Sabi ng anak ko kelangan daw nya ng laptop para sa pag-aaral.
Matalino yung anak kong yun kaya handa akong ibigay lahat ng suportang kelangan nya kaya nung sabihin niya sakin yon ay agad akong nag isip, nagplano at nag ipon.
Ganon lang kadali ano?
Tatlong hakbang lang, una nag isip ako kung paanong sa hirap ng buhay namin ay maibibigay ko sa anak ko ang gusto niya.
Pangalawa ay nag plano ako ayon sa reyalidad na mayroon kami at ang pangatlo ay nag ipon ako ng sangkaterbang lakas ng loob na syang nagdala sakin dito sa loob.
Napahimas na lamang ako sa malamig na rehas at malalim na napabuntong hininga.
Bakit ba kasi sumigaw yung may ari ng laptop.
BINABASA MO ANG
ONESHiT
Short StoryOneShot stories! This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual...