Kabanata 2

2.8K 90 8
                                    

Yeah, you can be the greatest
You can be the best
You can be the King Kong banging on your chest



You can beat the world
You can beat the war
You can talk to God, go banging on his door



You can throw your hands up
You can beat the clock "(yeah)"
You can move a mountain
You can break rocks
You can be a master
Don't wait for luck
Dedicate yourself and you gon' find yourself



Standing in the hall of fame "(yeah)"
And the world's gonna know your name "(yeah)"
'Cause you burn with the brightest flame "(yeah)"
And the world's gonna know your name "(yeah)"
And you'll be on the walls of the hall of fame.



Yung puro 'yeah' lang ang kaya kong sabayan habang pinapakinggan ko yung kanta gamit ang earphones ko. Wala e, I have no time to memorize such when I only tend to focus on my studies. Chos! May 69 nga ako remember?



Im on my way to the cafeteria, katatapos lang ng 3 hours na klase ko ngayung umaga.



"Xie! Sama ka saamin mamaya? Nood kami ng laban ng Univ natin, basketball sa Coli." si Cindy, matalik na kaaway ng pinsan kong si Cleya. Ewan ko ba kung anong pinag mulan ng away nila.



"Pass muna ako, may date ako e." tapos pinakita ko sakanya yung dala kong tatlong makakapal na libro.



"Sus, di ka na makakapag boyfriend niyan sa sipag mong mag aral." biro niya kaya nagsitawanan yung mga kasama niyang nakaupo sa bench malapit sa cafeteria.



Little do they know that I got 69 on my prelims. Sipag ha! Ano yun?



Pag pasok ko sa cafeteria , dumeretso agad ako sa sa pila. Dahil malapit naman na ang lunch time, rice with ulam nalang din ang ni- order ko.



Kaso nung iaabot na saakin nung nagbabantay yung pagkain ko di ko alam kung papaano kuhanin dahil halos makalimimutan kong may libro nga pala akong hawak.



"Ate, balikan ko nalang. Wait po." tatalikod na sana ako pero may kumuha nung tray ng foods ko sa kamay ni ate.



"No need, go find a vacant table for two." Halaaa, pusangama.



"Ah, a-ano kasi. Sige wait, maghahanap na po." taranta akong naghanap ng bakanteng mesa. Nung may nakita ako sa bandang dulo, malapit sa glass wall, doon ako dumeretso.



Pag upo na pag upo, tiningnan ko siya habang nagbabayad sa cashier. Isang tray lang hawak niya kaya ibig sabihin doon nalang din niya nilagay yung foods niya.



Shet! Nanlalamig kamay ko. Try mo kayang mapunta sa sitwasyon ko ngayun. Hindi ko mawari kung kaba ba ito o kilig. Bakit parang ang bait ng tadhana, grasya na ang lumalapit saakin.




Dahil table for two nga lang ito, magkatapat ang upuan namin.



"How was your quiz the other day?" Wala manlang bang 'babe, how are u?" chaar!



"Pumasa naman kuya, kahit papaano. Ah, salamat nga pala sayo ha. Dun sa binigay mo saakin nung araw na yon."




"What's the score you got?" tay, ikaw ba yan?



"20. Hehe"



"Out of?" pusangama! Nakakahiya.




"35. Hehe" aba atleast sobra pa sa kalahati.




"Why is that?" ha?



"Anong 'why is that'?" Di ko ma gets kung anong tinatanong e.



"Ang tanong ko, bakit yun lang nakuha mo?" marunog naman pala managalog e.



"Nakalimutan ko yung formula doon sa unang tanong. Kaya pati yung pangalawa at pangatlo sa problems, hindi ko na din nasagot, pero perfect ko naman yung theories." mahina kong sagot dahil para siya si nanay mag tanong. Nakakatakot.



Hindi kita mother, future husband kita uy!
Yan yung gusto kong sabihin sakanya. Huhu.



"You should focus more on...." di niya natapos yung sasabihin niya ng may tumawag sa pangalan niya. Napatingin kami doon.



Sa pagkakaalam ko, mga graduating students din tong mga ito dito sa college namin.



"Ice, men! Sa wakas! Binata ka na Guillermo!" Sinabi yun nung lalaking pinakamatangkad sa grupo.



"Kaya pala nag apurang umalis after class." Sabi naman nung babaeng maganda. Kaya nag sitawana sila.



"Get lost!" yun lang isinagaw ni Ice pagkatapos ay pumila na sila.



"Friends mo?" curious kong tanong.



"Yeah."



"Hmmm." nag hum nalang ako kasi di ko alam isasagot. Tapos naalala ko yung panyo. " Ito na pala yung panyo mo."



Iaabot ko na sakanya, pero di niya yun kinuha sa kamay ko. Habang nasa ere pa rin yun at nangangalay na, nakuha niya pang magtanong.



"What time is your vacant tomorrow?"


"Thursday bukas, kaya wala akong pasok. Bakit?"



"Go to the city library tomorrow, doon mo ibalik saakin yang panyo. Dalhin mo din yung books mo na nahihirapan kang aralin. I'll be there at 8. Finished your foods, una na ako."



Sa haba ng sinabi niya, hindi agad yun na pick up ng utak ko kaya hindi manlang ako nakapag paalam sakanya.



Kahit di ko pa ubos pagkain ko. Lumabas na ako sa cafeteria at tahimik na pumunta sa school garden. Buti walang tao.



"Waaaaaaaaaaaaaaaaah! Oh my gosh! Oh my gosh! Dream come true na ituuuu! Icy babe! Huhu akala ko hanggang tingin nalang ako habang buhay"



At doon ko nilabas yung kilig na kanina ko pa pinipigilan. Impit akong nagsisigaw don habang pinagpapadyak pa yung paa ko sa damuhan.



Natigil lang ako sa ginagawa ko nung may dumaang isang utility staff. Nakakunot ang noo nitong tinitingnan ako.



"Sorry po" yung lang sinabi ko at umalis na doon.



Shet, hindi na nawala ngiti ko habang naglalakad pabalik sa building namin.



Ito na ba yooon?!








_______
Happy reading!

ICE GUILLERMO [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon