Best Man

2 0 0
                                    

Aside from my dad I consider him as the Best Man of my life. He's the man of my dreams, bata palang kami ramdam ko nang gusto ko siya, na espesyal ang nararamdaman ko para sa kanya.

Palagi kaming magkasama mula pa noon. Ipinagtatanggol niya ako sa mga umaaway sa akin, pinupunasan ang bawat luhang pumapatak mula sa aking mga mata at pilit na pinapalitan ng ngiti ang nakasimangot kong mga labi. 

Siya ang palagi kong kasama sa bawat saya at lungkot ng aking buhay maging sa pareho naming mga unang karanasan habang kami ay lumalaki.

Para kaming kambal na hindi mapaghiwalay, pares ng  tsinelas na mapapasimangot na lamang kapag wala ang isa.

Hanggang tumanda ay nanatiling ganoon ang aming samahan, masaya, talagang masaya dahil kasama ko siya.

Ngunit ngayon, sa mga oras na ito kahit katabi ko sya dito sa loob ng simbahan na may magagandang bulaklak sa paligid para sa kasal na idadaos ay konting saya lamang ang aking nararamdaman. Sa sobrang konti ay halos hindi ko maramdaman.

Napakaganda ng itsura ng simbahan, ang bawat isa ay napakagaganda ng kasuotan. Ganitong ganito ang pangarap ko noon kasama ang lalaking mahal ko, ang lalaking katabi ko ngayon.

Bumukas ang pinto ng simbahan, nagsitayuan ang mga bisita at itinuon ang pansin sa dumating. Tumingin ako sa lalaking katabi ko, ang lalaking mahal na mahal ko.

Kumikislap ang kanyang mga mata at tila naluluha sa saya. Mayroon ding napakatamis na ngiti sa kanyang labi.

Tinapik ko ang kanyang balikat at ngumiti. “Pre wag kang iiyak nakakabakla yan hahahaha. Papakasalan ka na nga ng babaeng mahal mo iiyak ka pa? Basta nandito lang lagi ako sa tabi mo, bilang best friend mo, bilang best man mo.”

ONESHiTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon