(NOTE: BE SURE! READ THE FIRST BOOK BEFORE READING IT'S SEQUEL. ENTITLED: THE POSSESSION: YOU'RE MINE)
SOMEONE'S P.O.V
Pagbukas ng mga mata ko ay puro kisame ang unang nakita ng paningin ko.
Nasaan ako?
Anong nangyari?
Sinubukan kong bumangon pero napangiwi rin ako agad at napasapo ng ulo dahil sa sobrang sakit ng ulo. Damn. Parang nauntog ng ilang beses sa sakit.
"You're awake."
Napalingon ako sa may pinto nang marinig ko ang nagsalita mula roon. Hindi ko rin napansin ang pagbukas nun.
Isang lalaki ang pumasok.
"S-sino ka?" Tanong ko.
Pero napakunot rin ako agad nang makita ko ang ngiting sumilay sa mga labi nia.
"I'm Jacob." Sagot nia.
Jacob? Sino siya? Kaano ano ko siya?
"Anong nangyari?" Tanong ko ulit.
"Pero teka...s-sino ako? B- bakit wala akong maalala?" Kinakabahang dugtong ko.
"Wala kang maalala?" Tanong nia kaya umiling lang ako.
"Let me refresh your memory. You're Earl and you came from an accident. Car accident at nacomma ka ng 2 years." Sagot nia. "And i think, you're experiencing now an amnesia because of the severe head injury you get."
Car accident? Comma?
Hindi to maari.
Napatakip ako ng mukha dahil biglang bumigat ang dibdib ko at hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.
"Hindi..hindi to maaari."
Napahagulgol na ako sa sobrang takot at kaba na dahil sa nangyaring ito sa akin ay magbabago ang lahat.
Hindi ko na alam kung ano pang kahihinatnan ng buhay ko dahil sa aksidenteng yun.
Lumapit agad ang lalaki sakin at binigyan ng gamot at tubig.
"Uminom ka na muna ng gamot."
Agad kong ininom ang gamot at pagkalipas ng ilang sandali ay naramdaman kong naging kalmado na ang isip at puso ko.
"Magpahinga ka na muna. Mamaya na tayo mag usap." sabi pa nito bago inayos ang kumot ko at tuluyang lumabas ng kwarto.
Sana maalala ko rin lahat lahat. Lahat ng nangyari sakin sa nakaraan. Ayokong humantong sa ganito. Ayokong pati ang buo kong pagkatao ay makakalimutan ko.
Nakaramdam ako ng antok at napapikit na lang bigla.
At nilamon na lang ako ng kadiliman.
...
~•~
Lucas/ Jacob's P.O.VPagkalabas ko ng kwarto ni Vince ay isang ngisi ang lumabas sa bibig ko.
Lumabas ako ng bahay at saktong inilalabas na ng mga guards ang ilang gamit nina Stephen at Keith. At inilalagay na nila sa kotse.
"Lucas, we need to go."
Napalingon ako sa likuran ko at nakita kong si Keith yun habang buhat buhat si Stephen na walang malay at pansin ang ilang pasa nito sa katawan na unti unti nang naghihilom.
"Sige. Pero siguraduhin mo lang na hindi na yan makakalapit pa kay Vince. Ilayo mo sya sa kanya. Kung saan pati anino nia ay hindi na nia mahaligap pa." sagot ko sa kanya na tumango lang sakin bago sumakay sa kotse na papunta sa tabing dagat.
Doon naghihintay ang private plane na pagmamay ari ko na gagamitin nila pabalik ng Pilipinas.
Sinundan ko ng tingin ang papalayong sasakyan hanggang sa tuluyan na ngang nawala sa pangingin ko.
Inilabas ko ang telepono ko at tinawagan ang private lawyer ko.
"Taposna ba ang pinapagawa ko?" tanong ko nang sagutin nia ang tawag ko.
"Yes sir. Everythings fine. I'll send you the contract now." sagot nia na ikinangiti ko.
"Ok. Thank you, Mr. Santiago."
"You're welcome, Mr. De Vega." sagot naman nia bago ko pinatay ang tawag.
*devilish smile*
Malapit nang maging ganap na akin si Vince. Wala nang pwedeng makasira pa sa amin.
Wala na.
Muli akong pumasok sa kwarto kung saan nakatulog si Vince..
..Na ngayon ay si Earl na na.
Siya na ngayon ang si Earl. Si Vince ay patay na at ayoko nang ipaalala pa ang lahat ng nangyari sa nakaraan nia.
Gagawa ako ng bagong mundo, bagong alaala na kung saan ang nasa isip nia lang ay siya si Earl at ako si Jacob.
***
BINABASA MO ANG
THE OBSESSION: I'M YOURS - SEQUEL OF TP:YM [COMPLETED]
Random[UNEDITED] I'm now content. I'm now free. After three years, my agony from the past is over, from the hands of the one who owned me and made me his world. I am aware that love is painful. I once again embraced him because of his justifications. But...