Kitang kita ko ang saya sa kaniyang mga mata,hawak niya sa braso ang kaniyang ama at sabay silang naglakad sa altar
Napakaganda niya tignan sa wedding gown na suot niya,tinignan ko ang lalaking makakasama niya habang buhay
Naluluha ito habang tinitignan siya sa malayo,para bang hindi makapaniwalang nangyayare na ito mismo ngayong araw
Hinawakan na niya ang kamay ng babae at ngumiti siya sa ama nito,hinarap na niya ang babaeng papakasalan niya sa altar
Sabay silang nangako at nanumpa sa harap ng diyos at sa harap naming lahat
"Now that Bride and Groom, have given themselves to each other by solemn vows, with the joining of hands and the giving and receiving of rings, I pronounce that they are husband and wife, in the Name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit"
Nagpalakpakan ang lahat ng mga tao sa paligid at ganun na din ako
Tinanaw ko silang dalawa sa malayo at ngumiti ako
Masaya ako para sayo estevan
Dahil natagpuan mo ang babaeng magpapasaya sayo habang buhay.
Kasabay ng pagtulo ng aking luha ang paglisan ko sa simbahan
Ipinikit ko ang aking mga mata at inalala bawat alaala namin nila estevan,sa kung paano kami magkulitan,magtawanan,magbiruan,magkantahan,magsayawan,ngayon may kaniya kaniya na kaming buhay at nahanap na nila ang mga taong makakasama nila habang buhay
Minsan talaga sa ating buhay may mga tao tayong nakikilala,nakakasama,at minamahal
Pero hindi ibig sabihin nito ay habang buhay mo na silang makakasama
Dahil walang permanente sa mundo
Lahat nagbabago.
Sa pagmamahal kailangan mo ding sumugal para hindi ka magsise sa bandang huli
Kailangan mong maging matapang para wala kang pagsisisihan balang araw
Hindi lahat ng taong dumadating sa buhay mo ay nakatadhana na sayo hanggang pagtanda
Dahil minsan isa sila sa mga lesson na ibinibigay sayo ng Diyos upang matuto ka.
Marami akong natutunan sa lahat ng nangyare sa buhay ko
Kaya kung ikaw ay nagmamahal ngayon,piliin mong maging matapang,at ipaglaban mo.
Muli,ako si Portia Bartolome
At dito na nagtatapos ang aking kwento.
-FIN-
BINABASA MO ANG
Never Fall In Love Again
Teen FictionNagkaroon ng first love ang isang babaeng "no boyfriend since birth" at akala niya ay pang habang buhay na niyang magiging kasintahan ito, ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti niyang matutuklasan ang katotohanan, kaya't labis siyang nasaktan a...