Page 7

10 0 0
                                    

H&B Series #1 Code Name P, written by lucidstellar ❤️

Page 7

Real You

Hindi ko nagawang umimik buong byahe. Nakatingin lang ako sa daan at masusing iniisip kung saan kami pupunta.

Dumaan pa ang ilang minuto at hindi ko na napigilang hindi magsalita, kating kati na kasi ang utak ko sa nangyayari. "Ahm..... Karl, san ba talaga tayo pupunta? I mean uuwi din ba agad tayo?" mahinang tanong ko sa kanya.

Napapitlag ako nang agad niya akong lingunin at halos mag-isang guhit na lang ang kanyang mga kilay sa sobrang kunot noon. "What did you just said?"

"Wha..What? Ahm. Saan tayo pupunta?"

Umiling ito at muling tumingin sa daan. "Not that, anong itinawag mo sa akin?" 

Ngumiti ako at lumapit sa kanya. "Ah. Karl? Yeah. Tinawag kitang, Karl. Bakit?"

"Nothing. But, I love it." kunot noo niyang sabi at ramdam ko ang pagkislot ng puso ko dahil doon.

"Well? San nga tayo pupunta? Baka kasi magtagal tayo, may pasok ako bukas." 

"I'll tell you later. Magpahinga ka muna." 

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang villa. Malaki iyon at alam kong mamahalin ang disensyo.

"Baba!" napapitlag ako sa sigaw ni Phoenix at dali daling bumaba ng sasakyan. Ano bang problema nito?

"Good morning, Ms. Venus." bati sa akin ng palagay ko'y lampas sampung maid!!

Tumango lang ako sa kanila at saka patakbong lumapit kay Phoenix. Agad naman niya akong inalalayan. He even snaked his arms around my waist. Cute!

"Don't run, be careful." kunot na naman ang kanyang noo. Konti na lang iisipin ko na talagang pinaglihi ito sa sama ng loob.

Nang makarating sa kwarto ay agad akong humiga sa kama, I'm tired. Sumunod naman sa akin si Phoenix na dala dala ang duffle bag at inilagay iyon sa isang sulok.

"Get some rest, titingnan ko lang ang kwarto sa kabila. Gigisingin nalang kita mamaya kapag handa na ang pagkain."

Napasimangot ako ngunit tumango rin naman. Mag-isa na naman pala ako sa kwartong ito, ang laki laki!

Akmang lalakad palabas si Phoenix nang may naisip akong ideya.

"Karl!! I'm just. . . just wondering if it's okay with you to sleep here too? I mean, pwede bang dito kana lang din matulog? "

Tumingin ito sa akin nang may halong malisya. Tss. "Don't get me wrong, okay? Sobra kasing laki nitong kwarto at natatakot ako sa malalaking space katulad nito."

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. "Why is that? As far as I remember, you have your own big room in my penthouse, too."

Napanguso naman ako. Oo nga naman. Iniisip siguro nito na nag-iinarte ako at gusto lang talagang matulog kasama siya.

"I know! Ilang beses ko na dapat sasabihin iyon sayo kaso nahihiya ako. Ilang beses ko naring gustong irequest na matulog ako sa kwarto mo roon o kaya naman ay kahit ipa-renovate mo man lang iyong kwarto ko sa isang maliit na kwarto lamang. Look at my face, mukha bang ayos ang tulog ko? You might end up losing yourself if I do erase the concealer in my face. Mukha na kong multo!" paghihimutok ko.

Ngumiti naman siya at hinawakan ang aking pisngi. "Okay. My Venus want me here, so I will."

Ang gandang tingnan ng ngiti niya.

Code Name P [Hearts and Bullets Series #1] ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon