"Gusto mo nang makalabas?" nakangiting tanong ng Doktora sa kanyang pasyente.
Malaki ang ngiting tumango tango sa kaya ang kaharap bilang sagot, bakas ang kagustuhang madischarge na sa ospital.
"O sige, inumin mo yung gamot na ibibigay sayo ng nurse mamaya ha? kailangan mo yun para gumaling ka agad para makalabas kana"
Nag kwentuhan pa ang dalawa at paminsan minsay biglang magtatawanan.
Natigil saglit ang kanilang kwentuhan nang pumasok ang dalawang nurse at nilapitan ang pasyente, chineck at pinainom ng gamot.
"Salamat sa gamot! sabi ni Doc kapag ininom ko to malapit na kong lumabas, mamimiss ko kayo! Salamat nurses, Salamat Doc!" nakangiting sabi ng pasyente sa dalawa at sa kaharap nito.
Nginitian lamang siya ng mga ito, bago makalabas ng kwarto ay narinig pa niya ang bulungan ng dalawang nurse.
"Kawawa naman yung pasyente natin kausap na naman yung salamin, dating doktora yan nabaliw lang."
BINABASA MO ANG
ONESHiT
Cerita PendekOneShot stories! This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual...