Parang ang hirap ihakbang ng dalawang paa ni Alice habang dahan-dahang naglalakad dala-dala ang kanyang regalo papasok sa garden ng bahay nila Ivan kung saan ginanap ang birthday party ni Chloe. Ang bunsong kapatid ni Ivan na napalapit ng sobra kay Alice. Maraming mga bisita at karamihan dito ay mga magulang at bata. Napakamalas lang nga ni Alice dahil si Lorraine ang unang nakapansin sa kanyang pagdating.
''Oh Alice, what are you doing here?'' Naka-crossed armed pa at taas kilay na salubong niya sa dating kaibigan.
''Ano ba sa tingin mo?'' pasigang sagot ni Alice na sya namang darating si Chloe na nasa likod nito si Ivan kaya nasira ang mood ni Lorraine.
''Ate Alice!!!'' Tuwang-tuwa ang bata na sinalubungan ng kiss sa pisngi at yakap si Alice.
''Hi baby...happy birthday. For you oh...'' sabay abot sa bata ng kanyang bitbit na regalo matapos itong halikan sa pisngi. Napangiti na lamang si Ivan habang pinagmamasdan ang dalwa samantalang taas-kilay parin si Lorraine.
''Wow thanks ate...how are you ate? Bakit di ka na pumapasyal dito. Namiss kita ate. Si kuya oh...ang pogi nya ngayon diba?'' Wala namang magawa sina Alice at Ivan kundi makisakay sa batang walang alam.
''Kuya hindi mo man lang ba ikikiss si ate'' dagdag pa ng bata habang hila-hila ang kamay ni Ivan papalapit kay Alice. Hindi naman alam nina Alice at Ivan ang gagawin. Pasimpleng inilalayo ni Alice ang kanyang pisngi pero nagulat sya ng bigla syang hinalikan sa pisngi ni Ivan. At lalo lang napikon si Lorraine pero hindi naman nya mailabas.
''Yun oh...sweet ni Kuya diba? Ayieh...'' pagbibiro ng bata habang pilit ngiti lamang si Alice pero totoo para kay Ivan.
''Ah...Chloe, punta ka muna sa mga playmate mo. Sunod lang kami don ng ate Alice mo huh...'' nakangiting wika ni Ivan sa harap ng bata.
''Sige kuya, sunod kayo ni Ate Alice don huh...tulungan nyo si ate magpalaro.'' Umalis patakbo si Chloe na nadagdagan ang tuwa sa pagdating ni Alice.
''Babe. What is that? Hindi parin ba alam ni Chloe?'' naiinis na tanong ni Lorraine.
''Babe...bata yun.'' Hindi alam ni Ivan kung paano ba niya ipapaliwanag kay Lorraine. Habang si Alice ay nakatungo lamang na pakiramdam niya'y siya ang naiipit sa sitwasyon.
''Pero babe...hindi tamang-''
Magdadahilan na sana si Lorraine nang biglang sisingit itong si Ivan. ''Babe...pwede bang iwan mo muna kami ni Alice. I have to explain something to her.'' Nakalapat ang kamay ni Ivan sa kanyang noo na lalong naguguluhan sa sitwasyon.
''Okay babe. Don't worry I trust you naman eh...'' May kasama pang kiss ang sinabi ni Alice sa pisngi ni Ivan bago ito umalis. Sinasadya niyang paselosin si Alice na hindi makatingin sa kanila ng diresto.
''O may sasabihin ka? Bilisan mo at gusto ko nang kumain ng spaghetti.'' Naiinis at nasasaktan si Alice sa sitwasyon na kanyang tinitiis ngayon.
''Pwede bang...pwede bang wag muna natin ipaalam sa bata'' pakiusap ni Ivan.
''E gago ka pala e, alam na ng buong pamilya mo tapos hindi pa pala alam ni Chloe. Pamilya mo rin naman si Chloe diba. Saka take note huh...hindi ako pumunta dito para makipagkita sayo at sa pamilya mong gustung-gusto si Lorraine. Pumunta ako rito para sa bata saka di ako magtatagal. Hindi ko kayang makipagplastikan sa pamilya mo lalo na sayo at kay Lorraine.'' At kahit pilit tatapangan ni Alice ang kanyang pagsasalita ay hindi makapagsinungaling ang puso niya sa mabigat na nararamdaman.
BINABASA MO ANG
"Balang Araw"
RomanceSimple lang naman para sa isang Allison 'Alice' De Vera ang kanyang hinahangad at iyon ay ang makatulog nang mahimbing. Subalit maraming mga bagay ang sumisiksik sa kanyang isipan na nagiging dahilan kung bakit hindi niya magawang makatulog. Ang pag...