya
"A-yookooo please wag mo ako iwan",natawa ako bigla sa sinabi niya
"Sino ba nagsabing iiwan kita, tumayo ka na babe", natatawa kong sinabi
Sinusubukan ko siyang itayo pero dahil sa sobrang lasing niya napaupo siya bigla at naout of balance ako kaya napaupo ako sa lamesa
"P-portia please",natulala ako bigla sa sinabi niya
Portia?
"Anong meron kay portia babe?", tanong ko
"Portia huwag mo akong iwan pakiusap", nakapikit niyang sinabi
natulala ako bigla
Nasaktan ako sa narinig ko
Anong meron kay portia?
Hindi ko maintindihan,inaalala ko lahat ng mga sinabi sa akin ni portia
Kaya ba parang malungkot ang mukha niya habang nagkekwento ako sakaniya kahapon at ang expression din ng mukha niya noong unang beses niya akong makita?
May hindi pa kaya nasasabi sa akin si estevan?
Gulong gulo ang utak ko
Ginagago ba ako ni estevan?
Bakit niya ako binubulag sa nakaraan niya?
Ano bang meron sakanila ni portia?
nakakatawa,hindi ko man lang napansin.
BINABASA MO ANG
Never Fall In Love Again
Teen FictionNagkaroon ng first love ang isang babaeng "no boyfriend since birth" at akala niya ay pang habang buhay na niyang magiging kasintahan ito, ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti niyang matutuklasan ang katotohanan, kaya't labis siyang nasaktan a...