"hmmmm.. Ano kaya cacaption ko sa live ko???"

"kahit ano lagay mo wala naman pakielam mga viewers mo eh, ang gusto lang nila makita ka"

"tongek! Hindi ahh. Caption ang malakas maka hatak ng viewers dito kahit di mo followers kung maganda or interesting ang caption papasok sila. Yun ang habol ko mga pani bagong viewers slash followers"

"bakit hindi na lang mobile legends? Or call of duty tayo guys or pubg guys, tutal yan naman mga hilig mo eh. Tsaka para bumilis ang pag pasok ng mga viewers mo"

"sabagay. Tama tama.. Okay hmmm."

Tara laro!! Mobile legends :)

Live starts in 3 2 1..

"Hiiiiiiii. Guuuuys.!"

Ilang sandali pa padami na ng padami ang mga viewers ko karamihan halos kalalakihan. Ganto naman talaga kadalasan sa Virgo app kapag babae ka kadalasan viewers mo lalaki vice versa lang kapag lalaki naman ang nag live.

Nirecommend lang sa akin ng pinsan ko tong app na to naririndi na daw kase sya sa akin dahil araw-araw na lang daw ay nag eemote o nag ddrama ako sa ex kong panget.

Ang pasmado ng bibig nyang si Marky eh, palibhasa eh may pagka gay. Ayaw nya lang aminin pero duuuh halata ko naman.

Almost 3 weeks pa lang ako sa app na to maraming mababait at meron din namang mga gago at sira ulo mga bastos.

Hindi sa pag bubuhat ng sarili kong upuan pero kaya rin marami ang nanunuod sa akin kahit wala naman talagang ka kwenta kwenta ang live ko ay dahil sa itsura ko. Promise di ako nag bubuhat ng sarili kong upuan swear lol hahaha.

"Guys... Send naman kayo ng stars. Para lalo ako ganahan mag live haha" pabebe kong sabi sa live ko, isang dahilan kaya nahumaling ako sa Virgo app ay dahil sa stars na sinesend na pwedeng maging pera. Ayos diba mag lalive ka lang hahawi ng buhok mag papacute konte tapos yun na pwede ka ng kumita ng pera.

"i will send ten thousand stars just show me you boo.bs"

Told yah maraming ganyan dito mga foreigners karamihan.

"Hahahahahhahahaha, promise? Send stars first"

"No no no. Boo.bs first i always send stars but after that they're kicking me, for now i want to be sure"

"Hahahhahahahaha" mga gantong tao imbis na kainisan mo tawanan mo na lang kesa ikaw pa unang mangulubot sa inis sa kanila

"Antonnette ano sipain ko na ba yan? Balasubas eh" Si kuya Rome isa sa mga kuya kuyahan ko sa Virgo always present sa mga live ko taga masid ng mga gantong klaseng tao

"You talking about me? Don't kick me okay i will send stars"

"Ikaw na bahala dyan kuya, hahahaha" hindi ako nag kikick o nag bblock ng mga viewers hinahayaan ko mga moderator ko para ang image ko sa viewers ay weak, sweet girl lang ganern hahaha

Dapat kanina mo pa kinick yun lods

Dami talagang mababahong bastos dito eh

Hindi ka namin babastusin lods paakyat naman sa live mo

May juwa ka na ba kung wala aku na lang

Mga binasa kong comments from my other viewers, yung akyat na sinasabi is pwedeng 9 kame sa live ko or 4 or 2 dipende sa trip ng nag lalive

Para face to face ang usapan, nilock ko for a while ang slot nung lalaking bastos kanina. Kaya naman namimilit silang iakyat ko ang isa sa kanila

"Paunahan na lang ah. Uunlock ko na to pero di ko sasabihin kunh kailan hahaha basta paunahan na lang"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Life of Unmarried Couple Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon