"Ang tunay na maganda ay may mabuting kalooban" tama nga naman, pero sa panahon ngayon? sino niloloko mo ?? sa panahon ngayon looks na ang mahalaga, pag pangit ka itsapwera ka masakit man pero yun ang totoo. AMININ
Sa pagtanggap pa nga lang ng empleyado lamang na ang may itsura eh pano kung nakasabay mo ay beauty and brain itsapwera ka, lumabas ka na dahil siguradong di ka matatanggap maliban nalang kung may maganda kang personality na kagaya ni Maya sa be careful with my heart, yung tipong marunong kang sagutin yung nag iinterview sayo na tatagos sa kanilang puso at mapapahanga mo sila.
Nandito ang librong ito upang matulungan kayo sa pagpapaunlad ng inyong sarili hindi lamang mentally, emotionally kundi pati na rin physically.
Tandaan, naranasan ko kung ano man ang nararanasan nyo kaya wag kayong mahiyang manghingi sa akin ng payo, lalo na kung pagdating sa pimples na may motto na "we dont die, we multiply" at pati na rin sa pagpapakinis at pagpapaputi ng kutis.
Short Briefing About Myself
Bata pa lang sanay na ako na pinupuri dahil sa itsura ko at dahil na rin matalino ako(di ako nagyayabang). Pero nagbago yun simula ng mapabayaan ko ang aking sarili, bumaba ang self confidence ko at nahihiya na akong humarap sa mga tao. Bakit ? kasi natatakot akong sabihin nila na "ANONG NANGYARI SA YO ? BAKIT ANG PANGIT MO NA ?" which is pakiramdam kong totoo naman. Matagal akong naghanap ng lunas para mapaganda uli ang aking sarili, nasubukan ko ng gumamit ng mga mamahaling produkto na di umeepekto(di naman ganun kamahal duh ? hindi ako mayaman) at nasubukan ko na rin ang natural na paraan. Hanggang sa unti unti ng bumalik sa akin yung tiwala sa sarili ko siguro hindi pa ri kagaya ng dati pero atleast di na ako super down ngayon na yung tipong ayaw ko lumabas ng bahay dahil sasabihin ng mga kababata ko "ANO YANG NASA NOO MO ? PIGSA! HAHAHAHA" nakakasakit kaya ng damdamin yun at nakakababa ng selfesteem. Kaya kung may kakilala kayo na sabihin nating di kaaya aya ang itsura ay wag nalang pansinin sa halip ay tulungan nalang ito na mapa unlad ang sarili. Naranasan ko na ring sabihan ng mga pinsan ko na "ANONG NANGYARI SAYO BAKIT ANG ITIM MO NA ?" " TINITIGYAWAT KA AH INLOVE KA KANINO ? ANDAMI NAMAN NYAN ANG LANDI MO? HAHA" PESTE!!! pag tinitigyawat inlove agad ? pag marami ang tigyawat marami din ang lalaki ?? pero syempre hindi ako nakasagot nun kasi nahihiya ako humarap sa kanila kasi dinadown nila ako. Pero nagsikap ako na mabalik sa dati kaya heto isshare ko sa inyo ang aking karanasan.
BINABASA MO ANG
Diary ng Babae
Teen FictionLook like a Girl, Act like a Lady, Think like a Man, Work like a Boss