1

15 3 0
                                    

"L.C!!!(Elsi) bangon na!! papasok pa tayo bilis!!! tanghali na!!!"

napabalikwas ako ng higa at nagtakip ng unan sa tenga ng marinig ko nanaman ang boses si  KC.

"Hoy gaga! gising na!!! 'di ka papasok?!" tinulak nya ako pabalikwas kaya muntik na ako mahulog sa higaan buti na lang napakapit agad ako sa kabilang side ng kama!

piste!

inis akong bumangon at sinamaan sya ng tingin aga-aga nambabadtrip!

nagkibit balikat na lang sya at nagpatuloy sa pag-aayos ng hinigaan niya.

agad akong dumiretso sa C.R para maligo at mag toothbrush.

Si KC ay kaibigan ko and yes dito sya nakatira sa bahay namin ang mama nya nasa Japan kasama ang bagong asawa at nagpapadala na lang ng pera at iba pang kailangan nya at yung papa nya 'di namin alam.Close friend din kasi ni Mama ang mama ni K.C kaya tinanggap na rin namin sya dito bilang kapamilya.

Nasa iisang kwarto kami pero magkahiwalay ng higaan sya lagi ang alarm ko dahil puyat ako lagi sa pag-aaral lalo na kapag may biglaang quizz kaya inihahanda ko na lagi ang sarili ko.Magkaklase rin kami ni KC pero petiks lang sya ang paniniwala nya kasi na wala naman daw pakialam sa kaniya ang Mama nya kahit anong gawin nya feel free daw sya.

minsan naiinggit ako sa kaniya kahit kung tutuusin napaka miserable ng buhay nya kasi 'di man lang nya nakita yung tatay n'ya 'yung nanay naman 'nya nasa malayo at iba pang tao ang nag-aaruga sa kaniya pero kahit kailan 'di namin siya tinuring na ibang tao.

naiinggit ako sa kaniya kasi...

nagagawa niya gusto niya,
'di niya kailangan magpaka perpektong anak,
'di niya kailangang magpakahirap para maging proud sa kaniya mama nya kasi kahit ano naman gusto niya sinusuportahan lang siya maliban lang sa pagpupumilit n'yang umuwi ang mama niya rito kaya noon pa lang tanggap na n'ya sa sarili niya na ang bagong pamilya na ang pinili ng mama nya.
naiinggit ako sa kaniya kasi nagagawa niyang maging matapang sa kabila no'n,
naiinggit ako sa kaniya kasi...
mayroon siyang kalayaan na wala ako.

samantalang ako...
aral...aral...aral...
buong buhay ko pakiramdam ko puro aral na lang ang gusto nila para sa'kin.
pakiramdam ko puro na lang pag-uuwi ng matataas na grado,medals,awards,trophies ko sa mga quizzbee ang silbi ko para maging mabuting anak.
buong buhay ko bawal ako bumagsak,ma-distract sa pag-aaral,bawal ako malagpasan ng iba,bawal ako bumababa.

All my life I always feel so pressured.

naalala ko isang beses na wala ako sa honor parang halos ika-patay ko na 'yung mga salitang galing sa mga MISMONG magulang ko.

grade4 ako no'n nawala ako sa honor...di naman totally na 'di ako pasok sa top 10 kasi pang top7 ako no'n pero parang ako na ang pinaka bobo na tao sa mundo no'ng oras na 'yon.

kahit sino naman madi-dissapoint kung Grade1-Grade3 Top1 tapos biglang pagtungtong ng Grade4 biglang bumulusok pababa pa rank 7.

buong araw ako nagkulong sa kwarto iyak ng iyak pagtapos akong pagsabihan ng parents ko.

galing ako sa school dala dala ang report card at certificate ko sa last grading bilang rank 7 sobrang saya 'ko pa no'n habang pauwi kasama si K.C kasi kahit paano nakapasok ako sa top10 masaya kaming dalawa ni K.C kasi siya pang rank5 at ako rank7 sobrang saya namin kasi sabay kami lagi nag-aaral at ngayon nagbunga na ang paghihirap namin.

pero akala ko magiging masaya rin sila para sa'kin akala ko...sapat na 'yon.

"Liberty! ano toh?akala ko ba nag-aaral ka bakit ganito lang?! rank7?! ano nangyari sa top1 no'ng nakaraan?!" galit na galit si papa kulang na lang punitin niya 'yung hawak niyang card at certificate ko.

Great EscapeWhere stories live. Discover now