It was October 19,2014 midnight ng una tayong magkita.
Fiesta sa amin at may disco Kaya dumayo kayo ng iyong mga barkada.
Ang kapatid ko sayo ay unang nakakita.
Sabi niya ate ang gwapo ooh, tingnan mo pa.
Sabi ko Oo nga sabay tili pa naming dalawa.
Oo talagang gwapo ka.
At ang ilong mo talagang ang tangos pa.
Pagkatapos nun, Wala na.
Hindi na ako sumisilip sa gawi ninyo ng iyong barkada.
Dahil sabi ko sayo ako ay walang pag-asa.
Kaya napagpasyahan naming bumaba na.
Pag lingon ko bumaba din Kayo ng iyong mga barkada.
Ang feeling ko pa nun, sabi ko sa isipan ko ako ay sinusundan mo ata.
Pero enirase ko yun kasi sino naman ako para magustuhan mo diba?
Kaya pumunta kami sa gitna.
Sumasayaw ako ng bigla kitang nakita.
Napatili talaga ako bigla.
Ang gwapo mo kasi talaga.
Lumapit ka sa kaibigan naming bakla.
Sabi ko ang swerte ni Macky kilala siya.
May binulong ka sa kanya.
Tapos sabi ni Macky gusto makipagkilala ng kasama mo sa kapatid ko pala.
Akala ko pa naman sa akin mo gustong makipagkilala.
Ang assuming ko talaga.
Tapos iyong kaibigan mo sa kapatid ko ay lumapit na.
Kilig na kilig ako para sa kanila.
Tapos nakatayo ka lang talaga.
Sabi ko sumayaw ka.
Sayang ang binayad mong pera.
Sabi mo naman sa panunuod sa amin natutuwa ka na.
Kaya ginanahan talaga akong sumayaw para matuwa ka.
Napapansin ko sa akin ay pasulyap-sulyap ka pa.
Naiisip ko tuloy sa akin ay talagang may gusto ka.
Tapos maya-maya nag paalam kayo na uuwi na.
Nalungkot ako bigla.
Ang energy ko nawala.
Kaya inisip ko nalang hindi tayo ang tadhana.
Kaya kinalimutan nalang kita.
Kaso mapagbiro ang tadhana.
Kakalimutan na nga kita Diba?
Kaso kayo ay bumalik talaga.
Nakakatawa Diba?
Lumapit uli kayo samin ng barkada.
Tapos may iba na kayong kasama.
Classmate ng kapatid ko pala.
Nakakatuwa siya.
Tapos ang Arte pa.
Sabi ko bakla to panigurado talaga.