Tanasia POV
Naka tunganga ako ngayon sa mga papeles at ginagawa ko ang lahat ng ito sa room ko sa apartment
Bakit ba naalala ko si sharpton??!!
Sinabunutan ko ang sarili ko at sinusubukan ko mag focus sa ginagawa ko
"Ano nga ulit ito?"bulong kong sabi nang tignan ang papeles
Sa papeles na ito ay nakalagay kung gaano mag kaibigan ang magulang ko at magulang ni sharpton
"Best lawyer huh?"sarkastiko kong sabi sa naka sulat
Katulad nga ng dati ay pinaka magaling na lawyer ang tatay ko pero dahil doon ay hindi na siya sumasama sa amin ni mama tuwing umaalis kami
Kung inuna niya ata kami ni mommy at sumama sa bonding namin ay baka buhay pa ang mommy ko ngayon at hindi ako magkakaganito
Sasobrang inis ko ng maalala ko ang lahat ng nangyari dati ay padapog kong sinara ang mga papeles na ito at yumuko
I miss you mom...i want to meet you..
Nakaramdan agad ako ng lungkot at dahil dito ay humiga ako sa kama at nag talukbong
***
2 weeks na ang nakalipas at normal naman ang nangyayari walang aksidente o bad news akong naririnig at si sharpton naman ay ewan ko ba sobrang sipag niya halos wala na akong masabi kakaiba,napapaisip ako kung anak ba talaga ito ng artista kasi tinatadtad ko ito ng utos at wala manlang siyang reklamo.Ngayon ay naka upo ako sa office ko at tinititigan ko siya na seryoso sa pinaparesearch ko sa kanya
"hoy ikaw!"sigaw ko sa kanya with matching turo
Agad naman itong tumingin sa akin at napakunot ang noo ko ng hindi na ito naka ngiti saakin
Nakakapanibago dahil ngayon ko lang ito nakita na hindi nakangiti at halatang pagod
Marunong din pala siyang mapagod? Pero bakit ganun hindi siya nag rereklamo at umaangal, isa lang ang masasabi ko sa kanya...Great
Tumayo ako at lumapit dito, yumuko ako at binasa ang mga ginagawa niya
"good..tama na yan iprint out mo nalang sakin"sabi ko at tinapik ang balikat niya
Pumunta ako sa labas at sinilip ko ang mga ibang lawyer
"Magsitayo ang lahat!"malakas na sigaw ko at agad naman silang nag panic at sabay sabay na tumayo
Napangisi ako dahil yung iba ay oa at yung iba naman akala mo aatakihin na sa puso dahil may kaidaran na
"mag stretching kayo!!"sigaw ko dito at agad naman silang napatawa
"hoy tanasia ano nanaman trip mo"sigaw ni margo na nag kakape sa gilid
Nagkibit balikat lang ako dito at tumingin ulit sa lahat
"Bilis!!"sigaw ko
Sabay sabay nag sisiunatan ang mga ito at talagang rinig na rinig ko ang mga buto nito
"oh sige tama na! Magsibalik na kayo sa trabaho niyo or else patatalsikin ko kayo"sabi ko sa mga ito at tumalikod na
Pumunta ulit ako sa office ko at umupo sa upuan
"ito na po miss tanasia"sabi ni sharpton at inabot saakin ang papel
Tinignan ko ang mukha nito at sobrang pilit ang ngiti niya
"sandali nga lang...umupo ka muna"sabi ko dito agad naman itong sumunod sa sinabi ko
"may problema ba tayo mr.sharpton?"sarkastikong tanong ko dito dahil baka galit lang siya o sadyang pagod
"wala naman...."bulong nitong sabi
"tutal tapos kanaman na sa trabaho mo ngayon pwede kana umuwi"sabi ko dito at dahan dahan itong tumingin saakin pero agad naman itong umiling
"okay lang po miss tanasia! May ipapagawa po ba kayo saakin or tulungan na po kita dyan"sabi pa nito
Yan ganyan siya yung tipong pinagpapahinga mo na siya pero pinagpipilitan ka parin niyang tulungan.
"Hindi na.....umupo ka na lang at doon mag pahinga kung ayaw mo naman umuwi"sabi ko dito
Sandali lang akong tinitigan nito at sumunod siya sa ginawa ko, umupo siya sa table niya at tahimik
Minsan parang gusto ko siyang pagmasdan dahil ang ugali niya ay sobrang interesting, pwede mo siyang utusan at pag tinanong mo siya ay sasabihin niya ang totoo pero pag saakin ito lumapit parang may tinatago siya at hindi niya masagot ang mga tanong ko...
Umiling lang ako at binasa ko na ang buong niresearch niya
Hindi ako makapaniwala dahil sobrang husay niya dito at ang niresearch niya pa ay tungkol kay Sejery Paslaw na pinakulong at pinagbintangan na mamamatay tao dahil may natagpuan na bata na walang puso sa malaki niyang ref na nakalagay sa basement ng bahay niya
Pero bakit ganun 12 years na ang nakalipas kung pwede naman ngayon na mga problema at mga kaso
Binasa ko ulit ito at talagang interesting ito dahil nung naka lagay sa ref ang batang ito ay binalot muna ito sa duct tape at pinagtataga pero ang pinagtataka ng lahat ay nasaan ang puso nito?
Masyadong mautak kaya hindi nalaman kung sino talaga ang batang ito...
Ewan ko ba kung bakit nagagawa nila yun sa kapwa nila at malala pa dito ay bata pa, wala silang awa at marami pang pangarap ang batang ito
Itinago ko nalang sa drawer ang mga ito dahil masyado na akong kinikilabutan sa mga ito
Tumingin ako sa orasan at 7:40 na ng gabi hindi ko na malayan na kanina pa pala ang off namin
Abay salbaheng margo yun ah hindi manlang bumisita at nag paalam sakin
Tumayo na ako at inayos lahat ng mga gamit ko. Pag labas ko ng office ay nagulat ako kay sharpton na tulog sa table niya
Lumapit ako dito at dahan dahan ko itong kinalabit
"ANO PO YON MISS TANASIA MAY PAPAGAWA PO BA KAYO?"malakas na sabi niya dahil halatang nagulat siya sa pag gising ko
"kanina pa off?bakit hindi ka umuwi?"sabi ko dito
Agad naman itong nagulat at tumingin sa relo niya
"S-sorry po miss tanasia hindi ko po namalayan ang oras at nakatulog ako..."pahina ng pahina nitong sabi sabay yuko
Hinawakan ko ito sa balikat at nagulat ito
"sabay na tayong bumaba at alam ko ng gutom ka kaya itreat na kita.."sabi ko dito
Ang mukha naman nito ay halatang nagulat sa mga sinabi ko
Ewan ko ba kung anong sumapi saakin at bakit habang tumatagal ay natatanggap ko na itong lalaking ito at parang araw araw gusto ko siyang titigan.......i want to know him more
YOU ARE READING
My Perfect Lawyer
ActionSi Tanasia ay isang mahigpit at maldita na lawyer kinikilala din siyang "santanasia" ng iba niyang mga katrabaho dahil sa ugali niyang hindi maipinta.