Prologue

32 2 1
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

>>>

"How's life,Drev?Balita ko symptomatic kana?"napangisi ako nang mapansin ang pagkunot ng noo niya.Hanggang ngayon pala ay hindi niya alam ang palayaw namin sa kanya. Damn!Hindi man lang sinabi ng mga kaibigan niya?

"What?"napahalakhak siya sa sinabi ko.Tuwang-tuwa pa ang loko.I wonder,makakatawa pa kaya siya kung si Bia na ang kaharap niya?

"I mean,hindi kana torpe.Unlike no'ng high school tayo na para kang timang na nakatitig sa kanya sa malayo,"pansin ko kung paano nawala ang ngiti sa mukha niya.Pero panandalian lamang 'yon dahil bigla siyang ngumisi.Iyong ngising palagi niyang ginagawa no'ng high school. Ngising may naiisip na kalokohan.

"Tawa ka lang diyan.Kasi mamaya,iiyak kana kapag nakita mo na siya,"humahalakhak na sabi niya na hindi ko na napansin dahil naagaw ang atensyon ko ng lalaking naglalakad papunta sa direksyon namin.Nakatutok pa ito sa cellphone niya kaya hindi niya napansin ang pagtitig ko sa kanya.

"Putangina, Drevil!"sa sobrang gulat ay napamura na lamang ako.Halos rinig na rinig ko na ang pagkabog ng puso ko.

"Hell yeah!Potassium Chlorine is here,"gaya ko ay nakatitig rin pala si Drev sa kanya."You better compose yourself and be ready for his rude attitude.He's not the Kyllan you used to know.He's not your sweet Kyllan anymore."

My heart sank upon hearing the last sentence.Right there and then,I realized what I've lost.I've realized that it'll never be the same again. And we won't ever talk the way we used to be.

"Hey,Am I late?"Naupo siya sa tabi ni Drev habang busy pa rin sa cellphone.

Hindi ko alam kung nakita niya ba ako o sadyang ayaw niya lang ako pansinin.Hindi na kasi ako tumingin pa sa kanya nang makalapit na siya.Ibinaling ko na lang ulit ang atensyon ko sa pagkaing nasa harapan ko.

"Hindi pa,Bro!May chance pa!"tumatawang sambit ni Drev kaya bigla akong napaangat ng tingin na sana ay hindi ko na ginawa dahil imbes na kay Drev ay sa katabi niya dumiretso ang tingin ko.

Kita ko kung paano nabura ang ngiti niya habang nakatitig sa'kin.Kita ko kung paano dumilim ang mukha niya.

"May kasama ka pala.Bakit di mo 'ko na-inform?"lingon niya kay Drev na nakangisi.Bigla akong nainis dahil sa kalokohan niya at parang gusto ko na lang siyang ilibing ng buhay.

"Ah,oo.Siya nga pala,meet your ex,"pinanlakihan ko ng mga mata si Drev na hindi naktingin sa akin dahil busy sa pakikipag-usap sa katabi niya.

"She's not my Ex.And she will never be."


Kaagad akong napaiwas ng tingin nang maramdaman ang pag-iinit ng gilid ng mga mata ko.Mukhang mahaba-habang pagpipigil na naman ang gagawin ko sa araw na 'to.

Pagpipigil na ilibing si Drev at pagpipigil sa pagsakal sa lalaking kaharap ko na kung makatitig ay para bang may nagawa akong malaking kasalanan sa kanya noon.

Love Between CrimesWhere stories live. Discover now