Kabanata 39

345 16 1
                                    

Hindi ako nakabalik sa trabaho ko kahapon dahil buong araw kong hinanap si estevan.

Wala siya sa room niya at hindi ko alam kung saan siya nagpunta

Ngayon na ang flight ni cora at hindi ko alam kung anong oras,meron pa ding awa sa puso ko para sakaniya

Kailangan kong makita si estevan,kailangan kong malaman kung ako pa ba ang mahal niya

Hindi ako pumasok sa trabaho ngayon dahil kailangan ko siyang hanapin

Hindi ko alam kung saan ko siya matatagpuan pero nag baka sakali ako sa isang lugar

Kung saan niya ako dinala dati

Sa secret place namin

Agad akong nagtungo dito at hindi ko namalayan na hindi na masiyadong madamo sa lugar na ito

Pumunta ako sa pinaka-dulo at napangiti ako bigla

Andito ka nga.

"Estevan!", sigaw ko sakaniya sa malayo

Napatingin naman siya sa akin at agad na ngumiti

Tumakbo ako papunta sakaniya,naalala ko ang ganitong eksena dati, kung saan tumatakbo ako papunta sakaniya at niyakap ko siya bigla,pero hindi ko ginawa ngayon

"A-anong ginagawa mo dito?", nagtataka niyang tanong

"Ikaw lang ba ang pwedeng pumunta dito?", pagtataray ko sakaniya

"Sabagay", napangiti siya bigla

"Estevan", mahina kong sinabi

"Hmm?", sabay tingin niya sa akin

Pagkaharap niya sa akin ay hinalikan ko siya bigla

Niyakap ko siya at ipinikit ang aking mga mata

Halik na sakaniya ko lang gusto maramdaman matagal na

Nagulat nalang ako ng bigla siyang umatras at tinulak ako palayo

"Portia,anong ginagawa mo?", mataas na tono niyang tinanong

"B-bakit estevan?", nagtataka kong tanong

"Portia may fiancée ako", galit na galit niyang sinabi

Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi at naluha ako bigla

"Estevan anim na taon akong nag-hintay sayo!", sigaw ko sakaniya

"Ano!?", sigaw niya din sa akin

"Hinintay kita estevan,tangina araw araw sa loob ng anim na taon ikaw ang laman ng puso ko", naiiyak kong sinabi

"Anong pinagsasabi mo portia?", nagtataka niyang tanong

"Estevan mahal kita", mahina kong sinabi habang humahagulgol sa harap niya

Natulala lang siya sa harap ko kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita

"Naalala mo yung araw na tinanong mo ako kung may nararamdaman ako para sayo?, estevan meron", umiiyak kong sinabi sakaniya

Humawak ako sa aking dibdib dahil hindi ko makayanan ang sakit

"Bakit ngayon mo sinasabi sa akin yan portia? ilang taon na ang nakalipas", hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko

"Naging duwag ako noon este---", hindi ko naipagpatuloy ang sinabi ko dahil nagsalita siya bigla

"Oo duwag ka!,nagmakaawa ako sayo dati portia.Ilang ulit kong sinabi na hindi ako tulad ng ibang lalaki na sasaktan ka pero nagmatigas ka", naluluha niyang sinabi

Never Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon