Sumakay sila sa isang shuttle service ng club na nag-baba sa kanila sa clubhouse. Hindi sya nito kinakausap o sinusulyapan mula sa shuttle hanggang sa pag-akyat sa restaurant.
Sya namang biglang paghawak nito sa kanyang kamay ng papasok sila ng restaurant, at itinaas pa ito.
Ah. Okay. Winawagay-way nya sa mga ka co-member ang magkaholding hands nila.
"Aba . Aba. Mukhang may bago aah." aniya ng isang lalaki mula sa table na nilagpasan nila. Di nya ito nakilala kaninang nasa clubhouse siya, ubod din ng yummy ito.
"That is Kaori. Uwa's girlfriend." aniya ni Elczar.
"Oh. Matagal na ba sila?" muling tanong ng lalaki.
"Bakit Nathan? Interesado ka ba?" tanong naman ni Simon dito.
Pakiramdam nya ay na nanadya naman ang mga ito na iparinig ang usapan sa kanila. Hinihintay naman nya na mag-react ang damuhong bata sa harapan. Ngunit nanatili itong nagbabasa sa menu.
"Oo. Interesado ako malaman kung paano nya napaamin si Uwa." sambit nito sa mga kasama, at sabay sabay naman nagtawanan.
Nakita naman nya ang pagguhit ng ngiti sa labi ng binatang kaharap.
"Okay lang sayo na pinag-uusapan nila tayo?" tanong nya dito.
"Matagal na nila tayong pinag-uusapan." aniya nito na patuloy sa pag lipat ng pahina ng menu book. "May napili ka na ba?" tinawag naman na nito ang waiter at binigay ang kanilang order.
"She loves me"
"She loves me not"
Aniya ng magkamukhang babae na naupo sa magkabilaan na upuan, na nagmistula syang nasa gitna ng mga ito.
"Hey. Go away!! Wushu wushu! The doppelganger." pagtataboy ni Uwa sa kambal na nakisalo sa kanilang lamesa.
"Hindi mo na ako binalikan, Ms. Hidalgo. Regarding sa appointment ko. Nagpapakipot pa din ba si Uwa sa iyo?" malamang ito si Raya, ang nagset ng appointment.
"Ahmm . kasi po."
"Hindi pa ako pumapayag. May pinag-uusapan pa kami." sagot naman ni Uwa dito.
"Kahit ako magdadalawang isip na pakasalan ang tulad mong brat." aniya naman ng isang kambal na nagpalaki ng kanyang mata sa gulat, dahil mukhang may alam ito sa mga pangyayari sa kanila ni Uwa.
Sinawsaw naman ni Uwa ang kamay sa baso na may tubig at winisk-wisik sa kambal.
"Hey! Ang dugyot mo Uwa!!!" sigaw ni Raya, na sya naman tumayo na ang kambal.
"Alis. Alis. Wushu Wushu! Mga masasamang espiritu, kampon ni Lucifer. Magsialis kayo!"
Sya naman nakaahon na din sa pagkabigla at natatawa sa ginawa nito sa kambal.
"Yung dalawang yun ang iiwasan mo, habang nandito ka sa rancho." aniya nito sa kanya.
"Mukhang mabait sila at makakasundo ko din. Di tulad ng ibang babae na halos matunaw ako sa grabeng tingin saken."
"Sa tinagal tagal naman ng pagtitig ko sayo, di ka naman natunaw." nakangiting sagot nito sa kanya.
"Hayan ka na naman, Uwa." aniya niya dito. Ngunit parang may kumurot sa puso nya, hindi masakit kundi tuwa sa sinabi ng binata.
"Basta iwasan mo yun. Doppelganger yun. Masamang espiritu. Gemini din ang zodiac sign nila kaya mukhang mabait pero hindi talaga." natatawang banggit nito sa kanya.
Sya naman nilingon ang mesa na nasa likod lang nya na pinagkukumpulan ng kaibigan o co-member ni Uwa. Kinawayan naman sya ng mga ito at ngumiti bilang ganti.
Nang biglang hinawakan ni Uwa ang kanyang mukha pabalik, paharap sa binata at PAK!! Isang halik.
"Saken ka lang ngingiti at titingin." aniya nito ng bitawan ang kanyang baba, saka muling umupo sa upuan nito sa kanyang harapan.
Lord. Limited ba ang oxygen sa bundok na ito. Di ako makahinga!
Isang malakas na sigawan naman ang nagpagising sa gulat nyang diwa.
"Woooaah!!!" mula sa kabilang mesa.
"Ibang level talaga, grabe. Nilalanggam pati kami dito"
"China oil !!!! (sana all)"
Aniya ng mga ito, na di na rin nya tinangka pa na lingunin.
At pangiti ngiti na nakatingin ang binata sa kanya.
"Uwa, di nakakatuwa yang mga nakaw mong halik."
"Sino ba may sabi na ninanakaw ko yun sayo? Hindi ako magnanakaw. Nandito ka sa mundo ko, kaya akin ka." nagwink naman ito sa kanya,
"Ah ganun. Malabas lang kita sa mundo na to, sisiguraduhin ko magiging violet ang kulay ng labi mo."
"I'm not scared. Excited ako makalabas dito kasama ka. Kasi paglabas naten dito, you will be my bride. Right?"
Sya naman mariin na pagpikit sa sakit ng ulo nya sa mga sinasabi ng binata.
Tahimik na din silang kumain ng dumating ang kanilang order.
Isa isa na din nagpaalam sa kanila ang mga co-member nito mula sa katalikod na mesa.
"Are you done?" tanong sa kanya ni Uwa.
"Yes."
"Hindi kita maihahatid sa bahay. Sumakay ka na lang muna ng shuttle sabihin mo lang sa bahay ni Uwa, alam na nila yun. May pupuntahan lang din ako. Medyo matatagalan ako."
"Huh? Iiwanan mo ako dito?!"
"Oo." batid naman ng binata ang kanyang pag-alala na maiwanan sa rancho. "Babalik ako dito."
"Bakit di mo na lang ako isama? O kaya uwi na ako ng Manila?"
"No. Di pwede." muli na naman itong nakangiting nakakaloko sa kanya. "Dito ka lang. Hanggat di ka pumapayag pakasalan ako. Anyway, importante yun kaya dito ka muna, wag ka lalabas ng bahay ko. Maraming masamang elemento at espiritu ang nandito. " yun ang tawag ng binata sa mga kaibigan sa rancho. "Kung nagugutom ka, magpadeliver ka na lang. May list of numbers sa gilid ng telepono ko sa bahay. Ok?" tumango naman sya.
Muling hinawakan nito ang kanyang kamay ng palabas sila ng restaurant hanggang sa ihatid sya nito sa shuttle. Isang halik naman sa noo ang ginawa nito na nagpabilis ng tibok ng kanyang puso.
BINABASA MO ANG
Rancho Castillo #2 : JOSHUA 'UWA' SANTOS
RomanceHalos tatlong buwan na rin mula ng mawala na parang bula si Uwa. Kahit sino din sa mga band member nito ay di alam saan sya ngayon nagtatago. Sabagay, sya nga mismo na talent manager ni Uwa ay walang alam. "Ate, tatlong buwan na tayo walang raket. U...