AGAD akong napabalikwas ng bangon at inis na napahilamos sa mukha. Ramdam ko pa ang tagaktak ng pawis na mula sa noo ko.
"You're a mess." Gulat na napatingin ako sa may pintuan at agad ding nakabawi.
"Yeah right."
Tinatamad na inihiga ko na lang muli ang aking katawan sa kama. Ramdam ko pa ang paglapit at pagtitig nito sa akin.
"Anong kailangan mo?" tanong ko na hindi man lang tumitingin dito. Wala talaga ako sa mood lalo na't napapadalas na talaga ang panaginip na iyon.
"Nothin', masama bang bumisita dahil miss na kita?" Rinig ko pa ang pagtawa nito na lalong ikinainis ko.
"Pwede ba Nathan? Kung maghahasik ka ng lagim, doon ka sa malayo sa akin dahil tatadyakan talaga kita."
Hindi naman ito sumagot at tumawa pa ng mas malakas na ani mo'y lalong nang-aasar. Talagang tatamaan ito sa akin!
Inis na umupo ako at sinamaan ito ng tingin. "Aalis ka o aalis ka?" Itinuro ko pa ang direksiyon kung nasaan ang pinto.
Napanguso ito at padabog na pumunta sa pintuan. Napabuntong-hininga naman ako kasi lalabas na ito nang tumigil ito at lumingon sa akin.
"May tanong ako." Bumalik na naman sa pagkakakunot ang noo.
"Ask."
"Is it the same person?" I stilled. "So it is."
Napatitig na lang ako sa pinto na nilabasan nito. Dahil sa tanong niya ay bumalik na naman sa isipan ko ang tungkol sa babaeng iyon.
Napasabunot ako sa sariling buhok dahil sa iniisip "Kailan niya ba ako titigilan?"
"Kapag siguro nakita mo na siya."
"Anong ginagawa mo diyan?!" sigaw ko dito. Ni hindi ko ito nakita kaninang pumasok--
"Kanina pa ako dito. Kasabay ko si Nathan-- and I'm drinking coffee." Bahagya pa nitong itinaas ang tasang hawak niya.
"Hindi kita nakita kanina."
"Siguro dahil busy ka sa pagsusungit kay Nathan." He sipped from his coffee. "Speaking of the devil," dagdag nito.
"Patago ako dito. Hoo!" parang hinabol na sambit ni Nathan ng makapasok sa kwarto ko.
Ini-lock pa nito ang pinto kasabay ng sunod-sunod na katok at pagsigaw ng kapatid ko.
"LUMABAS KA DIYANG MANYAK KA! SINO BA MAY SABI NA PUMUNTA KA SA KWARTO KO HA?!" And yeah, mukhang hinabol nga siya.
"Ano namang ginawa mo sa kwarto niya?" seryosong tanong ko dito.
"Ahmm." Napakagat pa ito sa labi bago nag-iwas ng tingin. Namula pa ito na halos umabot sa tainga niya.
"Don't tell me--"
"Hey hey," putol agad nito sa akin. "It was an accident. Malay ko bang nagbibihis siya,'" nakanguso at pahina nang pahina na sambit nito.
"LUMABAS KA DIYANG MANYAK KA! HUMANDA KA TALAGA SA AKIN!"
Naiiling na umayos ako ng upo habang nakatingin dito. Ngumisi pa ako ng malawak na ikinaputla niya.
"Allison may susi ng kwarto ko sa drawer!" sigaw ko mula sa loob.
Bigla namang nanahimik sa labas ng kwarto ko. Maya-maya pa'y gumalaw na ang seradura na animo'y binubuksan na ito.
"Run," sabay naming sambit ni Hurrizon na katabi ko.
Agad namang lumayo si Nathan sa pintuan kasabay ng biglang pagbukas nun. Bumungad sa amin ang pulang-pula na mukha ng kapatid ko, bago itinuon ang tingin sa lalaking namumutla. Lumapit pa ito dito at dinuro.
BINABASA MO ANG
I Did.I Do.I Will Always Love HER
RomanceSimon Crisostomo Diaz wrote his own story about this girl. The girl who always haunted him in his dreams every night. The girl who makes his head hurts when he pushed himself to remember. And the girl who is unknown but secretly making his heart bea...