ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 𝟙

13 2 2
                                    

"Rika! Tawag ka ni Sir Jason sa office nya." sabi ni Adi saakin na kakakausap lang kay Sir sa telephone.

"Okay." sabi ko at tumayo sa aking upuan at pumunta sa office ni Sir Jason.

Nang makarating ako sa labas ng opisina ni Sir, kumatok ako ng tatlong beses.

"Pasok." sabi ni Sir mula sa loob.

Pumasok ako, naka talikod si Sir sa akin at nakaharap sya sa bintana kung saan kita ang mga buildings sa paligid.

"Sir pinapatawag nyo daw po ako?" tanong ko sakanya, humarap naman sya at tumingin sakin.

"Kamusta yung pinapagawa kong report sayo?" tanong ni Sir habang nakatingin sakin ng seryoso.

"Ah Sir patapos na rin po, may onti nalang na kulang at matatapos na rin." nakangiti kong sabi.

"Ibigay mo nalang yung report kay Sherlie at sya na ang tatapos nun." sabi nya habang nakangiti.

"Sir? Bakit po? Patapos ko na rin naman po yung report at kaya ko naman na po nang magisa yun." sabi ko naman sakanya.

"Nalaman ko kasi kay Sam na tinutulungan mo yung iba na matapos yung mga gawain nila kaya naisip ko na ipagawa nalang yung report mo kay Sherlie dahil masyado ka nang maraming na gagawa sa kompanya ko." sabi ni Sir habang nakangiti parin.

Tumango tango lang ako dahil di ko alam sasabihin ko.

"I'll give you 2 days para magrelax relax muna, ang balik mo na ay sa thursday. Alam kong pagod ka rin sa pagtatrabaho kaya you need to rest din." sabi naman ni Sir.

"Sir thank you po pero di ko naman po need ng pahinga, di naman po ako pagod tsaka nakakahiya po na nagpapahinga ako tapos yung mga kaopisina ko ay nagtatrabaho." nahihiya kong sabi.

"You deserve a rest day Rika, okay na rin yun para naman may time ka rin sa sarili mo, lagi ka nalang maraming ginagawa kaya sige na bukas na bukas ay naka leave ka na." nakangiting sabi ni Sir. Ang gwapo talaga ngumiti ni Sir Kent hays.

"Thank you po Sir!" I bowed many times para magpasalamat.

"You may leave now Rika, bigay mo na rin yung report kay Sherlie para matapos na." dagdag ni Sir. Tumango naman ako at nagpaalam.

Lumabas na ako ng opisina ni Sir at napangiti.

"Hays ang saya naman, may pa rest day." sabi ko.

Oh I forgot to introduce myself. I'm Rika Evelyn Sevilla, 21 y/o, I work as an assistant secretary sa company ni Sir Jason, at kilala rin ang kompanya nya na pinakamayamang ko in . mpanya dito sa manila, malaki ang sweldo rito sa opisina, mabait din si Sir Jason, ang kaso is mahirap makapasok dito sa company niya.

Half Korean si Sir Jason, his surname is Hwang, father nya ay korean then mother nya ang filipino, maraming company sina Sir Jason sa iba't ibang bansa, meron sa Japan, Korea, USA at kung saan saan pa.

Pumunta na ulit ako sa table ko, nang makaupo ako ay lumapit sakin si Adi.

"Anong sinabi ni Sir sayo?" ngiti ngiting tanong ni Adi.

"Chismosa ka teh?" natatawang tanong ko.

"Ano nga sabi?" tanong nya ulit.

"Pinagrest day nya ako ng 2 days." sabi ko habang sinesave yung report sa flashdrive para mabigay ko kay Sherlie.

"Bakit naman? Sana ol may leave." tawa tawa nyang sabi.

"Need ko daw ng pahinga eh." sabi ko habang nakatingin parin sa computer.

"Bakit daw?" tanong nanaman ni Adi. Napakadaldal ng babaeng to, di ko alam kung pano ko natiis to sa loob ng 6 years naming pagkakaibigan.

"Ang dami mong tanong, manahimik ka nalang jan." sabi ko at tumayo. Pumunta ako kay Sherlie at binigay yung flashdrive.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What I do for LoveWhere stories live. Discover now