Okay
"Sa condiments section muna tayo," aya ni Zaid.
Nandito kami ngayon sa supermarket. Kakatapos lang ng klase at dito muna kami dumiretso para bumili ng mga ingredients at supplies niya.
Hindi tulad ng ibang nakakasalubong namin na lalaki ang nagtutulak ng push cart habang babae ang kumukuha ng mga bilihin ay baliktad naman kami. I was the one pushing the cart while he was the one checking the items. Nagkasundo kami roon dahil siya naman ang mas nakakaalam ng mga kailangan. I'm so glad he wasn't one of those guys who would enforce toxic masculinity even on little things like this.
"Ayaw mo sa meat section muna?" suhestiyon ko dahil yun naman ang malapit sa amin at tiyak na unang madadaanan.
"No, Ellie. That would compromise the freshness of the meat." he strictly stated.
I puckered my lips in amazement before slowly nodding. This guy's indeed sure of what he's doing. He's taking this seriously.
I can't help but see him in a different light these days.
Habang naglalakad kami sa aisle ng bawat nadadaanan ay nag-vibrate ang cellphone ko. Dinukot ko yun sa bulsa habang tuloy pa rin ang paglakad.
Nang matignan na iyon ay napatigil ako.
Spencer Montero sent you a message request.
"Oh my God," I blurted out while staring at my phone with wide eyes.
I caught Zaid halting from my peripheral vision. He walked back near me.
"Why? What's wrong?" his tone is full of concern.
I turned my head to him and I was welcomed by the worry on his face.
I smiled then swallowed. "Nag-chat sakin si Spencer!" I excitedly said.
His face immediately went blank. Binaba ko ang tingin ko sa phone para mai-open na sana iyon. Naramdaman kong mula sa pagkakaharap sa akin ay bumaling na ulit siya sa harap kaya't ngayo'y hindi na nakatingin sa akin.
I clicked the message in anticipation. I can almost feel my nerves shaking!
Spencer Montero:
Ellie, can you send me the transcript from our group meeting earlier? Thanks.
Agad na naglaho ang ngiti ko sa nabasa. Parang pumait ang panlasa ko. Oo nga pala at siya ang leader namin kaya't kailangan niya yun. Wala sa loob na sinend ko na lang sa kanya ang picture ng hinihingi niya mula sa gallery ko.
Matapos maipadala iyon ay tinago ko na ang cellphone at hinawakan ang cart para magpatuloy sa paglalakad.
I felt Zaid walking with me by my side. He cleared his throat.
"Anong sabi?" tila walang interes na tanong niya habang tumitingin sa mga dinadaanan.
"Secret." sabi ko na lang.
Baka kasi asarin niya ko pag-nalaman niyang may kailangan lang pala yung tao kaya ako chinat. Ang OA pa naman ng reaksyon ko kanina nung nakitang may message siya!
I'm not sure if I heard him sighing as we continued walking.
Pumunta na kami sa may mga dairy products. Medyo natagalan kami roon kaya't habang namimili pa siya ay kinuha ko saglit ang cellphone ko at sinilip ang facebook. May mga bagong pasok na friend requests doon kaya't yun ang inuna ko.
BINABASA MO ANG
Every Flight Counts
RomanceSIS (Social Issue Series) #3: Gender Inequality Men and women in the 21st Century still aren't able to totally get free from the socially defined roles. They are expected to act in certain ways just because they are male and female. Lalake ka raw ka...