CHAPTER 10

20 16 4
                                    

Diego's POV:

Naka Defense guard position na kami. Nang mag start ang time sa timer board ay nagjumpball na si Don at ang kalaban nito. Naagaw niya ang bola at nakuha naman ito ni Mark, na ipinasa kay Niko na napagtagumpay naman niyang ipinasa sakin dahil nasa ilalim ako ng court at open ang space. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa nang makuha ko ang bola ay nagdribol ako bago maglay-out.

2 points!

"Wahhh, Go Hawk!"

"Diego, I Love You"

"Wahh, Team Hawk!"

"Wooo"

Sigaw nang mga manonood samin. Nag - uumpisa pa lamang kami pero ang suporta nang mga tao ang nagpapainit samin upang pagbutihin pa ang laro.

Nasa kalaban na ang bola. Mabilis na dinidribol nang kaharap ko ang bola. Alam ko na ang iniisip nito, kaya bago pa siya malusot sakin ay mabilis kong tinapik ang bola at nakuha naman ito ni Willy na nagyon hinahabol na rin nang nagbabantay sakaniya. Mukhang magagaling nga sila pero hindi sila kasing galing namin.

Nagfake shot si Willy at kumagat naman sa patibong ang bantay niya kaya nalagpasan niya ito. Nang nasa anggulo na ang pagtira niya ay ishinoot niya rin ito.

2 points

"Woooh, Willy the best!"

"Go! Willy!"

"Hoooh, Team Hawk!

" Tapusin niyo na yan! Woooh!"

"Woaah, Ikaw na Willy!"

Kindatan naman ni Willy ang mga manonood dahilan upang magwalaan ang mga kababaihan rito. Hindi ko naman sila masisisi dahil may itsura talaga tong loko na ito.

"Hahahha, pakitang gilas ka talaga Willy" Ani ni Don para magtawana kami.

Napagpatuloy pa ang laro hanggang sa 4th quarter na kami at makikita sa score board na naghahabol ang kalaban namin.

"88 - 84"

Ilang minuto nalang at matatapos na ang laro namin kaya nagpatime - out si Coach.

"Tandaan niyo, laro lang to. Kaya Tean Hawk" napatong - patong kami nang kamay "Go, FIGHT!" sabay taas ng aming kamay sa eri.

"I know you can do it guys!" Narinig kong sigaw ni Gabby at tingnan siya nang nakangiti and mouthed na words 'We will"

One minute nalang ang natitira kaya mas lalo pa naming pinag - igihan hindi na ako nagpasub dahil sisiguraduhin naming kami ang mananalo sa larong ito.

Pass,

Dribol,

Pass,

Shoot!

Dribol,

Catch,

Pass,

Lay-out,

Ginagawa na namin ang aming makakaya para hindi na sila makapuntos pa. Masyadong silang malalaki at magaling kaya nakakahabol parin sila samin.

Blag!

"Hoy, anong problema mo?" Narinig kong ani ni Willy

"Ikaw! Ikaw ang problema"

"Walang akong ginagawa sayo?" Naiinis na niyang tanong

"Huwag kang magmaang - maangan"

Nang sabihin iyon nang lalaki ay sinuntok niya si Willy hanggang sa sinuntok niya rin ito dahilan nang karambulan. Nakisuntok narin ako nang suntukin nang lalaking hindi ko naman kilala.

Nakakarinig narin ang mga basagan ng mga bote at natatamaan narin ako ng mga bato na alam kong pinagbabato samin.

'Shit! Si Gabby'

"Gabby! Gabby, asan ka?" Pinagsusuntok ko na ang mga taong paharang - harang sa dinadaanan ko, ang importante ay mahanap ko si Gabby at mailayo sa lugar na ito.
"Gabby! Gabby! Gabby!"

"Diego! I'm here! Diego!" Nagpalinga-linga ako dahil naririnig ko ang boses niya. "Diego! Diego! Here!" Nakita ko siya sa labas na nang covered court kasama ang iba kong teammates.
"My God! Where's others?" Agad niyang tanong sakin kaya natulos ako sa kinatatayuan ko.
"Diego! Come back here! Diego!" Rinig ko pang sigaw niya nang suungin ko ulit ang mga nagkakarambulang tao.

Nakita ko ang mga kasama na pinagtutulungan nang mga naka-laban namin. Iniharang ko ang katawan ko nang makita kong hahampasin si Willy nang nakasagutan niya kanina ng malaking pamalo na tubo.

'Arrghh!' daing ko. Ang sakit, pakshit!

Nang dahil sa pagharang ko pinagsusuntok nang mga kasamahan ko ang mga nakalaban namin. Duguan na ang mga mukha niya pero mas masakit talaga ang palo sakin. T*angina!

Mas lalong nagsisigawan at lumala ang karamabulan dahil sa ginawa nila. Pilit akong tumatayo dahil sa pagkakabulagta sa sahig. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin ang pumalo sakin nang makita ko ang hindi inaasahang babae.

'Brie'

Pinagsusuntok niya ang lalaking pumalo sakin at ibinalibag sa mga lalaking kasamahan nito na susuntukin sana siya.

'Woah, anlakas niya'

Mayroon siyang kinuhang mahabang stick sa likod niya na hindi ko napansin kanina nang pinagsusuntok niyang lalaki. Gamit yun ay pinaghahampas niya ang mga taong lalaban sakaniya pero bago pa sila makalapit ay bumubulagta na sila dahil sa lakas ng paghampas niya sa mga lalaki. Rinig na rinig rin ang lagitnit nang stick sa kada hampas niya. Nakita niya ako kaya dali - di siyang pumunta sakin habang pinaghahampas niya parin ang humaharang sakaniya.

Inihampas niya sa gawi ko ang stick na hawak niya nang mayroong bumulagta sa sasapak sana sakin. Hinablot niya ang kamay ko at pilit na umaalis sa kumpol nang mga taong patuloy parin sa pag - aaway.
Nasa likuran ko narin sina Willy at Don na mayroong maraming galos at sugat sa iba't-ibang parte nang kanilang katawan.

Kahit sumasakit ang likod ko ay hinayaan ko na lamang na hilahin ako ni Brie para makaalis na kami sa lugar na ito. Mayroong papuntang lalaki sa gawi namin kaya inihanda na nina Willy ang kamao na handa nang sumuntok nang dumngaw siya kay Brie at hinawakan ang mukha nito.

Ang kaninang hawak ni Brie sa kamay ko ay ako na ngayon ang humahawak sa kamay niya.

'Fuck, Diego!'

Naalis ang tingin nang pamilyar na lalaki kay Brie at tumingin sakin pati sa kamay naming hawak ko na ngayon. Lumingon sa gawi namin si Brie nang napansin niyang humigpit ang hawak ko roon.

"Sino siya Brie?" Seryosong tanong nito kay Brie. Natatandaan ko na ang lalaking to. Siya yung kasama nito sa resto na sana ay pagkakain nila.

"Ah, siya si Diego.... Kaibigan ko" napatulala ako sa sagot niya sa lalaki.

'Kaibigan ko"

'Kaibigan ko"

'Kaibigan ko" paulit-ulit na nag - echo pang sagot niya sa isip ko. Naramdaman kong sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya.

Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kamay niya nang akma siyang hahawakan nito sa kamay kung saan ko siya hawak upang mapaghiwalay ang kamay namin.


____________________________________________

LIKE, COMMENT & VOTE

© purpleCalib

A Moment with You ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon