Kabanata 4

59 4 0
                                    

+ × + × + × + × + × + × + × + × + × + × + × +

--  Kabanata 4  --

' 1st Day '

+ × + × + × + × + × + × + × + × + × + × + × +

3rd Person's View

"Why in the mother of God did you went out?!" Galit na tanong ni Karen kay Dylan. Kasalukuyang nasa kuwarto ng lima (Xander, Bruce, Vincent, Dylan, at Ivan) ang president at vice president ng Academia.

"You went out?!" Gulat na tanong ng apat kay Dylan. Dylan scratched his head.

"Pa'no niyo nalaman?" Mahina niyang tanong.

"You think you're gonna get away with it?! There are cameras around the Academia and there are guards--"

"Nakita ka naming lumabas sa isang CCTV Camera sa labas." Putol ni Matthan kay Karen na umaapoy na sa galit.

"Sorry, prez. May kinailangan lang akong balikan.." paghingi ng tawad ni Dylan sa dalawa.

"Ano ba 'yong binalikan mo?" Tanong pa ni Matthan sa kanya. Pinakita naman sa kanya ni Dylan ang suot na bracelet na binalikan niya kagabi.

"It's because of that stupid bracelet?! T*nga ka ba o b*bo?!"

"Karen--!"

"No! Naisip mo man lang ba 'yong panganib na dinala mo pabalik sa Academia?! Kung may nakakita sa'yo at sinundan ka, malalaman nila ang lokasyon ng Academia! Lalo na kung mga terorista ang--"

"Karen, enough!"

"Oo na! T*nga na kung t*nga! B*bo na kung b*bo! Alam ko naman 'yon eh, kaya 'wag mo na ipagmukha pa lalo sa akin!! 'Stupid bracelet'?! 'Eto lang ang nag-iisang regalong nakuha ko buong buhay ko!" Hindi napigilang sabat sa kanya ni Dylan.

"You--"

Tinanggal niya ang suot na bracelet at itinapon 'yon sa sahig at lumabas ng kuwarto.

"Dylan!" Tawag sa kanya ni Xander at sumunod sa kanya palabas.

"Sorry, prez, ate Karen.." paghingi naman ng tawad ni Ivan at tsaka lumuhod para damputin ang itinapon na bracelet ni Dylan.

Matthan sighed. "It's okay.."

"How is that 'okay'?!" Singit naman ni Karen.

"Karen, enough, please." Ani Matthan na ikinatahimik naman niya.

"Bakit naman 'yon galit na galit?" Nagtatakang tanong ni Bruce.

"Ah.. itong bracelet kasi.. regalo ng lola namin kay Dylan no'ng maliit pa siya. Suot-suot niya 'to palagi.. ang kaso luma na tsaka maluwag na 'pag sinuot niya kaya madalas matanggal." Paliwanag ni Ivan.

"Ah, so, nahulog kung saan man kaya binalikan niya?" Tanong pa ni Vincent. Tumango naman si Ivan.

"I told you there'll be a reason for it." Bulong ni Matthan kay Karen na mukhang nawala na ang galit nang marinig niya ang sinabi ni Ivan.

"Sorry, prez.." nakayuko niyang bulong.

"'Wag ka sa'kin mag-sorry, kay Dylan." Ani Matthan. Napabuntong-hininga naman si Karen. "He's at fault too.." bahagya nitong bulong.

"Uh, prez. We don't have to report this to Sir Arnel, do we?" Nag-aalalang tanong naman ni Vincent.

"Although naiintindihan ko naman, kailangan pa rin natin sabihin. What if may nakakita nga sa kanya? Kailangan nating mag-ingat." Sagot ni Matthan. Tumango naman silang tatlo.

ɪᴜꜱᴛɪᴛɪᴀ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍɪᴀ || ᴏɴ-ɢᴏɪɴɢ 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon