Sam's POV
"Yaya umalis naba si kuya?" Tanong ko sa isa naming kasambahay habang nag aayos ako ng gamit ko.dahil ito ang first day ko bilang isang grade 11 student
"Ay opo!ma'am Sam. mga ala singko pa po umalis ang kuya niyo"
"Ah ganun ba sige"
"Kumain na po kayo dito ma'am habang mainit pa po yung niluto kong almusal niyo"
"Kumain ba si kuya bago umalis?"
"Ay nako ma'am kahit yung kape na natimpla ko hindi niya na galaw. late na daw po kase siya sa meeting niya"
"Sus nako yaya stella akala siguro ni kuya may gayuma yung kape na tinimpla mo" sabay tawa ko crush na crush niya kase si kuya matteo
"Hala ma'am grabe kayo di ko naman gagawin yun kay sir kahit patay na patay ako sa kanya nuh"
"Sige na yaya busog na ako pasabi kay manong ihanda na yung sasakyan"
"Copy ma'am"
Kaagad ko namang sinuot yung eyeglass ko.dahil sa sobrang labo na ng mata ko at ayokong gumamit ng contact lense.kaya mapakal na salamin ang gamit ko.pero di naman ako tulad ng mga nerd na nakikita niyo o nababasa niyo sa mga libro na di maayos ang pananamit o manang yung pananamit.sa totoo lang napaka arte ko sa mga damit ko at gamit ko.tsaka isa pa marunong naman akong mag ayos sa sarili ko i mean mag make up.
Bago pa man ako makasakay ng sasakyan ay may tumawag na saken.
"Sam iha sandali sasama ako"
"Manang emily naman malaki naman po ako di niyo na po kailangang sumama.tsaka isa pa diba masama pakiramdam niyo?"
Siya nga pala si manang emily siya yung nag alaga saken simula pagkabata ko sa kanya na ako lumaki dahil simula pagkabata ko ay di ko nakasama ang mga magulang ko.
"Iha pabayaan muna ako ito ang first day mo bilang grade 11 student.tsaka hindi ba ibang course ang kinuha ni trinity kaya mamayang tanghali pa ang pasok niya."
"Manang andito naman yung mga bodyguards ko di na kailangan tsaka yaya malaki na po ako"
"Hays pasaway ka talagang bata ka.sige na di na ako sasama mag iingat ka ha.kahit na sa inyo yung school alam kong wala kang ibang kakilala doon bukod kay trinity"
"Opo manang!bye manang" sabay pasok ko sa kotse.
Wala pang 30 minutes ay nasa school na ako.dahil di naman ganun kalayo ang bahay namin sa school namin. Pagkadating ko sa school grounds ay may mga studyante na nasa unahan at may hawak na malaking papel.at doon nakalagay yung mga section kaagad ko namang hinanap yung section ko
"302 B" rinig kong sabi ng isang babaeng studyante kaya napatingin ako sa kanya.
"302 B ka din?" Kaagad naman siyang napatingin saken.
"Oo eh yun din ba ang section mo?" Kaagad naman akong napatango.
"Tara hanapin na naten section naten" sabay hila niya saken.ayan ha makahila ha.
"Tara ayun na yung section naten.oo nga pala sorry kung nahila kita ah.ako nga pala si shy ikaw anung pangalan mo?"
"Ako si samantha tycho" sabay ngiti ko sa kanya.
"Parang familiar yung surname mo!saan ko ba nakita yung ganung surname?hays nakalimutan ko na.dibale maaalala ko din yun"
YOU ARE READING
When I fall in love with you
Ficção AdolescenteSamantha Tycho isang anak mayaman,medyo maldita,matapang,may sariling kotse,bodyguards at may sariling condo. Pero kahit na ganun ay may busilak pa din itong kalooban.kahit na lumaki siya na minsan lang nakakasama ang kanyang mga magulang ay hindi n...