Chapter 21 - [Flashback]

418 18 8
                                    

Naging maayos ang pagpapakilala nina Marie at Ella sa buong Pamilya Hendelson. Nakita nila kung gaano kaganda si Senyora Cassarina kahit may edad na ito at ang kapogian na taglay ni Don Conrad na talaga namang minana ng mga anak nito. Nakilala na rin nila ang anim na lalaki na sina Chris, ang panganay na mukhang istrikto pero mabait naman. Si Daniel na ikalawa, palangiti ito at mukhang friendly. Ang kambal na sina Trace at Jace na kapag nagsama ay parehong sira ulo. Si Stefan na pangalawang bunso, tahimik lang ito at mukhang misteryoso. At ang bulag na si Vince na pinakabunso sa anim na lalake, masungit ito at topakin.

Lahat ng anim na lalake ay talaga namang pinagpala sa gwapong mukha dahil tila ito mga Greek Gods na bumaba sa lupa at hindi lang basta gwapo kundi maganda rin ang katawan. Maliban kay Vince dahil medyo payatot ito at hindi pala ayos ng sarili. Siguro nga ay dahil bulag ito. Gwapo nga sana ang lalake kung siguro ay nakakakita lang ito at mag-aayos ng sarili. Kaya lang ay matindi pa sa babae ang moodswing nito kahit nasa harap ng pamilya kaya naisip ni Ella na mukhang kailangan ni Marie ng isang mahabang pasensya dito.

"Sabihan mo lang ako kapag tinoyo ulit ha? Para haluan na rin natin ng suka para gawin nating adobo yung halimaw na yun." Pasimpleng reklamo ni Ella kay Marie. Paano ba naman kasi ay pinakitaan agad ni Vince ng panget na ugali ang kaniyang best friend kaya hindi niya mapigilan ang pagkainis.

"Ella, intindihin na lang muna natin sa ngayon at baka nag-aadjust pa. Mahirap ang sitwasyon nung tao." Tugon ng dalaga. As always,  napakahaba talaga ng pasensya at pang-unawa ng kaniyang bessy.

"Anong nag-aadjust? Dalawang taon na siyang bulag, nag-iinarte na lang yun!" Patuloy niyang pagpuna sa panget na ugali ni Vince. "Kung ako nag-alaga dun baka kanina ko pa sinampal ng napkin ang mukha nun, daig pa ang babaeng may regla sa katopakan."

"Grabe ka naman. Baka mabait naman yung tao, wag muna natin i-judge. Feel ko, magiging close din kami habang tumatagal." Puno ng tiwala sa sarili na lahad ni Marie habang tinutulungan siya nito sa paghuhugas at pagpupunas ng mga pinggan.

Minsan nga ay nagtataka na siya kung wala man lang ba kahit kaunting masamang buto sa katawan nito. "Alam mo, minsan gusto na kita hatawin ng kaldero para maalog ang utak mo! Sobrang bait mo kasi masyado, nagmumukha tuloy akong demonyo sa mga sinasabi ko ngayon." Biro niya para patawanin ang dalaga.

Nasa ganoon silang eksena ng biglang pumasok si Manang Elsa bitbit ang basket ng mga damit. "Ella, anak, may ipapakisuyo sana ako sayo." Sabi nito ng lumapit sa kaniya.

"Ano po yun, Momshy?" Tugon ni Ella.

"Pwede bang pakipuntahan mo naman si Sir Jace? Sabi niya kasi kanina ay pupunta siya sa bayan at nagtatanong kung may ipasasabay daw akong bilhin." Hinging pabor ni Manang Elsa kay Ella at saka iniabot sa kaniya ang isang reseta at pera. "Makikisuyo kamo sa Mercury. Hindi kasi ako makaakyat sa silid nila at medyo nananakit ang tuhod ko."

"Sign of aging yan, Mother! Ayan kasi, naku! Ang lakas kumain kala mo bagets?" Biro niyang asar sa matanda na ikinatawa naman nito. "Sige po, iaakyat ko to kay Sir Jace pagkatapos ko dito sa mga hugasin. Don cha wery mada, I gatchuuu!" Arte-artehan niyang english with accent pa kaya lalo pa silang nagkatawanang tatlo.

"Sis, ang panget. Wag mo na uulitin yan ha?" Pang-aalaska ni Marie habang tumatawa ito. "Hindi bagay sayo. Para kang yerong pinupunit."

"Kesa naman sa tawa mo na nakakatibag ng bato." Ganti niyang asar dito sabay dila.

"Hoy, ang kapal mo! Maganda kaya boses ko!"

"Sino nagsabi? Ikaw? Aba, mas maganda pa nga ata tunog ng utot ko kesa sa boses mo."

One That Got Away (Playboy Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon