Kabanata 21
Go
"Eve, tapos ka na sa designs mo?" Bianca asked me.
Tumango naman ako na siyang ikinanguso niya. Nandito kami ngayon sa cafeteria, nagpapalipas ng vacant time. Halos dalawang linggo na rin akong nag-aaral at siya ang una kong naging kaclose sa klase namin.
"Hindi mo pa ba tapos yung sayo?" tanong ko naman pabalik.
"Hindi pa. Pagod na ang kamay ko saka nahihirapan talaga akong tapusin," sagot niya at bigla na lang siyang tumitig sa kawalan.
Napasandal na lang tuloy ako sa kinauupuan ko at napapatitig na lang din ako sa kawalan. Medyo mahirap nga yung pinapagawa sa amin dahil halos dalawang araw na rin akong walang tulog para lang matapos 'yon.
"Inom na lang kaya tayo bukas?" aya niya naman bigla na ikinataas ng kilay ko.
"Tapusin mo na lang ang design mo," sagot ko naman na mas ikinanguso niya.
"Huwag na, babagsak din naman," biro niya kaya't napailing na lang ako.
Ilang minuto pa kaming nag-usap hanggang sa bumalik na kami sa classroom at saktong pagkaupo namin sa bandang likuran ay dumating narin naman na si Arch. Bendiola.
"Ayoko na talagang mag-aral," reklamo tuloy kaagad ni Bianca pero bandang huli'y nanahimik na lang din siya dahil magsisimula na ang klase.
She really loves to complain, but I know, she will not give up her dream just because she's tired. Magrereklamo pero hindi susuko.
Mabilis na lumipas ang oras at natapos din naman kaagad ang mga klase namin.
"Eve, una na ako. Nandiyan na kasi si Daddy sa baba," nagmamadaling paalam ni Bianca na ikinatango ko naman kaagad.
"Okay lang. Ingat kayo," nakangiti ko namang sagot.
"Ikaw din! Ingat ka ha," sambit niya pa bago siya tuluyang umalis.
Mukhang may pupuntahan siguro sila. Naalala ko tuloy na ganiyan din ako dati kapag bigla akong sinundo ni Daddy sa school noong nasa Australia pa ako.
Teka nga, uuwi na nga lang din ako. Kung ano-ano na naman ang mga naaalala ko.
Pagkalabas ko nang classroom ay kaagad na rin akong bumaba ng building at dumiretso na ako sa parking lot. Tatawagan ko pa lang sana si Azriel pero ibinaba ko na lang din ang cellphone ko dahil hindi na kailangan. Natanaw ko na ang itim niyang Mercedes Maybach kaya naglakad na ako papunta doon ngunit nang nasa harap na ako ng kotse ay natigilan ako nang makita ko kung sino yung bumaba sa driver seat.
"Where's Azriel?" tanong ko kaagad kay Creed.