Kasalukuyan

12 1 0
                                    

"Lucy, maawa ka. Wag mong gawin sakin 'to. Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano bang nagawa ko sayo para pahirapan mo ako ng ganito? Ang ganda ng pinagsamahan natin tapos bigla mo na lang gagawin sakin 'to? Ano bang nangyayare? Ipaliwanag mo sakin! Aaaaaaaaah..." biglang nagising si Joshua.

 ----------

Joshua's POV*

Panaginip lang pala. Teka, bakit parang apektado ako? Parang nahirapan ako huminga. Si Lucy? Magagawa sakin yun? Napaka imposible, SOBRANG IMPOSIBLE. Napaka pangit naman ng bangungot na 'yon! Baka matakot pa sakin si Shiela kapag ikinuwento ko sa kanya ang panaginip ko na yun. Bestfriend pa man din nya si Lucy. At baka naman magalit si Lucy sa akin kapag ikinuwento  ko sa kanya yun. Tama, mananahimik na lang ako. Bwisit na panaginip! Makapaghanda na nga baka ma-Late na naman ako yari na naman ako kay Sir Mario, hahaha!

Pagdating sa eskwelahan ni Joshua ay nakita nya agad si Lucy.

"Lucy!" sigaw ni Joshua.

"Oh ikaw pala Josh. Mukhang maaga tayo ngayon ah? Ano ba nakain mo? Hahaha!" pabiro ni Lucy.

"Hindi, ginising ako ng bangungot ko! Ang aga nga eh, di na lang ako natulog ulit baka may continuation pa eh." paliwanag ni Joshua.

"Ano ba yun? Mukhang asar na asar ka sa napaginipan mo ah. Hahaha!" muling biro ni Lucy.

"Ah, wag mo na lang alamin pare. Nasaan nga pala si Shiela? Bakit hindi mo kasabay?" tanong ni Joshua.

"Nagtext sakin, mauna na raw ako kaya di ko na dinaanan sa bahay nila. So pano? Pumila na tayo, magsisimula na yung Flag Ceremony." sagot ni Lucy.

Patapos na ang Flag Ceremony nang biglang dumating si Shiela. Nahuli sya kaya't napagsaraduhan sya ng 2nd gate, kung saan tinitipon ang mga estudyanteng huli sa tamang oras ng flag ceremony.

Shiela's POV*

Kainis! 1st time ko ma-Late. Umuwi lang si Kuya nabago na oras ko. Grrr! sa 4 yrs. kong pag-aaral sa highschool ngayon lang ako na-Late. Nabreak ko ang sarili kong record! Di na ba ako makaka perfect ng walang Absent and Late? Sa bagay, may Last Chance pa ako para doon. Ang College Life ko. Hihihi. So, tanggapin ko na lang 'to pero mamaya pag-uwi sisisihin ko si Kuya. Hahaha!

Nakita ni Josh at Lucy si Shiela na papasok na dahil nakuhanan na sya ng I.D. sa unang pagkakataon. Kung kailan Graduating na sila sa highschool ngayon pa sya na-late. Hindi nya natupad ang pangako sa sarili.

"1st time ma-Late ni Shiela ah." banggit ni Lucy.

"Kaya nga eh, ano kaya naging problema ng My Loves ko? Hahaha!" sabay takbo ni Joshua kay Shiela.

Naiwan si Lucy sa kinatatayuan nila habang pinagmasdan ang pagsalubong ni Joshua kay Shiela sa 2nd gate. Sa bawat galaw ni Joshua, laging may pumapasok sa isip ni Lucy na hindi nya gusto pero hindi nya makontrol. Takot syang sabihin ito kay Shiela dahil baka kahit ang mismong bestfriend nya ay hindi sya maintindihan. Pero ang katotohanan lang niyon ay nagseselos sya sa relasyon ng dalawa.

Wala naman syang gusto kay Joshua, ngunit bakit iba ang pakiramdam nya sa tuwing nagkakasama ang bestfriend nya at ang boyfriend nito. Mula 1st yr. highschool naman ay magkakasama at magkakaibigan na sila. Kabisado na nilang tatlo ang isa't isa pero bakit ngayon gagraduate na sila ay ngayon nya lang ito naramdaman? Hindi maipaliwanag, hindi maintindihan at hindi nya ito mailabas.

"Shiela, ano ba nangyari at na-late ka ngayon? Nakuha tuloy ni guard yung napakagandang I.D. ng pinakamamahal ko. tsk!" sabi ni Joshua at nagtatangkang pumunta sa guard.

"Josh, ano ka ba? Anong gagawin mo?" pagpipigil ni Shiela kay Joshua.

"Kukunin ko I.D. mo." sagot ni Joshua.

"Ano ka ba naman! Ibabalik naman yan mamayang recess. Let's go na!" pagpipilit ni Shiela.

Habang papunta na sila ng classroom, napansin ni Shiela si Lucy na tulala at nakatayo sa gitna ng daan habang nag-aabang sa kanila. Ginulat nya ito at inaya na ring pumasok. Sabay sabay ang tatlo na pumasok sa room. Hindi na iba sa kanila ang tingin ng mga kaklase.

Mula 1st yr. hanggang 4th yr. highschool kilala na sa campus ang kanilang matagal na pagkakaibigan. Na parang walang makapaghihiwalay sa kanilang tatlo sa dalas ng pagsasama. Kaya madalas napagkakamalang may Love Triangle sa grupo nila lalo na nung nagkaroon ng relasyon sila Joshua at Shiela. Nagsimula naman talaga ito kay Lucy noong tinanong nya si Shiela tungkol sa tipo nito sa makaka- relasyon...

"Shiela, ano bang klaseng tao ang gusto mong maka-relasyon at makasama habang buhay?" pagtatanong ni Lucy sa bestfriend.

"Bes, tinatanong pa ba yan? Syempre yung katulad mo! Masayahin, masarap kasama, kahit anong mangyari iintindihin nya ako at never nya akong iiwan." sagot ni Shiela.

"Ganon ba? Tulad ko lang talaga? Hindi yung.."

"Oo naman syempre! Kabisado mo na kase ako eh, gusto ko yung katulad mo na sa hirap at ginhawa nasa tabi ko lang at never akong sinaktan. Oh diba? The Best Boyfriend Ever yun!"

At mula noon sa sagot na yun ay nakita nya ito kay Joshua kaya't hindi nya maitatangging dalawa sila ni Joshua na mahalaga sa buhay ni Shiela. Dahil tulad ng sagot ni Shiela, never pa syang sinaktan at iniwan ni Joshua. Para na ring kapatid ang turing ni Shiela kay Lucy, higit pa sa bestfriend. Pero ngayong halos apat na taon na pagsasama nilang tatlo, ano na ba talaga ang tingin ni Lucy kay Shiela? o kay Joshua? Para guluhin ng tadhana ang utak nya.

Pagkatapos ng klase ay dating gawi ay sabay silang tatlo na umuwi at bago tuluyang makauwi ay kumakain muna sila ng lugaw malapit sa eskwelahan upang makapag meryenda. Tutal saktong 3:30 naman ng hapon ang uwian sa klase kaya't pwede pa silang makauwi ng kahit hanggang 5 ng hapon kasama na ang kwentuhan at harutan nilang tatlo pero ngayon parang may nag-iba kay Lucy.

"Bes, parang kakaiba ka ngayon?" pagpansin ni Shiela kay Lucy.

"Oo nga Lucy, hindi kami sanay nang ganyan ka." dugtong ni Joshua.

"Huh? Gutom lang yata ako kasi naman yung Physics kanina ang sakit sa ulo. Pagsabayin daw ba yung Magnetic magnetic na yan pati yung mga Law Law na yan. Parang hinahabol, tuloy tuloy yung turo ni ma'am kanina muntik na akong walang maintindihan." malayong sagot ni Lucy sa tunay nyang pinagdadaanan.

"Ganon ba bes? Sige dadamihan natin yung order para maibsan yang gutom mo. Hahaha! Di ba nga sabi ni ma'am nahuhuli na kasi tayo sa lessons compared sa ibang sections kaya ganon sya magturo." pagpapakalma ni Shiela sa bestfriend.

"Intindihin mo na lang. Kaya mo yan! Nandito naman kami ni my loves para tulungan ka eh. Di ba nga walang iwanan? Ahaha!" dugtong ni Joshua.

Umalis ang dalawa para umorder at naiwan syang mag-isa sa upuan nila. Sa oras na yun, napatingin na naman sya sa dalawang kaibigan. Tuwing kakain na lang sila, kung hindi ang dalawa ang sabay na oorder ay silang mag bestfriend naman at si Joshua ang naiiwan. Pero nang umabot na sila ng apat na taon napapadalas na laging iwan si Lucy sa lahat ng ginagawa ng dalawa. Pakiramdam nya, may malaking pader na nakaharang sa kanila ni Shiela para hindi na sya muling makapagsalita ng mga nararamdaman sa bestfriend nya dahil laging na kay Joshua ang atensyon nito.

Lucy's POV*

Naiinis na ako ah!? Mababaliw na yata ako. Ano ba itong kakaibigang pakiramdam sa puso ko pati utak ko sumasali. Ano bang nangyayari sa akin?! Bakit nagiging big deal sakin lahat ng gawin nung dalawa? Ano? Naiinggit ba ako at hanggang ngayon wala pa rin akong karelasyon samantalang yung bestfriend ko nagpapakasaya na ngayon? o nagseselos ako? kanino? kay Shiela? dahil may gusto na rin ako kay Joshua? Hindi! Hindi! O kay Joshua? Dahil inaagaw nya sakin ang bestfriend ko? Pero bakit naman? Eh natural lang naman sa babae ang umibig sa lalaki? Haist.. Ayoko naaaaaaaaa!


to be continue....


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 Misteryosang KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon