Kabanata 38

383 18 8
                                    

PORTIA'S POV

Susubukan kong kausapin si estevan ngayon

Buong gabi kong pinaghandaan ang mga sasabihin ko sakaniya

Nagtungo akong Front Desk at hinihintay kong bumaba si estevan

Pag-tingin ko sa elevator hindi si estevan ang bumungad sa akin kundi si cora

Seryoso ang kaniyang mukha habang papalapit sa akin

"Hi portia", ngumiti siya sa'kin

"Hi", tugon ko

"Can I grab you for a minute?", tanong niya sa akin

"Sure", sagot ko

Habang sumusunod ako sakaniya sa paglalakad ang dami ko nang iniisip sa utak ko

Kung bakit niya ako gustong kausapin?

Para saan?

Huminto siya sa café at pumasok sa loob, sinundan ko naman siya at umupo kami sa isang table

Magkaharap kaming dalawa at tumitig siya ng seryoso sa akin

"Sorry nadistorbo kita ulit ngayon",natatawa niyang sinabi

"Okay lang,pero may kailangan ka ba?", tanong ko

"Yes", sagot niya

"Ano yun?",tumaas ang kilay ko

"Everything that I want you to say is the truth", seryoso ang mukha niya habang humihigop ng kape

Lalo akong naguluhan kaya hindi ako umimik,tumaas lalo ang isa kong kilay at humigop ng kape

"It's all about estevan", sambit niya

"What is it?",seryoso kong tinanong sakaniya

"May nakaraan ba kayo ni estevan", tinitigan niya ako sa aking mata

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Papaano?

Bakit parang may ideya siya sa nakaraan namin ni estevan?

Hindi ko alam ang isasagot ko,napalunok ako at sumagot

"We became friends before...",tumingin ako sakaniya at hindi ko namalayan na naluluha na ako

"Palagi niya akong inaasar,pinipikon,at binabadtrip pero kapag hindi niya nagagawa iyon sa isang araw malungkot ako...", ngumiti ako kay cora habang naluluha ang aking mata,kitang kita ko sa mukha niya ang pagkagulat

"Nag-mahal ako dati at hindi pinalad ang naging takbo ng istorya ng first love ko,natakot ako kasi baka masaktan ulit ako,gaguhin ulit,na-trauma ako eh.Nagkamabutihan kami ni estevan,palagi siyang andiyan para sa akin....",tuloy tuloy pa din ang pagbagsak ng aking luha.Kumukunot na ang noo ni cora at nakikita ko na din ang luha sakaniyang mga mata

"Minahal ko si estevan at hanggang ngayon nasa puso ko pa din siya cora.Sobrang pinagsisihan ko yung naging desisyon ko dati,kasi pinakawalan ko siya at hinayaang umuwi ng Amerika.Tinanong niya ako eh,tinanong niya ako cora kung may nararamdaman din ba ako sakaniya,pero dahil duwag ako noon.........tinanggi ko",umiiyak na ako sa harap niya at nakita kong tumulo na din ang kaniyang luha

"At pagkatapos nun umuwi na siya ng Amerika?", tanong niya

Tumango ako

"Cora ang sakit sa akin noong malaman kong ikakasal na siya sayo.Parang isang bangungot sa akin ang lahat.Unti unti akong nadudurog sa sakit at sa panghihinayang.Buong anim na taon sinisise ko lang ang sarili ko,na sana pinigilan ko siya", humagulgol na ako sa harap niya

Wala na akong pake kung meron mang makarinig sa iyak ko,sobrang sakit

Ngayon ko lang nalabas lahat ng sakit sa puso ko na matagal ko ng tinatago

"I'm sorry", sambit ni cora at napatingin ako sakaniya

Lumuluha ang kaniyang mga mata habang nangangatog ang kaniyang mga kamay

"Ako pala ang hadlang sa pag-iibigan niyo portia.Shit,ang sakit sakit", umiyak na siya sa harapan ko at napatigil ako sa pag-iyak

"No cora,huwag mong sabihin yan.Alam ko naman sa sarili kong ikaw na ang mahal ni estevan",paliwanag ko sakaniya

Pinunasan niya ang luha niya at ngumiti sa akin

"Nagkakamali ka portia.Lasing na lasing siya kagabi kaya sinundo ko siya sa bar.Ako portia sumundo sakaniya,pero pangalan mo ang binibigkas niya",naluha ulit siya bigla at patuloy na umiyak

"H-hindi ko maintindihan,anong ibig mong sabihin?", naguguluhan kong tanong

"Sa tingin ko mahal ka pa din ni estevan,at sino ba ako para maging hadlang.Mas nauna ka pero ako ang binigyan ng singsing,mas deserve mong suotin ito", hinubad niya ang singsing na nasa daliri niya at nilapag sa lamesa

"Bakit cora?", naguguluhan pa din ako sa ginagawa niya

"Nagpapaubaya ako portia.Icacancel ko na ang wedding namin dahil bukas uuwi na ako ng Amerika", sambit niya

"Cora", mahina kong sinabi

"Hindi mo ako kailangang kaawaan portia.Alagaan mo si estevan ha,ngayon gawin mo na ang bagay na hindi mo nagawa noon.Thank you", sambit niya at tumayo para umalis

"Cora!", tawag ko sakaniya

Lumingon naman siya at ngumiti ako

"Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin pero gusto kong mag-pasalamat, sobrang salamat", tumulo ang luha ko at ngumiti lang siya bilang tugon sa sinabi ko

Hindi ko alam ang gagawin ko,medyo naguguluhan pa ako

Kailangan kong puntahan si estevan

Hindi ko alam kung nasaan siya,kailangan ko na siyang makausap ngayon din.

Never Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon