Diego's POV:
Kasama sila Brie, naka - uwi ako sa bahay ng matiwasay kahit na masyadong sumasakit ang likod, hindi ko nalang ipinapahalata sa kanila para hindi sila mag - alala. Naabutan ako ni mamang nasa ganung ayos ang kamay namin ni Brie pero pinili na lang na hindi magsalita kaya ngiting-ngiti siya saming naghanda ng mga panggamot sa sugat namin.
Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari hanggang sa kung paano siya niligtas nang babae mula sa mga nagkakagulong mga tao.
"Salamat Brie, sa pagligtas sa anak ko sa mga taong yun." Tango at ngiti lang ang iginawad niya rito. "Hay naku! Palagi nalang yang mga taong yan. Hindi mawala - wala ang awayan sa lugar na ito. Kaunting problema ipinapalaki pa yan tuloy palaging maraming nadadamay." Lintanya pa ni mama dahilan upang tingnan ko sina Willy at Don na nakayuko na ngayon. Nakita kong napayuko na lang si Brie, alam ko yan dahil ang pamilya nila ang kilalang tao sa politiko.
"Ma! Ayos lang ako. Salamat sayo Brie" nagpasalamat nalang ako kay Brie dahil alam kong naiilang siya kay mama lalo na sa mga nasabi nito. Tinanguan lang ako ni Brie at pinaningkitan naman nang mata nang kasama niya.
"Sorry po Tita! Dieg!"
"Ako rin po sorry, kung hindi dahil sakin hindi na sana aabot sa ganito ang lahat. Dieg, sorry!" Narinig kong paumanhin nila habang nakahiga na ako dito sa mahabang upuan namin para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.
"Hays! Kayo talaga mga bata kayo oh! Ano pa nga ba, tapos na eh! Hala sige at gagamiton ko muna ang mga sugat niyo bago kayo umuwi." Ani pa ni mama bago niya gamutin sila Willy at Don dahil wala namang suga si Brie at yung kasama niya.
"Salamat po!"
"Salamat Tita!" Sagot naman nila
"Teka nga, ba't pala wala man lang tanod o di kaya ay pulis na umawat sa inyo? Alam naman na kilala ang lugar natin sa gulo." Tanong niya pa samin na hindi naman namin masagot kasi hindi naman namin alam.
"Ah hindi naman po, nagkataon kasing pati ang mga umaawat na tanod ay nasali rin sa gulo kaya hindi gaanong narespondehan at wala rin po kasing mga naimbitahang pulis kasi lahat po daw abala rin sa engkwentro sa ibang lugar at kakaunti lang po kasi ang mga pulis dito sa ating lugar kaya hindi naawat agad ang nangyari." Paliwanag naman nang kasama ni Brie.
"Ah ganun pala." Tatango - tango pang saad ni mama sakaniya. "Ay teka Brie. Bakit ka naman naroon sa gulo. Mabuti at ayos ka lang. Napakadelikado nang ginawa mo." Nag-aalalang saad pa nito na inaabangan ko rin ang magiging sagot ni Brie sa mama ko.
"Ah yun po ba. Nanonood po kasi ako ng laro kasama si James" sabay lingon niya sa lalaking kasama nito.
'James pala ah... Psh,!'
"Nagkataon po naman na nakita ko si Diego na hinampas nang isang lalaki sa likod kaya ayun. Ginawa ko rin ang ginawa nito sa kaniya." Napatanga nalang ako sakaniya habang sinasabi niya yun kay mama. Napatingin naman sakin si mama ng nakangiti bago ulit to tanungin.
"So, bakit mo naman niligtas ang anak ko? May gusto ka ba sa anak ko? Sabagay, may itsura naman ang anak ko tapos maganda ka naman ang kaso nga langmatigas ang ulo nito pero bagaynaman kayo. Oh ano?" Sa mga nasabing yun ni mama alam kong pati sina Willy pinagtatawanan na ako kaya pinangliitan ko sila ng mata para tumigil na ginawa rin nila kaya nagpipigil lang sila ng tawa. Napatingin naman ako sa gawi ng kasama ni Brie na nanlilisik ang matang nakatingin sakin kaya hinayaan ko na lang. Labis ang hiya ko sa mga pinagsasabi ni mama na para bang binubugaw na niya ako sa babae ngunit napatulala nalang akong tumatawa si Brie kaya hindi ko maiwasang mapatingin rito ng nakakunot ang noo.
"Hahhaha... Hahahahaha... Naku, hindi po. Nakita ko lang po kasing lalampa - lampa yang si Deigo kaya tinulungan ko." Sabay tingin sa stick na hawak niya. "At sa tanong mo po na kung gusto ko yang anak niyo" pasuspense niyang sabi samin habang kaming lahat ay naghihintay nang sagot niya. Nakadukwang na ako malaman ko lang ang sagot niya, bahala na. "Hindi po. Wala akong gusto sa kaniya lalo na at mayroon na siyang nobya." Nakangiti niyang saaad samin na nakapagtigil sa mundo ko nang marinig ko ang salitang 'wala akong gusto sa kaniya', at wala na akong narinig pa sa sinabi niya.
Nablangko ang isip ko nang marinig ang mga katagang yun sa kaniya. Hanggang sa makauwi sina Willy at Don na sinegundahan rin nina Brie nang magpaalam sila kay mama pati sakin pero tinanguan ko lang sila at tiningnan sila ng blangko. Ayaw kong ipahalata na nasaktan ako sa nasabi niya kahit wala naman akong karapatan. Ni hindi ko na nga naramdaman na ginagamot na pala ni mama ang ilang sugat ko at pagkausap niya sakin hanggang sa makatulog na ako sa mahabang upuan na kumikirot ang dibdib dahil sa mga nalaman.
'T*ngina, ang sakit!'
Matapos ng nangyaring away ay nabalitaan kong suspended na ang laro dahil sa nangyari kinaumagahan. Hanggang ngayon ay masakit parin ang puso ko sa mga sinabi ni Brie, ni hindi ko na nga nakita pa si Gabby matapos nang nagyari. Sana ayos lang siya.
Magmula ng gumising ako ay hindi maalis sa isipan ko ang sinabi ni Brie kagabi.
'Haisst, Brie!'
"Nak, ayos na ba ang pakiramdam mo?" Umiling ako sa tanong ni mama nang makita na gising na ako.
"Hay, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana pala hindi ko nalang siya tinanong. Pasensiya ka na nak." Malungkot na ani ni mama kaya yinakap ko siya."Ayos lang ma. Mabuti at ngayon alam ko na" napabuntong hininga ko pa bago siya tingnan ng nakangiti pero hindi umabot sa mata na nahalata niya naman.
"Hays, ang anak ko binata na talaga. Hahahaha" pang - aasar pa niya pa sakin kaya napailing nalang ako. Kumain na kami ng pananghalian ni mama para makapagsimula na kaming gawin ang mga gawaing bahay.
'Tsk, Brie. Ba't ikaw pa? Si Gabby ang gusto ko. Si Gabby lang dapat!'
____________________________________________
LIKE, COMMENT & VOTE
© purpleCalib
BINABASA MO ANG
A Moment with You ✔️
RomanceDalawang tao ang pagtatagpuin ng tadhana. Handa ba silang suungin ang mga problemang nakaambang para sa kanila? O ipagsasawalang bahala na lamang ito? Nang dahil sa mga sikreto ng pamilya ni Brie Zamora, makilala niya si Diego Sacramento. Ano kaya a...