Chapter 26 : Meet Up
Lovina's Point of View
Nandito na ako ngayon, nakaupo sa isang batong upuan sa harap ng mga batang naglalaro ng habul-habulan paikot sa fountain. Hinihintay ko si Ronnie, 7 pa usapan namin pero 6:30 pm palang ay nandito na ako. Hindi ko alam kung bakit pero pagdating sa kaniya gusto kong pumunta nang mas maaga. Ayoko kasing paghintayin siya, lalo na't madami naman siyang nagawang kabutihan sa akin.
Pero naiinis pa din ako sa pagiging dedma niya kanina.
Shhh Lovina tigil na, baka may problema lang yung tao. Pag-aawat naman ng isang side ng utak ko sa mapang-aping side ng isa ko pang utak.
"Mababaliw kaya ako sa mundong to? " tanong ko sa sarili ko, "Lagi ko na ngang inaaway yung isang side ng isip ko, nagsasalita pa akong mag-isa ..." dagdag ko pa habang tinitingnan ang paa ko.
Naka tsinelas lang ako, shorts na puti at black na t-shirt. Naka tali din ang buhok ko sa likod at slingbag na puti lang ang dala ko ngayon.
Bakit kaya niya ako pinapunta dito?
"Baka hindi lang ako ang pinapunta niya dito, baka may kasama siya ..." mahinang sambit ko pa sa sarili.
Napatingin ako sa relo at eksaktong alas siyete na ng gabi. Luminga linga ako sa paligid at hinanap ang presensya niya ngunit wala akong maramdaman ni isa.
Nandito na kaya siya?
Tumayo na ako dahil medyo umiinit na yung pang-upo ko sa kakaupo. Kinuha ko na din ang cellphone ko sa bag at dinial ang number ni Ronnie.
"Bakit ba hindi niya sinasagot." Medyo naiiritang usal ko, triny ko ulit na idial ang number niya sa ikatlong pagkakataon.
"Miss. Hold up to."
Nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi ng taong pilit sinisiksik ang sarili sa gilid ko. Ramdam ko din ang isang bagay na nakatutok sa gilid ng tiyan ko at kung hindi ako nagkakamali may hawak siya ngayong kutsilyo!
"Hello? Bianca where are you?" Rinig kong boses ni Ronnie sa phone. Shocks! Ongoing na yung tawag.
"Ibigay mo nalang yung pera at mga gamit mo miss para hindi ka na masaktan." Dagdag pa ng holdapper, he's wearing a leather jacket, black cap and a mask.
"Hey!? Who's that? Nasan ka ba? Bianca? Ayos ka lang ba?" Sambit uli ni Ronnie sa phone
Napatingin ako sa paligid at wala masyadong ilaw sa parteng ito. Kaya hindi masyadong napapansin ang mga bagay na nangyayari ngayon dito.
"Akin na yang bag mo." Kinuha naman ng lalaki yung bag ko at hindi naman ako nag dalawang isip ibigay. Tumingin siya sa akin at dumiretso ang tingin niya sa hawak kong cellphone. "Pati yang cellphone." Akma niyang kukunin ang hawak kong cellphone nang matigilan siya sa boses na nagsalita.
"Dare to touch my wife's hand and swear you'll be buried this night."
Tumaas ang balahibo ko sa tono ng boses ng taong iyon. Malamig at nakakatakot pakinggan para sa katulad kong babaeng walang kalaban laban.
Lilingon palang sana itong holdapper na 'to nang biglang bumagsak siya sa sahig! "Ahhhhh!!!" Tili ko sa gulat at pagkabigla sa mga nangyayari
BINABASA MO ANG
Lockdown in Artworld (Ongoing)
FantasyLockdown in Artworld : Ongoing Lovina Nicolas is a great artist. She loves to draw so much and she expressed her world through arts. She says that everything is perfect when she's facing her artwork. One day a magical book exist in her life. This b...