MH-1 "Three Hearts that Missing"

1.6K 47 1
                                    

[Inoue’s POV]

Nandito kami sa Veranda at nakaupo ako sa rocking chair habang nakayakap sa akin si Aiko at mukha nakatulog na ang anak ko. Mahigpit lamang ang pagyakap ko sa kanya habang busy ang ibang pulis sa pag i-imbistiga sa loob ng bahay namin. Kinuha nila ang statement ko sa mga nangyari at sinabi ko naman sa kanila ang lahat. Kanila pinalarawan sa akin ang lalaki pumasok sa bahay namin at sinabi ko ay matangkad ito nasa 6’0 at matipuno ang pangangatawan niya hanggang doon lang dahil hindi ko na mailarawan ang mukha ng lalaki iyon dahil natatakpan ng bonet ang mukha nito.  Matapos nila makuha ang statement ko ang ilan dito ay umalis na mga, mga anim sila kanina, iyong apat umalis na at ang tangi naiwan ay si Riku at ang partner nito.

Muli ko naalala ang nangyari kanina at muli ko pinilit na labanan ang takot na nararamdaman ko. Nagpanggap pa rin ako matapang kahit halos ang buo katawan ko ay nanginig na sa takot.  Kailangan ko gawin ito upang hindi ako tuluyan hilahin nila papa sa mansion tumira. Ayaw ko tumira doon, hindi ko pinangarap na tumira sa kanila ngayon may pamilya na ako. Gusto ko ipakita sa kanila na kaya namin mabuhay ni Aiko, kaya ko siya buhayin dahil ako ang kanya ina at isa pa ayaw ko iwan ang bahay na ito na tangi nagpapaalala sa akin kay Saito.

Napatingin ako sa langit at naghahanap ng mga bituin. Naisip ko si Saito, kung nandito ka sana ngayon sigurado ako hindi namin mararanasan ito ni Aiko dahil kilala kita,alam ko na proportektahan mo kami.

“Inoue bakit ba napakatigas ng ulo mo?” isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Riku na wari nagpipigil ng galit. Huminga na rin ako ng malalim. Alam ko nag aalala lamang siya sa amin ni Aiko.

“Riku, huwag ka mag alala okay lang kami ng anak ko” umiling iling na lang ito na para nawalan na ng pag asa sa akin.Matagal na nila ako kinukulit na lumipat ng tirahan pero ayaw ko. Ito na ang pangalawa bahay na tinirahan ko simula ng ikasal kami ni Saito. Iyong una bahay namin ay nasunog ito, hindi nila alam na halos mabaliw ako noon dahil lahat ng bagay na nagpapa alala sa  akin sa asawa ko ay nawala, walang awa nilamon ng apoy. Kulang na lang ay mamatay ako sa sobra sakit at ngayon pati ba naman ang huli alaala ni Saito sa bago bahay na ito ay ipagkakait pa nila. Ito ang bahay kung saan nagsimula ang lahat, lahat lahat ng tungkol sa kanya at sa amin. Ito ang bahay kung saan huli niya nasilayan at nakasama ang mga magulang niya bago mangyari ang karumaldumal na krimen na iyon.

Bahay ito ng mga Saga at hanggang ngayon sa kanila pa rin ito na ngayon ay amin na ni Aiko Saga. Pinarenovate ko muna ang bahay bago kami tumira ni Aiko at ng matapos ay tumira na kami rito.Halos mag iisa taon na rin. Parang pakiramdam ko ay bago buhay para sa amin dalawa ng anak ko kasama ang childhood memories ng Daddy niya. Napangiti ako ng muli maalala ang mga panahon na iyon.

“Kailan ka matatauhan pagnawala na rin sa’yo si Aiko?” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Riku. Tumingin lamang ito na parang naawa sa akin. Maya maya ay tumingin ito sa iba na wari pinagsisihan ang sinabi sa akin. Maisip ko palang na mawala sa akin ang anak ko ay ikamamatay ko na ito ng tuluyan, mas lalo ko lamang niyakap ang anak ko.

“Hindi lang ikaw ang nawalan ng mahal sa buhay, Inoue,kahit ako naranasan ko iyan” Bakit ba lagi bumabalik ang sakit sa puso ko sa tuwing maalala ang na wala na siya. Nakita ko sa mga mata ni Riku na na namamasa na ito. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib dahil alam ko na parehas kami ng nararamdaman. Namatay ang kanya ama at nasa mental hospital ang ina nito tapos si Faye naman ay hanggang ngayon hindi pa rin nagpapakita, hindi pa rin niya mahanap. Hindi niya malaman kung buhay pa ba ito o patay na. Hindi ko napigilan ang luha ko, hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin at ngumiti ako.

MISSING HEART [Book2of BH] ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon