Chapter 10

40.5K 751 178
                                    

Chapter 10: Fiesta

"Ito siya, Sir..."

Napatingin ako kay Dads na may katabing nakapormal na suit. Napalinga ako sa kaniyang gilid ngunit wala siyang ibang kasama.

"Salamat."

"You're welcome, Sir." hindi maibahala ang malagkit na tingin ni Dads at kumindat pa sa akin bago umalis.

"Ikaw po iyong driver ni Mr. Rodriguez, diba?"

Ngumiti siya at naglahad ng kamay sa akin. "I'm John, Miss Stella."

Tinanggap ko iyon. Nilahad niya sa akin ang isang malaking square na box. Kumurap kurap ako at tumingin muli sa kanya.

"Pinabigay ni Mr. Rodriguez, Miss Stella."

"Saan po pala siya?"

Umayos siya ng tayo saka nilagay ang box sa lamesa.

"I'm just instructed to deliver your snacks, Miss."

Umawang ang labi ko at napatingin sa box. Tumango ako at ngumiti muli. "Pakisabi sa kanya, salamat."

Tipid siyang tumango. "Tutulak na ako, Miss Stella." pormal pa rin niyang sinabi.

Kuryoso kong binuksan ang box pagkaalis niya. Puno iyon ng sweets, donuts at may nakasquare na strawberry cake sa isang clear na lalagyan. Nilabas ko iyon at dinala ang donuts sa counter.

Nag uusap sila tungkol sa isang pasyente at nagtatawanan habang lumalapit ako.

"Sa inyo ito." nakangiti kong sambit.

Agad dumalo si Dads at binuksan iyon. Namilog ang mata niya sa tuwa.

"Bigay ito noong lalaking guwapo?"

Dumaing si Annie at humalakhak si George.

"Guwapo naman ang paningin mo sa lahat ng lalaki, Dads." panunuya ni Annie habang kumukuha ng isang piraso.

Naroon rin ang mga regular na Nurse at sumali sa konting snacks.

"Grabe ka, Ann. Guwapo talaga iyon! Naku, sana nakita mo."

Inirapan lamang siya ng Annie.

"Ikaw, Stella." aya ni Vina.

"Mayroon akong tinabi roon," tanggi ko.

Pareho kaming bumaling sa taong pumasok sa bulwagan. Halos nabilaukan si Dads at natapon ang kinakain.

Diretsong nakatingin si Bruce sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. Binati siya ng iilang kakilala roon ngunit ang kinagulat ko ay ang marahas niyang paghablot sa aking palapulsuhan.

"Uy, saan mo siya dadalhin?!" sigaw ni Dads.

Hinila niya ako palabas ng ospital at huminto lamang sa gilid ng nakatayong halaman. Inayos niya ang kanyang salamin bago tumingin muli sa akin tila nagpipigil.

"Bruce..." nalilito kong sambit. "You can't just drag me like that!" medyo galit kong sinabi.

"Sino ang lalaking iyon, Stella? Bakit ka sumama sa kanya kagabi?" mabilisan niyang sinabi sa mataas na boses.

Nanlaki ang mata ko sa gulat.

Sinubukan kong kumalma. "Hindi kita naiintindihan, Bruce."

Bumuga siya ng hangin at inayos muli ang kanyang salamin.

"May kasama kang lalaki kagabi, Stella. Ka anu-ano mo iyon?" galit niyang tanong.

"Kasama ko sila, Angie at Tala pauwi, Bruce. Kung ano man iyan ang nakikita mo, si Ruben iyon." malamig kong usal.

Bear In Mind (A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon