"You're plain, stubborn, and most of all, you don't know how to trust"
"W-what?!" I can't take it anymore! Nag-iinit na talaga ang ulo ko, pakiramdam ko any minute sasabog na ako sa sobrang asar sa nilalang na nasa harap ko. Who the hell he think he is? And most of all bakit nga ba ako nag-aaksaya ng oras sa nilalang na to? "Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko at mas lalong wala kang pakialam!"
Tinalikuran ko nalang sya at dire-diretso sa paglalakad palayo.
"That's the reason why the one you love always leave you" dire-diretso pa rin sya sa pagsasalita, or should I say, sa panglalait sakin.
Sino ba sya sa inaakala nya? He was just a complete stranger to me. I don't even know his name but the way he talks to me eh akala mo kilala nya na ang pagkatao ko. Argh! I hate him!
"Paulit-uit kang iiwan tapos iiyak ka lang. Wala silang magiging pakialam sa'yo. Yan ang magiging cycle ng lovelife mo".
Hindi pa rin ako lumilingon. Pero may isa syang salitang binitawan na nakapagpatigil sakin.
"Gusto mo bang hindi na uli pa maiwan? I know a way how"
"Paano?" hindi ko mapigilang hindi maitanong sa kanya.
He walks towords me. Kitang-kita ko ang namumuong ngiti sa mga labi nya, I mean ngisi pala.
"Babaguhin kita. Ako'ng bahala"
"Parang fairy god mother ganun?"
He lean closer. Bigla akong kinabahan. He is now just an inch away from me. Hindi ko maintindihan kung bakit. I can fell his breath and it sends me shivers, at mas lalo pang tumindi ang kilabot na nararamdaman ko as he whisper those words...
"No, I'd be your...Boyfriend-in-Charge".
BINABASA MO ANG
My Boyfriend-in-Charge
Teen FictionPaano kung isang araw may isang taong dumating sa buhay mo, sa oras na hindi mo inaasahan, at magpresentang maging boyfriend mo. Anong gagawin mo? tatanggapin mo ba ang suggestion nya o dedma ka nalang talaga?