MABILIS na kinuha ni Sanria ang cordless phone na nakapatong sa may bedside table at sinagot ang naturang tawag.
"Papunta na kami sa restaurant para mag-lunch," bungad agad ng babae sa kabilang linya na agad nabosesan ni Sanria. It was, Alonica. "Sumunod ka na. Ako na ang bahalang sumundo kay Gray."
Napasulyap si Sanria sa natutulog pa rin na si Gray sa kanyang kama. "Alonica-"
"Bye!"
Napamaang siya nang pagbabaan siya ni Alonica ng telepono. Muli siyang napatingin kay Gray nang maibalik niya ang cordless phone. Naupo siya sa gilid ng kama at bahagyang niyugyog ang balikat nito.
"Gray," tawag niya sa pangalan nito. "Gumising ka na. Sabay-sabay raw tayong mag-lunch sa restaurant ngayon. Gising na. Gray," tinapik-tapik pa niya nang magaan lang ang pisngi nito.
Umungol pa ito. Senyales na ayaw pa nitong gumising.
"Isang oras ka ng natutulog. Gumising ka na. Naghihintay sila sa atin." Nang hindi pa rin ito gumising ay malakas na niya itong pinalo sa braso nito. "Gray!"
"What?!" pupungas-pungas pa nitong tanong.
Napatawa siya sa reaksiyon nito. "Gumising ka na dahil hinihintay nila tayo para mag-lunch. Tumawag si Alonica. At sigurado ako na sa mga oras na ito ay papunta na siya sa room mo para sunduin ka." Na-imagine niya si Alonica na katok nang katok sa pinto ng silid ni Gray pero wala naman doon ang binata.
Bumangon na ito pero hayon at pumikit pa rin.
"Bakit ba mukhang antok na antok ka? Hindi ka ba nakatulog dahil sa excitement mo na pumunta rito?"
"May tinapos lang ako kagabi." Nagmulat na ito ng mga mata.
Mukha agad niya ang natitigan ni Gray nang magmulat ito ng mga mata. Hindi na naman magawang iiwas ni Sanria ang tingin. Bakit paguwapo nang paguwapo si Gray sa paningin niya? At sa simpleng titig nito na iyon sa kanya ay hayon na naman ang nagiging pamilyar na bilis ng tibok ng puso niya.
"Tara na," aniya na nauna ng nag-iwas ng tingin. Tumayo na siya at hinintay ito sa may pinto.
"CR lang ako," ani Gray nang makababa sa kama.
Nang makalabas sa banyo si Gray ay binuksan na rin niya ang pinto ng silid. Napakurap-kurap pa siya nang makita sa labas ng pinto si Alonica na akmang kakatok.
"Wala si Gray sa-" hindi naituloy ni Alonica ang sasabihin nang makita nito si Gray na sumulpot mula sa likuran ni Sanria. "Gray?" bakas ang gulat sa boses ng babae.
"Papunta na rin kami sa restaurant," kaswal na wika ni Gray.
Umatras si Alonica nang lumabas na sila ni Gray sa silid na ukupado niya.
"Sinundo ako ni Gray kaya siya nasa room ko," mabilis na alibi ni Sanria. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano si Alonica. Baka i-tsismis na naman nito sa ibang tao. "'Di ba, Gray?" bahagya pa niyang binunggo ang braso nito. Ware naman ay na-gets ang nais niyang iparating.
"Yes. Shall we go?"
Atubiling tumango si Alonica bago nagpatiuna sa paglalakad. Napatingin siya kay Gray nang hawakan nito ang kamay niya at ilagay sa may braso nito. Pinapakapit siya nito roon. Dati kaswal lang niyang ginagawa iyon kapag magkasama sila. Pero bakit ngayon ay iba na ang pakiramdam niya? Marahan niyang ipinilig ang ulo at kumapit na lang sa braso ni Gray.
Nang makarating sa restaurant na nasa ibaba lang ng hotel at makalapit sa may kalakihang pabilog na lamesa kung saan prenteng nakaupo ang mga kasama nila, lahat napatuon ang tingin sa kanila ni Gray. Napatingin din tuloy sa kanila si Alonica na saka lang napansin na nakakapit siya sa braso ni Gray. Sandaling tumiim ang labi nito bago naupo sa gitna nang tatlong upuan na bakante.
BINABASA MO ANG
A Princess In Disguise 2: A Princess Promise
أدب المراهقينLumaki si Sanria na halos si Gray ang palaging nakakasama kaya daig pa nila ang magkapatid kung ituring ang isa't isa. Si Gray rin ang tumatayong protector ni Sanria kaya halos nakadepende ang dalaga rito sa lahat ng bagay. Kapag isinasama si Sanria...