Kasal

3 0 0
                                    

Bata palang ako palagi ko nang iniimagine kung anong magiging itsura ng kasal ko,
kung anong istsura ng isusuot ko at magiging ayos ko,

kung ano ang magiging disenyo ng simbahan,
kung punong puno ba ito ng mga paborito kong bulaklak o simple lang,
kung gaano karami ang mga bisitang pupunta at kung sino sino,
kung sino ang mga magiging abay, ninong at ninang,
kung anong magiging musika habang lumalakad ako papuntang altar
at kung gaano katamis ang ngiti ng gwapong gwapo at mahal na mahal kong mapapangasawa habang magkahawak kamay kami sa harap ng mga taong nagmamahal sa amin at ng Panginoon para tunghayan ang aming pagiisang dibdib.

Ang makulay at masayang imahinasyong ito ay nakatakdang matupad ngayong araw.

Nakasuot ako ngayon simpleng kulay puting gown at may kaunting kolorete sa mukha,
ang buong simbahan ay napakasimple ng ayos pero naroon ang mga paborito kong bulaklak,
maraming bisita ang dumating mga taong mahalaga sa aking buhay,
ang musikang pinapatugtog ay hindi kagaya ng inaasahan ko ngunit tumatagos sa puso.

Ngayong nandito na ako sa harap ng altar katabi ang lalaking pinakamamahal ko ay hindi ko mapigilan ang mapaiyak.

Nagsimula na ang misa, nagsimula na ang pamamaalam.

Napuno ng iyakan at hagulhol ang buong simbahan, malayo sa palakpakan at malalaking ngiti na aking naimagine noon.

Ngayon ang nakatakdang araw ng kasal ko, ngunit ngayon din ang tinakdang araw na lilisanin ko ang mundong ito.

Paalam, patawad asawa ko.

ONESHiTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon