Nagmadali akong kumilos para hindi na mag-antay pa nang matagal si Akihiro, mahirap na baka mapagtripan na naman ako.
Paglabas ko ay nakasandal sya sa gate nila. Nang mapansing nasa tapat na ako ng pinto nila ay lumabas na ito, patakbo naman ako ditong sumunod. Paglabas ko ay nasa gilid siya nag-aabang.
Tinaasan ko naman ito ng isang kilay, nagtataka. "Bat andyan ka pa sa gilid?"
Inalis nito ang pagkakasandal sa gilid saka lumapit sa akin, napaatras naman ako. Nginitian lang ako nito saka patuloy na lumapit, patuloy rin ako sa pag-atras.
"Bakit ka umaatras?" takang tanong nito, tinignan ko naman ito ng masama.
"Bakit ka rin kasi lumalapit?" pagtataray ko. Natawa lang ito, nang-aasar.
"Malamang sasaraduhan ko yung gate at nasa likuran mo ang gate." pagkasabi nito ay sinaraduhan nya na ang gate saka tumalikod.
"Bakit naman kasi hindi ka nagsasabi?" pasiring kong sagot habang nakasunod sa likuran nya.
"Common sense nalang 'yon." sagot nito nang hindi lumilingon sa akin. Napabuga naman ako sa sobrang inis at hindi nalang sumagot para di na ako mairita.
Pumunta kami sa Shinjuku Train station. Noong isang araw ay pinag-install ako ni Tita Celestine ng app para sa mga train dito. Itatapat ko nalang ang cellphone ko at makakasakay na ako sa train, unlike sa Pilipinas na magbabayad muna ng Single Journey Ticket.
Pumasok na kami ni Akihiro sa train. Sa Takadanobaba kami lalabas. Hindi naman na ako nagtanong dahil baka barahin nya ako. Siya rin naman ang may alam ng mga lugar dito.
Nakaupo ako habang nakatingin sa labas. Hindi ko maiwasang mamangha sa mga nakikita ko. Sobrang linis dito at nakakarelax ang itsura, idagdag mo pa ang mga taong natatanaw mo sa baba na nagbibisikleta. Kahit hindi ako marunong mag bike ay naaaliw ako manood ng mga biker, wala lang naaliw lang ako hahaha.
Ibinalik ko na ang pagtingin ko sa labas at napatingin ako sa harapan ko. Si Akihiro nasa tapat ko at nakatayo, nakatingin sa labas. Napalingon-lingon ako, hindi naman puno ang tao dito, maluwag naman, bakit pa siya nakatayo diyan, psh. Hinayaan ko nalang ito at nagtingin nalang sa cellphone, icha-chat ko si Mama, kakamustahin ko lang.
"Nga pala, sinong dadaanan natin?" tanong ko paglabas namin ng tren. Hindi naman ito sumagot at nagdire-diretso lang.
Huminto kami sa isang malaking bahay. Nasa likuran ako ni Aki habang nagdo-doorbell sya. Maya-maya ay may nagbukas sa aming babae, medyo may kaedaran na ito pero angat pa rin ang kagandahan at pagkalahing Hapon nito. Nagsalita naman ito gamit ang kanilang lengwahe, pumasok sa Akihiro at sinenyasan naman ako nito na sumunod.
Pagpasok namin ay halos lumuwa ang mata ko sa lawak ng bahay na ito. Ang dami ring libro na nakadagdag ganda sa bahay na ito. Nakatingala ako dahil nasa ikatlong baitang ang malaking chandelier na parang diyamante ang itsura, nakakamangha!
Habang nakatingala ay nagulat ako nang mabangga ako sa likod ni Akihiro. Gulat naman itong lumingon sa akin, napahawak naman ako sa baba ko dahil tumama ata sa bulalo, este sa buto niya.
"Have a seat." panimula ng babae, hindi ko naman ito naintindihan dahil ginamit nito ang kanilang lengwahe. Nakaupo na si Akihiro at ang babae ay umalis saglit at naiwan akong nakatayo.
Sumenyas si Akihiro na maupo sa tabi niya gamit ang pagpalo nito ng mahina sa couch. Sumunod naman ako dito agad.
Maya maya lang ay dumating na ang babae na may dalang juice at sandwich, inilapag nya ito sa harap namin at itinuro ang kamay sa pagkain, nagsasabing kumain kami.
BINABASA MO ANG
Still You
Teen FictionAlexis Reign Montenegro, a girl who fights just for her dreams, kaya naman pumayag siya at nangako sa pakiusap ng kanyang nanay na paaralin siya ng kaibigan ng nanay nito sa Japan. Nakarating ito ng Japan at tumira sa bahay ng kaibigan ng nanay niya...