2

7 1 0
                                    

pumasok ako sa office at pinaupo naman ako ni Sir.Vade at may kinuhang folder at nilapag sa harap ko.

"S-Sir? may nagawa po ba ako?" kikabahan kong tanong sa kaniya.

agad namang umiling si Sir at saka ngumiti.

"Wala Taudea, gusto ko lang sana humingi ng favor since ikaw din naman ang class president at pinagkakatiwalaan kita dahil sa pagiging responsable mo." ngumiti sa'kin si Sir.

agad naman akong nakahinga ng maluwag kinabahan ako ron! akala ko may nagawa ako at for sure pagagalitan ako nila Mama.

"ah sige po Sir. ano po ba 'yon?" 'di na ako nag-hesitate pang sumagot at gawin 'yung pabor dahil 'di naman na bago sakin 'yong ganito na pagawa ng records 'yung mga teacher.

"May bago tayong enrollee since 3 months na at nag start na ang first grading at malapit na ang finals kailangan niyang humabol...kaya inaasahan kita na ikaw ang tutulong sa kaniya makahabol sa mga lessons and besides dagdag grades 'to sa Values mo pag nagkataon,kakausapin ko si Mrs.Zapanta at iba pang subject teachers mo about sa magiging schedule n'yo ng new classmate mo" sabi ni Sir. na agad kong kinabahala.

" 'di ka naman aabsent, mag si-sit in pa rin kayo ng new student na 'yon pero after class tsaka mo sa kaniya ituturo lahat ng na miss niya. Alam ko kasing kapag after class maraming may kailangan sa'yo tama?" si Sir.at tumango na lang ako.

"kaya...kakausapin ko sila para kay Vien(salutatorian) muna ipagawa ang mga ginagawa mo at sure ako na pahinga mo na rin 'to simula first year ganiyan ka na ka-responsable bilang leader sa mga kaklase at Officer ng ibang orgs. kaya paborito ka namin pero sure ako na kailangan mo ng break since last year mo na rin naman dito" agad akong nalungkot sa sinabi ni Sir.

sa buong highschool ko napamahal na rin sa'kin 'yung mga responsibiladad ko bilang class officer at officer ng mga organization,clubs dito sa school. At 'di na bago sa'kin ang magturo sa mga ibang student dito na naguguluhan sa mga lesson nila pero iba 'yung ngayon.

"don't worry I'll make sure na 'di ka ma i-stress sa kaniya! medyo pilyo nga lang pero sigurado ako magtitino 'yon sa'yo! magaling kang leader eh!" pang bobola pa ni Sir.

25 pa lang kasi si Sir. kaya medyo ka vibes namin. goods naman masaya lagi tuwing Mapeh time.

napangiti na lang ako sa sinabi ni Sir.Vade.

"uh...eto pala 'yung mga records niya last year sa dati niyang school bagong lipat kasi sila dito galing States na-ospital ang Papa kaya late, ayan..." sabay sabot sa'kin ni Sir. ng folder.

agad ko itong binuksan at binasa.

Name:Calvin Klein L.  Hudson
Age: 15
Date of Birth: August,1,2005
Place of Birth: Philippine General Hospital

Address: Christianville Executives BL3 Lot 24 Psalm St. Las Piñas City.

malapit lang pala sa subdivision namin 'yung kanila eh.

at 'yung grades niya na pasado naman.

agad akong may naalala sa pangalan niya. na baka siya 'to pero hindi...kasi Hudson eh.

'yung kaklase ko no'ng Elementary na si Calvin Klein Lopez . Lagi kami no'n nag-aasaran sa pangalan namin.Lagi ko siyang inaasar na brief HAHAHA ewan basta pag narinig ko Calvin Klein unang napasok sa isip ko brief. Eh pikon siya at gusto ko lagi siyang napipikon kaya aasarin din niya ako pero wala lang sa'kin 'yon 'di naman ako pikon hanggang sa nag graduate kami at nagkahiwa-hiwalay ng landas 'di ko na siya nakita pa.

Lagi pa nga kaming inaasar na kami raw magkakatuluyan kasi lagi raw kami nag-babangayan pero inaasar ko sya lalo at sasabihin kong "yak! ayaw ko nga sa B R I E F!" at mapipikon siya at sasabihin niyang "mas ayaw ko sa Statue of L I B E R T Y!" hanggang sa mapagod kami at manahimik.

Great EscapeWhere stories live. Discover now