26

895 37 1
                                    

Pagkatapos ng inuman ay wala na akong maalala. Ang alam ko lang ngayon ay nasa apartment kaming lahat, apartment ni Jasper. May apat na lalaki na nandito, sama sama kaming natulog dito sa sala. Napalunok ako, at napahawak sa noo ko, naku kung nandito sila sister at ate Linda patay talaga ako, at tatawagin ako ng mga kadama ko sa bahay ampunan na malandi.

"Hey...morning.." halos mapatili ako nong narinig ko ang boses ni Edge, nasa dulo naman ako si Edge lang katabi ko. at magkatabi ang tatlo, napangiwi lang ako. Grabeh ang sakit ng ulo ko. Anong oras na ba? okay lang naman sunday naman ngayon pero paniguradong hinahanap na kami ngayon sa University, naku! si chichi!

"Tara labas tayo." napatingin ako sa kanya at sa tatlo na mahimbing pa ang tulog. Napatango naman ako. Sabay kaming tumayo at dahab dahang lumabas kami ng Apartment. Bumalik kami sa store kung saan sila nag inuman kagabi, malapit lang kasi dito ang apartment ni Jasper.

Mabuti nalang parehong ofw ang parents niya kaya siya lang mag isa don.At pwede daw kami don palagi, kasi walang magagalit.

Pumasok kami sa loob pagkarating at agad siyang bumili ng cup noodles, may mainit din naman ditong tubig kaya pumwedto kami sa labas para kumain at makahigop ng sabaw. Mabuti nga hindi ako sumuka kagabi, nalobat nga lang ako agad

"patay ka kay tanda.." sabi niya bigla, napanguso naman ako

"dapat kasi binababtayan mo ako...paano yan? umiinom ka din pala" napairap ako, sa kanila nga lang ako natutong uminom. Tapos ang sarap sarap ng ininom nila kagabi.

"Hindi naman ikaw yung nagbabantay sakin...ako nga halos nagbabantay sayo..paano tulog agad ilang baso lang." napairap ako ulit sabay nguso, hay naku nababantayan ko pa ba talaga si Edge.

"Be my girlfriend." napaubo naman ako bigla sa sinabi niya, hehe sanay naman na ako na tawag sakin girlfriend pero bakit iba ang dating sakin ngayon

bakit ba sinasabi mo yan Edge? girlfriend mo naman na ako?

"hindi yung girlfriend na sinasabi nila. " napainom naman ako ng sabaw balit ako kinakabahan?

"Girlfriend...meaning..." napatingin ako sa kanya, hinfi ako makahinga...

"Yung...may...holding hands...may kiss....may lambing.." napayuko ako sa sinabi niya, ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. Ramdam ko ang pag init ng magkabila kong pisngi. Napalunok ako. May holding hands? kiss? lambing? paano yun?

"ba...bak..kk-kit?"

"Yung may date..." napaiwas ulit ako ng tingin, teka..ano bang nangyayari sakin? panaginip ba toh?

"i know its sounds crazy...pero kasi..." napatingin ako ulit sa kanya, hindi ko maiwasang mapakunot ang noo ko, ano bang girlfriend?

"Kay tanda girlfriend meaning mag babantay sakin, pagbabawalan ako...yaya...ganun pa rin naman pero...pag babantayan mo ako dapat may lambing, pag may ipagbabawal ka sakin kailangan may halong sweetness..kasi concern ka hindi sa dahil binabantayan mo ako kasi yun sabi ni Tanda...At syempre kailangan inaalagaan mo ako, chinichek mo ako at hindi yaya ang tawag ko dun" Bakit parang, namumula ang pisngi ko, hindi ko alam lung gusto kong mapangiti o ano?. Ano bang lambing? ano ba yun? paano?.

"at syempre...pag girlfriend na kita..kailangan bpyfriend mo din ako." napakurap kurap ako sa mga sinasabi niya. Bo...boyfriend? gaya sa mga nababasa ko sa libro? yun ba yung in a relationship?

"Syempre ang trabaho ko din pag tinopak ka nandito ako para lambingin ka din" napatulala ako sa sinabi niya, kinindatan niya ako bigla, gusto ko ng malunod. Ito ba yung panliligaw? pero parang inuutusan naman niya akong maging jowa niya ang dating.

"Be my girlfriend. and let me be your boyfriend." Napatayo ako at tinalikuran ko siya. Hinga Lea. hinga. hindi ko maintindihan, parsng kailan lang pumapasok ako sa University, tapos kagabi hinabol ko siya...nanlaki naman ang mga mata ko nong naalala ko ang halik niya...Napahawak ako sa labi ko.

"Lea?" napalingon ako sa kanya, nakataas ang isang kilay niya. napakagat labi ako. Diba pag boyfriend, girlfriend? nagmamahalan sila?.

"Tss..istupida ka talaga." bigla niyang sabi kaya hinfi ko naiwasang irapan siya. Napanguso ako. Istupida? bakit na naman?

"Para kang tanga!" sigaw niya bigla, at umiwas ng tingin, bakit naman ako ang nagmukhang tanga?

"Wala ka bang sasabihin?"

"oo nga pala hindi ka nakakapagsalita" napayuko naman ako sa sinabi niya, naramdaman ko ang oagtayo niya at paglapit niya sakin

"Lea...look at me.." napaangat naman ang mukha ko para tignan siya.

"Mabilis man pero...basta tangina kasi!" napanguso ako, bakit naman kailangan pa magmura

"Basta girlfriend kita at boyfriend mo ako!" napaatras ako dahil sa pagsigaw niya napapalingon tuloy samin yung nga taong dumadaan, lumakad siya bigla palayo

"Balik na tayo sa Apartment!" kinuha ko naman yung cup noodles ko sayang eh, at napatakbo para mahabol siya. Nong nahabol ko siya bigla naman niyang hinawakan ang isa kongkamay.

Parang nakuluryente naman ako sa hawak niya, hahablutin ko na sana pero mas humigpit ang hawak niya. Ito na naman tiysn ko parsng may lumilipad ulit sa loob . Bakit ba niya naisip ang mga yun? Dapat may lambing?.

Istupida ba ako kung hindi ako pumayag? o mas istupida ako kung pumayag ako?

Pagkatapos kayna Jasper ay agad kaming bumalik sa University, agad siyang hinuli ng mga guards kailangan daw siya sa office ng daddy niya, kinabahan nga ako eh, kasi akala ko pati din ako, pero nong sasama ako ayaw ni Edge sabi niya mauna na ako sa dorm at mag ayos na.

"Chichi..." pinagalitan din ako ng guard na pinag iwanan ko kay chichi, tapos ang dumi na ni chichi kaya agad ko din tong pianliguan sa cr. Pagkatapos ko siyang paliguan ay agad ko siyang pinalaro laro sa sahig at ako naman ang naligo at nagpalit.

Kamusta kaya si edge? paparusahan na naman ba siya?

Pagkatapos ko ay kinuha ko si chichi at naihaga kami sa kama ni Edge

Gusto niya akong maging girlfriend chichi! yung girlfriend na may lambing ha!

Kanina gulat na gulat ako pero ngayon parang kinikilig ako. Totoo ba siya?. Naiisip ko bigla si Mrs. Carpenter wala naman siya sinavi sakin na landiin ko anak niya. pero hindi ko naman nilandi si Edge diba?

J: sorry. and thank you for reading

Angel's VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon