Chapter 4

2.9K 81 21
                                    

Yashira POV,

Nandito lang kami ngayon sa canteen nakaupo, katabi ko ngayon si mondraine. Nandito din sila angel kasama namin

Biglang tumunog Ang aking cellphone kaya agaran ko itong kinuha sa aking bulsa

Number lang ang nakalagay namaalam muna ako sa kanila,at nang makalayo-layo na ako sa aming table ay agad ko itong sinagot

"Hello?"
Panimula ko pero tumawa lamang ang nasa kabilang linya

"Handa kana ba?"
Tumatawa niya pang sabi kaya naguguluhan ako

Sino ba sya?
Anong ibig niyang sabihin na handa na?

"Ano? Sino kaba?"
Naguguluhan kong tanong sa kabilang linya ngunit imbis na sagutin niya ang tanong ko ay tumatawa na naman ito kaya ng dahil sa aking inis ay pinatay ko ito

Agad na akong bumalik ngayon sa aming table at umupo sa tabi ni mondraine

"Sino yun?"
Walang ganang tanong ni mondraine sakin habang ang kanyang mga tingin ay naka fucos lamang sa kanyang pagkain

"Hindi ko din alam ehh...number lang nakalagay"
Hindi na sya nagtanong pa

Hanggang ngayon hindi pa nila alam na Kami ang pumatay kay meanieyah kasi ang alam nila ay nadisgrasya lamang siya

Nag transfer ako sa weighn college university para makita at makasama ko lage si mondraine...Ang kursong kinuha ko ay nursing.
At 4th year college na ako..
Pagod akong lagi na umuwi sa bahay dahil minsan ay may mga lab activities kami at minsan namay Juty para ma practice daw kami

Alam ko na ampon lamang si meanieyah kasi sinabi ito sakin nila mama at papa bago nila pinapatay si meanieyah

Sabi ni papa si meanieyah daw ang anak ng kanyang kalaban na si lexandro, kinwento sakin ni papa kung sino si lexandro

LUMIPAS ang ilang araw at busy lang ako sa aking pag-aaral

"Hi dad---hi mom"
Magiliw kong Bati sa kanila nang makauwi na ako galing school

"Hello din anak"
Nakangiting saad ni mama

Ngumiti lang din si papa sakin

"Magpalit ka muna ng damit mo ng makapagkain na tayo"
Saad ni mama habang patuloy na naghahain ng pagkain,tinulungan niya kasi si manang sa paghahain

Kaya tumango lamang ako at agad akong tumakbo sa hagdan at nang tuluyan na akong nakaakyat sa aking kwarto ay biglang nag vibrate ang aking hawak na cellphone kaya tinignan ko ito,ito yung number na tumawag sakin kanina

Kaya binasa ko ito

'Bumalik na ako sa pilipinas, handa kana ba?'

Sino kaba talaga?

Nilagay ko nalang ang aking phone sa kama at nagsimula nang magpalit ng damit

Marami nang tanong na gumugulo sa aking isip

Kumakain lamang ako ngayon na lutang

"Anak,are you okay? Is there something bothering you?"
Nag-aalalang tanong sakin ni mama at umiling lamang ako bilang sagot

Sinimulan na akong kabahan sa di malamang dahilan

Tahimik lamang kaming kumakain

At nang matapos na ay humiga agad ako sa aking kama habang nakatutok lang ang aking paningin sa aking cellphone na hawak

The COLD'S GIRL REVENGE (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon